Chapter Two

1251 Words
Chapter Two -Purita- “Apo, ayos ka lang ba?” Tanong sa akin ni Lola Nelia ng makasakay na kami ng bus papuntang Maynila at kung saan ito nagtatrabaho. “Opo, Lola.” Tipid kong sagot dito na ikinatango naman nito sa akin. Matagal din ang naging bayahe namin at totoo nga ang sabi ng ilan na magulo at matraffic sa lugar ng Maynila. Subalit mukhang masaya ang mga tao dito kahit pa nakikita ko na ang iba ay salat din sa kahirapan, may mga namamalimos din sa daan, meron ding mga batang naglalaro sa paligid at kung hindi sila mag-iingat ay pwde silang masagasaan ng mga sasakyan. Napahinga ako ng malalalim dahil sa ngayon ay itong lugar na ang makakagisnan ko. Pagkababa namin ng bus sa loob ng terminal ay sinabi ni Lola Nelia na may susundo sa amin, at ito daw kasi ang gusto ng kanyang amo ang sunduin kami ng sa ganoon ay hindi na kami mahirapan pa sa pagsakay dahil na rin sa malayo pa daw dito ang bahay ng kanyang mga amo. Tumango lang ako at sumang-ayon sa mga nais nito. Hanggang sa isang lalaki ang lumapit sa amin at mukha nga itong driver. Kinausap ito ni Lola Nelia sandali at saka na rin kami sumakay sa isang maragang kotse na sa mga palabas ko lang sa television napapanood. Mukhang totoo nga ang sabi ni Lola Nelia na mayaman ang kanyang mga amo, malaki ang loob ng kotse at sa tingin ko ay mga ilang tao din ang makakasakay nito. Sa paglipas pa ng oras ng aming bayahe ay narating na rin namin ang isang maganda at malawak na subdivision na talagang mababakas na mayayaman lang ang pwdeng tumira sa ganong kagagandang bahay. At kung titignan ay hindi lang ito simpleng bahay kung di mga mansion ang makatira dito. “Apo, Purita. Maaari ka ng bumaba r’yan.” Kalmadong sambit ni Lola Nelia sa akin at saka lang ako bumalik sa aking sarili ng malaman kong nasa tapat na pala kami ng bahay ng amo nito. Kung nalula ako sa mga bahay na dinadaanan namin kami, ay mas napanganga naman ako sa malaking mansion na nasa aking harapan ngayon at animoy mga reyna at hari ang nakatira dahil sa ganda at laki nito. “Lola Nelia, dito po ba talaga kayo nagtatrabaho?” Taka at gulat kong tanong sa matanda. Natawa naman ito bago ako sinagot. “Oo, at dito ka na rin titira mula ngayon. Ang mabuti pumasok na tayo dahil kanina pa tayo hinahantay ng magiging amo mo na rin. Nasabi ko na sa kanila ang kalagayan mo at pumayag silang pag-aralin kahabang naninilbihan sa kanila.” Nakangiting paliwanag sa akin ni Lola Nelia at niyaya na ako nitong pumasok sa malaking pintuan na ngayon ko lang din nakita sa buong buhay ko. Kung anong ganda sa labas ay double naman ang ganda sa loob ng mansion, malinis ang paligid at malawak ang kanilang sala. Makimtab ang sahig na animoy hindi nalalagyan ng alikabok, umakyat kami sa isang magandang hagdaan at sa bawat pagtapak ko at ramdam ko ang lambot ng carpet na nakasapin doon. Kumatok ng tatalong beses si Lola Nelia sa isang pintuan na isang kuwarto, binuksan niya ito at sinalubong agad kami ng lamig sa loob na nagmumula sa kanilang malaking aircon. Nasa tabi ko lang si Lola Nelia at halos hindi ako makagawa ng kahit na anong ingay. Hanggang sa dalawang tao ang naroroon at nakangiting sinalubong si Lola Nelia ng babaeng Ginang at sa tingin ko ay magkasundo rin ang dalawa. “Condolence, Yaya Nelia. Hindi kami nakasunod sayo sa probinsya dahil sa nagkaroon ng problema si Gale sa kompanya nito.” Sabi ng maganda Ginang na mukhang sa fifties pa ang edad nito. “Ayos lang po iyon Donya Cecelia, nakakahiya nga po sa inyo at kayo pa po ang sumagot ng mga gastusin sa pagpapalibing sa aking kapatid. Maraming salamat po sa inyo.” Magalang na sagot naman ni Lola sa Ginang at nalaman kong ito pala ang kanyang amo at ang lalakeng nasa tabi nito ay ang kanyang asawa. Kaya pala noong dumating si Lola Nelia ay inayos agad nito ang paglilibingan ni Lola Salome at kinuha pa niya ito ng sariling lupa na paglalagyan nito. Iyon pala ay galing ang tulong sa mag-asawang amo nito. Lihim akong natuwa dahil alam kong kahit papaano ay mag puntod kaming bibisitahin oras na gustuhin man namin. “Ito po pala ang apo ko Donya Cecelia, si Purita. Siya ko ang batang naikukuwento ko sa inyo. At kung maaari pong ipagpapaalam ko na maaari po s’yang manatili dito. Nais ko rin pong hingin ang pagkakataon na ito na baka kung pwde ay makapag-aral din po siya, ako nalang po ang sasagot sa lahat ng magiging gastusin niya sa paaralan. Ang mahalaga lang po ay makapag-aral ang aking apo. Iyon po kasi ang nais ng aking yumaong kapatid ko.” Nahihiyang pakiusap ni Lola sa mag- asawang apo. Ang buong akala ko ay hindi sila papaya subalit nagulat ko ng magsalita si Don Alfredo sa aming harapan. “Kami na ang bahala sa lahat ng magiging gastos ng apo mo sa pag-aaral at mas maganda kung sa University na lang ni kale siya papasok at sa tingin ko naman ay magkasing-edad lang naman ang dalawa, di ba Misis ko.?” Walang imosyon na salita ni Don Alfredo sa amin at hinawakan sa bewang asawa nitong si Donya Cecelia. “Tamang-tama ang sinabi mo, Mister. Mas maganda nga kung sa school na lang ni Kale papasok si Purita.” Masayang pahayag ni Donya Cecelia. Natuwa naman si Lola Nelia sa naging pahayag ng mag- asawang amo. “Maaari po ba akong magsalita, Donya Cecelia at Don Alfredo.?” Nahihiya at nakayuko kong tanong sa mga ito na ikinalingon naman nila sa akin. “Sige lang, iha. Ano ba ang nais mong sabihin?” Nakangiting sagot sa akin ni Donya Cecelia. “Maaari po bang sa susunod na taon na lang po ako papasok sa paaralan at nais ko rin pong ako ang gagastos sa aking pag-aaral. Hindi naman po sa ayaw kong tanggapin ang tulong na binibigay n’yo, pero nais ko lang po sana maabot ang mga pangarap ko sa sarili ko pong pagsisikap.” Paliwanag ko sa mga ito na ikinatahimik naman nila. “Apo, kaya naman kitang suportahan sa pag-aaral mo? Hayaan mo naman ako natulungan ka.” Nagsusumamo na paki-usap sa akin ni Lola Nelia. “Lola, alam kong kahit anong mangyari ay nasa tabi po kita. At labis po akong nagpapasalamat sa inyo at sa pagmamahal n’yo sa akin. Pero may mga bagay po kasi na gusto ko ako lang din po ang gagawa. Hayaan n’yo na po ako sa desisyon ko, pangako po sa susunod na taon babalik ako sa pag-aaral at magiging isa akong magaling doctor na tulad na pangarap sa akin ni Lola Salome. Hindi ko po kayo bibiguin, mag-iipon lang po ako at mag-aaral akong mabuti ng sa ganoon ay magawa at matupad ko ang mga bagay na gusto kong makuha o marating.” Madamdaming kong tugon sa kanilang lahat na nasa aking harapan ngayon. Nakita kong ngumiti ng totoo sina Don Alfredo at Donya Cecelia, alam kong nagustuhan nila ang kanilang mga narinig mula kahit pa alam kong sa kabilang banda ay napahiya ko sila. Ganon pa naman ay buo na ang desisyon ko at taas noo kong gagawin ang lahat lalo na sa ikakaayos ng buhay naming dalawa ni Lola Neli
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD