Sa paglipas ng mga araw mas lalo pang nadagdagan ang mga gawain ni Alex sa trabaho kaya lalo pa siyang nawalan ng oras para sa sarili. "Good morning, Miss Beautiful," bungad sa kanya ng isang mestisuhing lalaki na sa tantiya niya ay halos ka-edaran lang ng boss niyang si Mark. "Good morning, Sir. May appointment po ba kayo kay Boss?" nakangiting tanong niya sa lalaki. Nangingiting napakamot sa ulo ang lalaki. "Wala eh. Pakisabi na lang si Alfred, yung bestfriend niya." Mabait at malambing ang tono ng boses ng lalaki malayong-malayo kay Mark. Hindi niya akalaing nagkakaroon din pala ng kaibigan ang katulad ni Mark na lagi na lang nakakunot ang noo. "Buti pa itong isang 'to mabait 'di katulad ng mokong na 'yun, ang sama ng ugali." "Sigurado po kayong kaibigan niyo si Boss, Sir?" nangin

