Chapter Three

1084 Words
Chapter Three -Tale- “Boss, tumawag po kanina ang Donya Cecelia, at pinauuwi po kayo ngayong darating na linggo.” Bungad na sambit sa akin ni Migs ng makapasok na ako ng aking sasakyan at pauwi na ngayon sa aking sariling condo sa may Laguna. Tumango lang ako dito at saka na ito nagpatuloy sa pamamaneho, ipinikit ko muna aking mata at pinakiramdaman ang paligid. Sa totoo lang ay maghapon ng masakit ang aking ulo at kung hindi lang ako kailangan sa office ay hindi muna ako pupunta roon dahil talagang masama ang pakiramdam ko, hindi ko naman kito pinahahalata sa mga tao ko dahil sa kilala nila akong walang kahit na anong sinusukuan. Ilang minuto pa ang lumipas at nakarating na ako condong tinutuluyan ko ng mahabang panahon na rin na pamamalagi ko dito sa lugar. “Migs, gusto kong makapagpahinga ngayon gabi, ako na lang ang tatawag sayo kung anon goras m o ako susunduin bukas.” Walang buhay kong utos sa aking tauhan na ikinatango lang nito sa tabi ko. Umalis na rin ito at ako naman ay nagtungo na sa aking unit, dahil sa gusto ko na rin talagang makpagpahinga. Pagkatapos kong maligo ay narinig kong tumunog ang aking phone at nakita kong si Josie ang tumatawag. Hindi ko sinagot ang tawag nito, subalit sadyang makulit ang babaeng ito, ilang buwan na rin kaming hiwalay pero may nangyayari pa rin sa aming dalawa. Ewan ko ba at hindi ko mapigilan ang aking sarili na hindi ko ito angkinin, gayong alam kong wala na rin naman pagmamahal sa pagitan naming dalawa. Hinayaan ko ang tawag nito at mas pinili kong matulog na lang muna at bukas ay marami pa akong trabahong kailangan ayusin. Ngun’t malalim na ang aking pagkakatulog ng managinip ako ng isang babaeng nasa aking ibabaw at pareho kaming walang saplot na kahit na anong damit sa aming katawan. Malabo ang mukha ng babae, pero ramdam ko ang mainit nitong halik sa akin, ang kamay nitong humahaplos sa aking buong katawan at ang malambot nitong katawan na nagbibigay sa akin ng matinding pagnanasa. Nagpatuloy pa ang init na iyon sa aking panaginip ng bigla na lang ako nagising at naputol ang magandang tagpo na yon. Napasimangot naman ako dahil sa naiinis ko sa nangyari, napalingon naman ako sa aking phone na patuloy pa ring nag-iingay at dahil ng aking pagkakagising. “Migs, siguraduhin mong importante ang sasabihin mo at inabala mo pa talaga ang pagkakatulog ko?” Inis at galit kong salita sa aking kanang kamay. “Boss, pasensya sa istorbo. Si Gale po kasi ay nabaril at alam n’yong hindi ito pwdeng makarating sa mga magulang n’yo.” May pagmamadali nitong tugon sa akin. “Sige i-send mo sa akin ang address ng hospital at pupuntahan ko. At saka alamin mo kung ano talaga ang totoong nangyari? At kung sino ang nasa likod ng lahat ng ito?” Seryoso kong sagot dito at basta ko na lang din pinatay ang tawag nito. Napatingin naman ako sa aking suot na boxer short dahil sa basa ito at mukhang sa naging panaginip ko ay nilabasan na rin ako ng hindi ko namamalayan. “s**t…... sino ka bang babae? At nagagawa mong palibugin ako ng ganito. Napapailing ako dahil sa panaginip na yon ay nakatagpo ako ng isang pagnanasa na hindi ko inaasahan. Nag-send ng address si Migs, kung saan dinala ang kapatid kong Gale na saksakan ng kulit talaga kaya naman palaging napapahamak. Tulog si Gale, ng dumating ako ng hospital at hindi naman malala ang tama nito sa braso pero tiyak na hindi pa ito makakakilos ng ayos kung sakaling uuwi ito sa mansion. Napahilot ako sa aking batok dahil sa nangyayari ngayon. Nanatili pa ako doon hanggang sa dumating ang doctor nito at sinabing maayos naman na ang lagay ng kapatid ko at pwde na rin itong makalabas ngayon’g araw. Habang kausap ko ang doctor nito ay napansin kong nagtutulog-tulugan si Gale kaya naman pagkalabas ng doctor nito at mabilis akong lumapit dito at bumulong sa tenga nito. “Kung hindi ka pa papangon yan, tutuluyan kitang hindi na magising.” Bulong ko dito na puno ng pananakot. “Grabe ka naman Kuya, kaya mo talagang patayin ko? Ko na sarili mong kapatid?” Natatakot na sagot nito sa akin. “G*go ka.” Tipid kong sagot dito at umupo na ako sa isang solohan na upuan. “Ngayon sabi mo Gale, ano talaga ang totoong nangyari s’yo?” Seryoso ko na ring tanong dito na, ikinaiwas naman nito ng tingin sa akin. “Nalaman kong nagtaksil talaga sa akin si Melanie at ang tinatawag n’yang pinsan noon ay ang kalaguyo n’ya pala ng matagal na. Nagtalo kami ni Melanie, sa pag-aaway namin ay bigla na lang may bumaril sa akin mula sa kung saan na hindi agad naiwasan.” Paliwanag nito sa akin at hindi ko pa alam sa ngayon kung paniniwalaan ko ba yon o hindi. “Sa tingin mo sino ang nasa likod nito?” Tanong ko ulit dito na mas ikinatahimik na nito ngayon. Alam kong may tinatago sa akin ang kapatid ako at kung ano man ang dahilan nito ay hindi ko pa rin alam sa ngayon. “Mabuti pa Kuya, kung hayaan mo na lang muna sa akin ang problema kong ito, malaki na ako at kaya ko na rin naman ang sarili ko.” Sagot nito sa determinadong salita. Nagtitigan pa kaming dalawa ng bigla na lang nagbukas ang pintuan at pumasok ang isang nurse na magbibigay ng gamot sa kapatid ko. Tumayo naman ako at umalis ng walang paalam dito. Palabas na ako ng hospital ng tumawag sa akin si Migs. “Boss, set up ang lahat ng nangyari sa kapatid mo at ang nasa likod nito ay si Melanie. Anak pala s’ya ni Javier ang lalakeng pinakulong ng pamilya mo dahil sa pagnanakaw sa kompya ng inyong ama. Nasa hide out na rin ang bumaril kay Gale at ubos mo na lang ang inaantay namin.” Pahayag sa akin ni Migs sa kabilang linya. “Sige, putulan n’yo ng kamay at paa, at alam mo na rin kung kanino mo ipapadala ang katawan ng hayop na yan. Nang sa ganoon malaman nila na hindi nila tayong pwdeng kalabanin ng ganon-ganon lang.” Utos ko dito at saka na rin ako tuluyang umalis at uuwi ako ngayong gabi sa mansion dahil na rin sa pamimilit ng aking ina na umuwi. Napahinga ako ng malalalim at nakakapagod ang buhay kong ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD