bc

Unwanted Vow

book_age18+
6
FOLLOW
1K
READ
arranged marriage
dare to love and hate
drama
bxg
others
like
intro-logo
Blurb

Paano kung isang araw, habang naglalakad ka sa daan ay may bigla na lamang kumidnap sa 'yo, at sapilitang ipakasal kahit hindi mo kagustuhan?

At ang masaklap pa ay sa taong ni minsan ay hindi mo pa nakikilala.

Paano mo pakikisamahan ang isang lalaki na walang ginawa kung hindi ang iparamdam sa 'yo na isa kang basura?

chap-preview
Free preview
Chapter 1
PAUWI na si Crisanta Alexa, sa bahay nila, nang may bigla na lamang humintong sasakyan sa tapat niya. Kaya't kinabahan siya dahil hindi pamilyar ang itim na kotse na bigla na lamang pumarada sa tabi niya habang naglalakad. Malayo pa naman ang mga kabahayan sa kanila dahil probinsya lamang ang lugar nila sa Bicol. Ilang saglit lang ay may bumabang isang lalaki na magara ang suot. Kulay itim ang suit nito na may mahabang manggas hanggang pulsuhan. Nangingintab rin ang suot nitong itim na slacks na may itim din na sapatos. Itim rin ang suot nitong salamin sa mata kaya't lalo siyang nakaramdam ng kaba dahil pakiramdam niya ay may gagawin itong masama sa kanya. "Miss Crisanta Alexa Magbanua?" agad na bungad sa kanya ng lalaking kaharap. "Y-yes po. S-sino po sila? B-bakit niyo po ako kilala?" napalunok siya ng laway habang tinatanong ang lalaking kausap. At lalo pang nadagdagan ang kaba niya nang may lumabas pang tatlong kalalakihan sa sasakyan ng mga ito. Ganoon din ang suot nila sa kausap niyang lalaki. "M-mukhang hindi maganda 'to, ha!" bulong niya sa kanyang isipan habang may kaba nang nararamdaman. "Kailangan niyo pong sumama sa 'min sa maynila, Miss Crisanta Alexa," seryosong usal ng lalaking kausap niya. Pagkatapos ay sininyasan nito ang tatlong lalaki na isakay na si Alexa sa sasakyan. "T-teka po! B-bakit po ako sasama sa inyo, e, hindi ko naman po kayo kilala?" nauutal-utal niyang usal sa kausap na lalaki at unti-unting napapaatras. Ilang saglit lang ay agad siyang nahawakan ng tatlong mga kalalakihan. "H'wag nang maraming tanong, Miss Crisanta Alexa. Sumama na lang po kayo," usal ng isang lalaking may hawak sa kanang braso niya. "Bitiwan niyo ako! Bakit ako sasama sa mga taong hindi ko kilala!" Mabilis nitong inapakan ang paa ng isang lalaki sa kanang bahagi niya kaya't nabitiwan siya. Pagkatapos ay sinipa niya naman sa pagitan ng mga hita ang isa. At ang isa naman na nasa likod niya ay siniko niya sa mukha. Kaya't napadaing ang tatlo sa sakit. Pagkatapos ay mabilis na tumakbo. Mabuti na lang ay may alam siya sa self defense kahit papaano dahil tinuruan siya ng kaibigan niyang si Regor. Palagi kasi siyang binubully noon kaya't nag-aral siya ng self defense para protektahan ang sarili laban sa mapang-aping mundo. "Ang tatanga niyo! Kababaeng tao natakasan kayo! Habulin niyo at siguraduhin niyong hindi siya masasaktan! Kung hindi, malalagot tayo kay Don Santiago!" madiing bulyaw ng lalaking unang nakausap ni Alexa kanina at rinig na rinig niya iyon habang kumakaripas ng takbo. Kaya't lalong binilisan ni Alexa ang pagtagbo dahil sa takot sa mga humahabol sa kanya. Wala siyang mahingian ng tulong dahil nasa kalagitnaan siya ng daan na walang mga kabahayan. Wala ring dumadaan na sasakyan ng oras na iyon kaya wala talagang tutulong sa kanya. "Ang malas ko talaga, o! Habang buhay na ba talaga akong malalasin?" bulong niya habang binibilisan lalo ang takbo. Subalit kahit anong bilis niya ay lalaki pa rin ang humahabol sa kanya kaya't naabutan siya nang isa sa tatlo. Agad siyang niyakap nito ng mahigpit kaya hindi na siya nakagalaw pa. "H'wag muna kasing subukan tumakas, Miss. Wala ka naman nang magagawa," usal ng lalaking nakahuli sa kanya. Susubukan niya pa sanang kumawala ngunit nakasunod ang dalawa pa nitong kasamahan. Kaya tuluyan na siyang hindi nakagalaw. Nag-uumpisa na ring mag-unahan ang mga luha mula sa kanyang mga mata dahil sa takot na nararamdaman. "Sino ba kasi kayo? Ano ba talaga ang kailangan niyo sa 'kin, ha? Kung kikidnapin niyo ako, wala kayong mahihita sa 'kin dahil isang kahig at isang tuka lamang kami!" protesta niya sa tatlong nakahawak sa kanya habang pilit na nagpupumiglas. Ilang segundo lamang ay nasa harap niya na ulit ang lalaking kausap niya kanina. "Saka na namin ipapaliwanag sa 'yo ang lahat, Miss Crisanta Alexa. Ang mahalaga, kasama ka namin ngayon," muling usal ng lalaking kausap niya kanina. "Sige na, isakay na 'yan!" utos nito sa tatlo na mabilis namang sumunod. "Hindi ako sasama. Ayoko ko. Tulong, tulong! sigaw niya habang nagpupumiglas pa rin. Pero kahit anong sigaw niya ay walang makakarinig sa kanya dahil wala nga kahit isang sasakyan ang dumadaan at tanging sasakyan lamang ng mga kalalakihang pilit kumukuha sa kanya ang naroon. "Bakit niyo ba 'to ginagawa sa 'kin, ha? Ano bang atraso ko sa inyo?" Naluluha niyang tanong mula sa limang mga kalalakihang kasama sa loob ng sasakyan. "Hindi namin kayo sasaktan, Miss Alexa. Sumama lang po kayo sa 'min nang maayos para malaman niyo po ang dahilan." Takot na takot si Alexa nang mga oras na iyon. Hindi talaga maganda ang pakiramdam niya sa mga kalalakihang kasama. "Kailangan kong mag-isip ng paraan para makatakas dito," bulong niya. Subalit bigla na lamang tinakpan ng puting tela ang ilong niya kaya't hindi siya nakahinga. At ilang sandali lamang ay tuluyan na siyang nanghina dahil sa amoy na hindi niya maipaliwanag. Hanggang sa maramdaman na lamang niya na parang bumibigat na ang talukap ng kanyang mga mata. At hindi nagtagal ay tuluyan na siyang nawalan ng ulirat. Ngunit may isang bagay siya na narinig bago siya nawalan ng ulirat. "Ingatan niyo siya ng mabuti kung ayaw niyong mapagbuntunan ng galit ni Don Santiago. Alalahanin niyo na 'yang babaeng 'yan ang magiging asawa ng anak niya." Nang magising si Alexa ay puting kisame ang bumungad sa mga mata niya. Malamig rin ang buong kapaligiran kaya't nagtaka siya. Ngunit naalimpungatan siya ng bangon nang maalala ang nangyaring pangingidnap sa kanya. "T-teka, patay na ba ako? Nasaan ako?" Inikot niya ang paningin sa apat na sulok ng silid. At laking gulat niya nang makita na ang paligid. Lahat kasi ng gamit sa loob nito ay magagara. "A-anong lugar 'to? Nasa langit na ba ako?" Ilang sandali lamang ay narinig niya ang pagbukas ng pinto at pagsarado nito kaya't napatingin siya rito. At halos lumuwa ang mga mata niya sa tatlong babae na pumasok. Nakasuot ito ng unipormeng pangkatulong. May mga kanya-kanya rin itong bitbit na magagarang damit at sapatos. May dala rin silang iba't-ibang klase ng mga kwintas at hikaw na kumikinang. "Gising na po pala kayo, Senyorita. Tamang-tama lang po pala ang pasok namin rito," sambit ng isang babae na may malapad na ngiti. "A-anong sabi niya? S-senyorita?" Hindi makapaniwalang usal sa kanyang sarili. Nilingon niya pa ang bahaging likuran niya dahil baka namali lamang siya ng dinig. Ngunit wala naman siyang nakita sa likuran niya. "A-ako ba ang tinawag mong, Senyorita?" Tinuro pa nito ang sarili na punong-puno ng pagtataka. "Kayo nga po, Senyorita." "N-naku, Miss. Baka ho, nagkakamali lang po kayo. Hindi po ako, Senyorita. Isa lang ho akong hampaslupang dalaga. Hindi po ako 'yon." Umawang ang gilid ng labi niya at napayuko kasabay ang pagpikit ng kanyang mga mata. "Ano bang nangyayari? Bakit kaya nila ako tinawag na Senorita, eh, halos wala na nga kaming makain." Ilang saglit lamang ay narinig niyang muli na nagsalita ang babaeng kausap. "Maligo na po kayo, Senyorita. Ayon po sa kaliwa ang banyo." Itinuro pa nito sa kanya gamit ang hintuturo nito ang banyo. "Naghihintay na po sa baba sina Don Santiago at Senyorito, Felix." Nang marinig niya ang Don Santiago ay muling nanumbalik sa alaala niya ang pangalang narinig niya sa mga kalalakihang kumidnap sa kanya. "S-sino ba siya? Bakit nila ako dinala rito?" "Makikilala niyo rin po sila, Senyorita. Kaya maligo na po kayo para makababa na kayo."

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Reborn Woman's Revenge: WET & WILD NIGHTS WITH MY NEW HUSBAND

read
176.2K
bc

MAGDALENA (SPG)

read
30.2K
bc

The Ballerina's Downfall

read
81.5K
bc

Brotherhood Billionaire Series 6: Honey and the Beast

read
96.2K
bc

His Obsession

read
104.2K
bc

The naive Secretary

read
69.7K
bc

TEMPTED CRUISE XI: A NIGHT OF LUST

read
29.1K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook