Chapter One
Chapter One
-Purita-
Dalawang araw na ang lumilipas mula ng iwan ako ni Lola Salome. Si Lola, ang naging ina ko sa mahabang panahon na pananatili ko dito sa mundo. At hindi ko na ngayon alam kung paano ang magiging buhay ko, ngayon pati siya ay kinuha na sa akin. Hindi ko naranasan ang mabuhay ng kompleto ang aking pamilya na tulad sa ibang bata na kasing edad ko. Si Lola Salome ang nagpakita sa akin na ang mabuhay sa mundo ay hindi madali, lalo na kung makakasalamuha ka sa mga taong matatatas ang tingin sa kanilang mga sarili. Mali man manghusga subalit iyan ang reyalidad sa mundo kung saan tayo ngayon nakatayo. Malalim ang aking pag-iisip habang nakatingin sa kabaong kinahihigaan ng aking pinakamamahal na Lola ng bigla akong tinawag ni Aling Goya at may dumating daw akong kamag-anak.
“Purita, andito ang Lola Nelia, mo ang nakakabatang kapatid ng iyong Lola Salome.” Malakas na pagkakasabi ng Ginang sa akin at nagmakalapit na ito ay nakita ko ang sinasabi nitong matandang babae na puno na rin ng luha ang mga mata.
“Kamusta ka na Purita, apo?” Malungkot at naiiyak na tanong sa akin ni Lola Nelia. Hindi ko gaanong kilala si Lola Nelia dahil na rin sa bihira lang itong bumisita sa amin dito sa probinsya, at kung darating man ito ay aalis din agad dahil sa may trabaho ito sa ibang lugar bilang isang kasambahay ng mayayaman na tao sa kanilang lugar.
“Maayos naman ako Lola Nelia. Iniwan na po tayo ng Lola Salome ko.” Umiiyak at nakayakap kong sambit dito. Hinimas naman nito ang likod ko at pilit akong pinatatahan sa aking pag-iiyak.
“Hayaan mo ng magpahinga ang kapatid ko, alam kong saan man siya naroroon ay masaya na siya at kasama na rin n’ya ang ina mo.” Mahina at kalmado na rin nitong sagot sa akin. Mas lalo naman ako naluha dahil sa isiping iniwan na ako ng mga taong alam kong lubos na nagmamahal sa akin.
“Huwag ka na rin malungkot pa Purita, pagkalibing ng kapatid ko ay isasama kita pabalik ng Maynila para mag-aral ka don tulad ng gusto ng Lola mo. At saka dalawa na lang tayo ngayon at dahil sa mag-isa rin naman ako sa buhay ay ikaw na lang din ang ituturing kong sariling apo. Mabait sa akin ang iyong ina noong nabubuhay pa siya, sa katunayan ay siya ang nakahanap ng trabaho ko sa maynila. Ang buong akala ko nga ay siya ang papasok bilang kasambahay sa mga Carter, pero laking gulat ko ng ibigay niya sa akin ang trabahong yon. Ayaw ko sana tanggapin ang trabaho sa ibang lugar, subalit ipinilit ng ina mo na kunin ko at tanggapin, mabait ang nasira mong ina, sayang nga lang at sa murang edad nito ay kinuha agad siya sa atin. Subalit alam kong magiging mabuti naman ang lahat sayo ngayon, magtiwala ka sana sa akin, apo. Gustong ibalik s’yo ang lahat ng tulong na binigay nila sa akin, kaya naman sana ay hayaan mo akong gawin yon sayo?” Pagkukuwento sa akin ni Lola Nelia, wala naman ako nasabi dito kung di ang tumingin ng makahulugan at umiiyak ng paulit-ulit.
“Mabuti pa po kayo may ala-ala sa aking ina, ngun’t ako ay hindi ko man lang siya nayakap o nakasama. Sa mga litrato ko lang siya nakilala at habang lumalaki ako ay walang akong ibang inisip kung paano magkaroon ng isang ina at ama na mag-aalaga sa kanilang anak. Sa totoo lang ay hindi naman masama ang loob ko kahit po, maaga nawala ang aking ina, alam kong ang lahat ng ito ay may dahilan at kasagutan.” Tahimik kong tugon dito na ikinangiti naman nito ng tipid sa akin. Wala namann ako naramdaman na kahit na anong takot o pangamba sa gagawin kong pagsama kay Lola Nelia, sa katunayan ay natuwa pa nga ako dahil sa nais nitong pag-aralin ako.
Nang gabing yon ay maraming tao ang nakiramay sa amin, naroroon din ang mga taong nakakakilala kay Lola o sa akin. Alam kong malungkot din sila sa pagkawala ng aking Lola, mabait kasi ito lalo na mga kapitbahay naming may kailangan ng tulong. Ugali kasi ng Lola ko ang magbigay kahit pa maging kami ay kapos sa pagkain o mga iba pa naming pangangailangan. Subalit ang katwiran ng aking mahal na Lola, ay kailangan pa rin daw magbigay meron man o wala, ang mahalaga ay makatulong ka pa rin daw sa kung ano man ang kaya mong itulong sa iba.
Ilang gabi pa ang lumipas ay dumating na rin ang araw ng libing ni Lola Salome at halos hindi na rin ako makaiiyak at parang naubos na rin ang mga luha ko. Mahal na mahal ko ang aking Lola, ay kung bibigyan ako ng isa pang buhay ay siya pa rin ang gugustuhin kong maging Lola ulit sa buhay ko. Pagkatpos ng libing ay umuwi muna kami ng bahay ni Lola Nelia ng sa ganoon ay makapag-ayos pa ako ng ilang gamit na pwde kong madala sa aming pag-aalis kinabukasan.
“Apo, alam kong mahihirapan ka ngayon pero sana ay wag kang mahihiyang magsabi sa akin ng mga kailangan mo. Narito ako at kahit ano pa ang gusto mo ay palagi lang akong nasa tabi mo, Purita.” Malumanay na pagkakasabi sa akin ni Lola Nelia, habang inaayos ko ang ilang damit ko na ipinapasok ko sa aking bag na dadalhin. Tumingin lang ako dito at saka tumango kasabay ang pagngiti ko dito na may buong pagtitiwala. Ilang sandali pa akong nag-aayos ng dumating naman sina Josh, Kat-kat at Punny. Ang mga kaibigan at kababata ko.
“Totoo pa lang aalis ka na Puri.?” Malungkot na tanong sa akin ni Punny ang bakla kong kaibigan at ang tagapagtanggol ko sa mga tanong nangmamata sa akin.
“Oo, sasama ako kay Lola Nelia, kami na lang dalawa ang magkasama ngayon. At hindi naman siya pwde umalis sa pinapasukan niya dahil sa mas mahihirapan kaming dalawa kung dito kami mamumuhay. At isa pa sabi ni Lola pwde akong mag-aral sa Maynila ng sa ganoon ay makapagtapos ako kahit na papaano.” Mahina at malungkot ko ring paliwanag sa mga kaibigan ko na nakatingin lang sa akin.
“Siguro naman pwde kang pumunta dito tuwing wala kang pasok sa school mo.?” Kasunod naman na tanong ni Kat-kat at inabot sa akin ang isang lollipop na hindi pa nito nabubuksan. Napangiti naman ako dahil sa alam kong mabubuti silang lahat sa akin. Kinuha ko ang lollipop at binuksan ito at saka ko sinubo sa aking bibig, hanggang sa namalayan kong lahat pala kami ay may hawak ng lollipop na ikinatawa na lang naming apat. Ito ang isang bagay na madalas naming gawin ang magsip-sip ng lollipop sa tuwing nagkukuwentuhan kami, at ito rin ang mamimiss ko oras na hindi ko na sila kasama dahil sa aking pag-alis.