Malakas ang buhos ng ulan nang lumabas ng opisina si Alex. Kaya naman napilitan siyang sumilong muna kasama ng iba pa niyang kasamahan. Wala noon sina Sally at Albert dahil may inaayos sa gagawin nilang project sa Batangas kaya wala siyang masabayan. Dahil nasa gawing likuran siya hindi niya napansin ang pagtigil ng itim kotse sa harapan. "Alex, sakay na!" narinig niyang sigaw ni Mark. Hindi pa ito nakakalabas ay tumakbo na siya sa kotse at sumakay sa gawing likuran. "Oh, ba't nagbasa ka? Hindi mo ko hinintay." anito sabay bato sa kanya ng towel. "Naku! okay lang 'yan. Hindi naman ako tinatalaban ng sakit," nakangiti pang sagot niya. "Kayabangan mo. Mabuti nalang pala at naisipan kitang balikan dito kundi baka dito ka na matulog kakahintay tumila ng ulan." natatawang sabi ni Mark hab

