"Uy, girl. Magkwento ka nga. Ano meron sa inyo ni Boss?" agad na bungad ni Sally nang ma-corner siya sa Comfort Room. "Anong meron? eh, 'di wala," matamlay niyang sagot. "Eh, bakit nakahawak pa sa kamay mo kanina si Boss?" nanlalaki pa ang mga matang inilapit pa nito ang mukha sa kanya. "Dahil hinila niya ko para kumain," walang ganang sagot niya. "Eh, bakit kailangang sabay kayong kumain?" "Dahil may dahilan siya," "Eh, ano nga 'yun?" kunot na ang noong tanong ni Sally. "Ah, basta malalaman mo rin," sabi niya saka siya nagpatiunang lumabas. "Hoy! wait lang," narinig niyang habol ni Sally pero hindi na niya ito nilingon pa. Wala pa siyang ganang magpaliwanag dito dahil wala naman kasi talagang dapat ipaliwanag. Pagbalik niya sa desk niya, naabutan niyang nakaupo sa pwesto niya si

