Nang makaalis na si Mark, isa-isa niyang sinilip ang laman ng bag. Napangiti pa siya nang makita niya ang maliit na plastic na may lamang gamot at band aid para sa sugat niya sa paa na isinigit nito sa isang paper bag. "Grabe, ang sweet niya naman." Para siyang nakalutang sa alapaap nang yakapin niya ang mga paper bags. "Nanaginip ba ako?" Hindi pa rin siya makapaniwala na nangyayari ang lahat ng iyon. Sino nga ba naman ang mag-aakala na may konsensiya rin pala ang malupit niyang boss. Ni sa panaginip hindi sumagi sa isip niya na magiging mabait ito sa kanya. Kinabukasan muling nakatanggap ng bulaklak si Alex mula sa kanyang secret admirer. At sa pagkakataong iyon inaaya na siya nitong makipagkita sa isang restaurant. Napangiti pa siya matapos niyang basahin ang card."Sabi na nga ba s

