Chapter Four
-Tale-
Hating gabi na rin ako ng dumating sa mansion ng aking mga magulang at natitiyak kong tulog na rin ang mga ito maging ang mga kasambahay naming doon at nasa kani-kanilang mga kuwarto. Maayos kong pinarada ang aking kotse sa aking sariling paradaan at pumasok na rin ako sa loob. Subalit nahinto ako sa aking paglalakad ng mapansin kong may tao sa may kusina na natahimik rin ang pagkilos. Kinabahan ako kaya minabuti kong maglakad papalapit sa bandang kusina ng sa ganoon ay makita ko kung sino ang nasa loob. Napakunot pa aking noo ng makita kong isang babae ang naroroon at naghahanap ng kung ano sa loob ng ref.
Hindi ko makita ang mukha nito dahil sa nakatalikod ito sa akin at abala ito sa paghahanap ng pagkain, nawala naman ang aking pagbabantay dito ng makita ko ang suot nitong manipis na white t-shirt at bakat ang dib-dib nitong hindi naman ganon kalakihan. Nagpatuloy pa ito hanggang sa nakakita ito ng ice cream na gusto nitong kainin, nakamasid lang ako dito kahit pa likod lang nito ang nakikita ko. Napaisip pa ako kung sino ang babaeng ito? Alam kong hindi ito Kale dahil sa tuwing uuwi ito dito ay nagpapasundo ito sa akin o kay Gale, ayaw kasi nitong umuuwi ng mag-isa at alam n’yang masesermunan lang siya ni Mommy.
Hindi ko namamalayan na nagagawa ko ng lumapit sa babae, at saktong paglingon nito ay ang pagharap naman nito sa akin kaya naman nahawakan ko ang maliit nitong bewang at mabilis din nagdikit ang aming katawan. Nagkatitigan pa kami at aaminin kong naaakit ako sa maganda at simple nitong mukha at may kuryente akong naramdaman nito na hindi alam kung saan nagmumula. Ngun’t ang malalim kong pag-iisip ay napalitan ng malakas na sampal na dumapo sa aking mukha na ikinahilo ko dahil sa lakas ng ginawa nito.
“Bastos kang magnanakaw ka…...magnanakaw ka…. saklolo may nakapasok na magnanakaw.” Nagsisigaw na ito ngayon sa loob ng kusina at dahil sa pagkabigla ay hindi rin ako nakapagsalita dito. Hanggang sa ang ingay nito ay nakagising na rin ng mga taong natutulog ng oras na yon.
“Apo, ano ba yang sinisigaw mong bata at baka magigising ang Donya at Don sa bunganga mo.?” Inaantok pang salita ni Yaya Nelia at lumapit pa ito sa babaeng nanampal sa akin.
“Lola, may magnanakaw na nakapasok. At kailangan nating tumawag ng barangay tanod, kapitan, at ang mga sundalo. Madali po at baka makatakas ang lalakeng yon.” Mabilis naman nitong sambit sa matanda na ikinalaki naman ng mata nito.
“Sino bang magnanakaw ang sinasabi mong bata, ka?” Naguguluhang tugon ni Yaya Nelia at inayos pa nito ang kanyang salamin nito at lumingon sa gawi ko. Nakatayo na ako ngayon sa gilid at aaminin kong masakit pa rin ang aking pisngi dahil sa pagkakasambal ng babaeng yon. Mas nanglaki naman ang mata ni Yaya Nelia, ng makita ako nito.
“Apo, siya ba ang magnanakaw na sinasabi mo? Ang lalakeng ito ba ang magnanakaw, ha?” Mahina at nahihiyang tanong ni Yaya Nelia sa kanyang apo na babae.
“Opo, Lola. Siya po yon.” Determinadong sagot naman ng apo nito at tinuro pa ang gawi ko. Ilang sandali pa ay dumating na rin ang aking mga magulang at tiyak na nagising rin ang mga ito sa kaingayan ng babaeng ito kanina.
“Yaya Nelia, ano ba ang nangyayari at may narinig kaming sumisigaw na akala mo nanakawan ng halik?” Pabirong tanong naman ni Daddy na naka-akbay naman sa aking ina. Ako naman ay tahimik lang nakamasid sa kanilang lahat, lihim pa akong napapangiti dahil alam kong mapapahiya na ngayon ang babaeng ito sa harapan ko. Subalit na pagtatanto kong maganda talaga ang babaeng ito at mukha rin itong masarap pagdating sa kama, kaya lang ay inosente pa ito at baka ako pa ang magturo dito kung paano gumiling ng walang kapaguran.
“Pasensya na po kayo Donya Cecelia at Don Alfredo, ang apo ko kasi ay napagkamalan na magnanakaw si Seryorito na Tale kanina lang.” Nahihiyang paliwanag si Yaya Nelia kay Mommy. Nagulat man si Mommy at mabilis itong lumingon sa gawi ko at nakita nitong nakatayo ako don na para lang poste.
“Teka lang po, anak n’yo po siya Donya Cecelia?” Gulat at nagtataka kang tanong ng apo ni Yaya Nelia sa aking ina.
“Matagal na.” Pabara ko naman sagot sa babae. Sinamaan ako nito ng tingin at inirapan na animoy hindi ako nito ginagalang.
“Bakit naman kasi hating gabi ka na nagpunta dito, Tale. Napagkamalan ka tuloy na magnanakaw nitong si Puri.” Turan naman sa akin ni Daddy.
“Pui, pala ang name mo. Ang ganda naman?” May pangiinsulto kong turan sa babae at napakagat pa ako sa aking tabi, dahil sa nalaman kong pangalan nito.
“Eh, ano ngayon sa’yo?” Galit naman na turan sa akin ng dalaga at masama naman ang aura nito sa akin na gusto akong kainin ng buhay. Hindi naman ako kumibo at saka bumaling sa aking mga magulang.
“Hindi ko naman po kasi alam na may bago kayong kasambahay na mahilig kumain ng ice cream sa hating gabi.” Pagbibiro kong tugon sa aking ama, pero ang tingin ko ay nasa babae. Napatingin naman dito ang lahat at nakita kong napayuko ito.
“Pasensya na po Don Alfredo, nagugutom kasi ako kaya po nagpunta ako ng kusina para kumain.” Paliwanag nito sa aking ama, ngun’t masama pa rin ang tingin na bumaling ito ng tingin sa akin.
“Ay, naku hayaan na yan. Ang mabuti pa halika dito Puri at ipapakilala kita sa panganay kong anak.” Nakangiting salita ni Mommy at hinila nito ang babae at inilapit sa akin, na bunggo pa ako nito kaya naman napaayos ako ng pagkakatayo.
“Ok sige. Tale ito si Purita, apo siya ni Yaya Nelia. At mula ngayon dito na rin siya titira sa atin at magiging kasambahay. Purita, ito naman si Tale Carter, ang panganay ko, at malapit na mawala sa kalindaryo ang kanyang edad, pero wala pa ring babaeng gustong pakasalan.” Pagpapakilala sa amin ni Mommy, ngun’t pagdating sa akin ay may kasamang pang-iinsulto.
“Baka po bakla.” Mahina na sabat naman ni Purita na umabot naman sa tenga.
“Anong sabi mo?” Tanong ko dito at kunwaring hindi ko narinig ang sinabi nito.
“Wala po senyorito, Tale.” Sagot nito at kunwaring sumigla pa ang boses nito, subalit halata naman dito na naiinis pa rin ito sa akin. Pinakatitigan ko naman ito, hanggang sa magsalita si Yaya Nelia.
“Pasensya na po Senyorito Tale, at napagkamalan kayong magnanakaw ng aking apo.” Hingin paumahin ni Yaya Nelia para sa kanyang apo.
“Tama na yan, Tale umakyat ka na sa kuwarto at magpahinga ka, bukas na lang natin pag-usapan ang lahat ng ito. At saka Purita kalimutan mo na ang nangyari ito. Lagi naman wala dito ang lalakeng yan kaya ipanatag mo ang sarili mo na magiging maayos din naman ang lahat sa pananatili mo dito.” Salita ni Daddy nito. Ngumisi naman ako dahil sa pagkakataong ito titiyakin kong guguluhin ko ang buhay ng babaeng unang nakasampal sa akin. At hindi rin ako titigil hangga’t hindi ko natitikman ang puri nitong alam kong masarap.