11:11

4272 Words
Psyche's POV Agad akong napa iyak nang sabihin sa akin ng ama ni Bullet na malaya na ako sa two fold spell. " Salamat po ama " - naka ngiting pagpapasalamat ko sa ama ni Bullet. " Walang anuman Psyche, gagawin ko ang lahat para sa aking pamilya " - ngumiti si ama at nagpa alam na dahil may gagawin pa raw siya. Agad akong niyakap ni Bullet at naiyak nalang siya bigla " Oh? Anong nangyari sayo? " - tanong ko kay Bullet habang yakap yakap niya ako " Ang saya ko kasi sa wakas magkasama na naman tayong dalawa. Akala ko talaga wala ka na " - tumingin siya sa akin at hinalikan ako sa noo. Napa iyak din ako ulit at niyakap siya ng mas mahigpit Kinwento niya sa akin kung ano ba talaga ang nangyari bago ako nakuha ni Caiden at sapilitang pina gawa sa akin ang resurrection spell. Sabi niya, wala naman talaga siyang gusto kay Lory, napilitan lang siyang sundin ang gusto nito dahil ayaw niyang mapahamak ako kapag nalaman ng council na ako ang tagapag mana ni Aphrodite. Para nga siyang bata na nag susumbong sa nanay niya eh. " At ayun na nga mahal, grabe ang sakit ng suntok ni tatay sa akin " - parang bata na sumbong niya at hinawakan pa ang kaniyang panga. Oo nga pala, kailangan kong puntahan sina nanay at tatay " Bullet, pwede ba tayong pumunta kina nanay at tatay? Gusto kong humingi ng tawad sa kanila sa inasta ko noong labanan " - saad ko kay Bullet at tumingin sa baba. Nagi guilty talaga ako kapag na aalala ko kung ano ang pinag gagawa ko noong nasa ilalim pa ako ng two folds spell " Sige, papaki usapan ko lang si ama na kung pwede ay siya muna ang mamuno ng pansamantala para maka punta tayo sa mundo mo " - nakangiting tugon niya sa aking gusto at hinaplos ang aking mukha. Hinawakan ko naman ang kaniyang kamay at ngumiti sa kaniya " Pupunta tayo sa Lincoln ngayon at kukunin lahat ng gamit mo at magpapa alam ka na sa lobong yun " - seryosong wika ni Bullet, halatang nagseselos kay Blake haha! " Selos ka? " - pangungutya ko sa kaniya. Agad naman siyang namula at umiwas ng tingin " Hindi ah! " - pag tanggi niya sa paratang ko. Agad naman akong tumawa ng malakas dahil ang cute niyang tignan kapag namumula " Oo na! Nag seselos na ako! Sino ba namang hindi mag seselos eh araw araw kayong mag kasama dati. Tapos doon ka pa naka tira sa Lincoln! Malamang asawa mo ko at mahal kita kaya natural na mag seselos ako! " - pag amin niya at umiwas ng tingin. Napa tigil naman ako sa pag tawa at napa titig sa kaniya nang sabihin niyang mahal niya ako " Anong sabi mo? " - hindi maka paniwalang tanong ko sa kaniya. Hinawakan niya ang kamay ko at tinignan ang aking mga mata " Mahal na mahal kita Psyche. Kaya nga nung mawala ka, parang wala na ring silbi ang mabuhay. Kung di lang dahil kina ama ay matagal ko nang tinapos ang aking buhay. Pero ayos lang sa akin kung hindi mo pa ako mahal ngayon, aantayin kong dumating - " - hindi niya natapos ang kaniyang sasabihin nang hinalikan ko ang kaniyang labi " Mahal din kita " - naka ngiting wika ko sa kaniya. Agad na nanlaki ang kaniyang mga mata at niyakap niya ako ng napaka higpit " Kay tagal kong hinintay mangyari to. Kay tagal kong hinintay na sabihin mo sa akin ang mga katagang iyon mahal ko " - masayang sabi ni Bullet at hinalikan ulit ako sa labi " Sa totoo lang, mahal na kita nung bumalik tayo sa mundo ko bago tayo pumasok sa eskwela. Pero natatakot akong umamin dahil baka hindi naman tayo pareho ng nararamdaman " - nahihiyang wika ko sa kaniya. Agad namang nalukot ang mukha niya at tinitigan ako ng seryoso " Ang panget mo. Kung hindi kita mahal, bakit ako pupunta sa iba't ibang mundo para mahanap ka lang? Bakit kita hihintayin ng ilang taon bago ka ulit mabuhay? Edi sana kung umamin ka na sa akin dati, isang dosena na ang Bullet Junior ko! " - pagtatampo niya kunwari. Natawa nalang ako sa inasal niya at kinurot ang kaniyang pisnge. Nakasakay na kami sa kotche nila at pupunta kami sa Lincoln ngayon. Kahit ayoko ay nagpumilit pa rin si Bullet. Nang huminto ang sasakyan namin sa harap ng lugar ay napatingin agad ang mga lobo at na alarma. Bumaba na kami na Bullet at itinaas ang aming kamay para ipahiwatig na hindi kami pumunta upang gumawa ng gulo. Biglang lumabas si Blake at gulat na napangitin sa amin. Ngumiti ako sa kaniya at lumapit. Alam kong alam na niya kung ano ang pinunta ko rito " Blake, salamat sa lahat ng ginawa mo para sa akin. Salamat kasi ang bait mo pa rin sa akin kahit na isa akong bampira. Pero nais ko sanang humingi ng tawad sapagkat ako ay babalik na sa aking asawa at naka gawa pa ako ng malaking pinsala sa iyong lahi. Na aalala ko na lahat. Sana ay respetuhin mo ang desisyon ko " - naka ngiting wika ko sa kaniya Agad siyang lumuhod sa harap ko at hinawakan ang kamay ko. Nang tumingin siya sa akin ay umiiyak na siya. " Please Psyche, wag mo kong iiwan. Gagawin ko lahat para ibigin mo ako. Kahit dun ka mamalagi sa kaniya sa umaga basta umuwi ka lang dito. Sige na, maawa ka sa akin. Mahal na mahal kita Psyche " - pagma makaawa niya sa akin habang umiiyak Napa takip ako sa aking bibig. Hindi ako maka paniwala sa mga sinabi ni Blake. Mahal niya ako? Handa siyang gawin ang lahat para sa akin? Alam kong napaka nakakahiya para sa isang alpha na lumuhod sa isang nilalang dahil para silang maglalakad ng walang ulo pagkatapos, ngunit ginawa niya ito para lang manatili ako sa piling niya. Hinawakan ko ang mukha niya at ngumiti ako sa kaniya. " Pasensya ka na Blake ngunit kapatid lang ang turing ko sa iyo. Pasensya na pero hindi ko kayang tumbasan ang pag mamahal na alay mo. At pasensya na pero hindi ko masasakatuparan ang hiniling ko " - malungkot na saad ko sa kaniya at aalis na sana ng bigla niyang hinawakan ang aking kamay. Napatingin ako ulit sa kaniya " Psyche, ma awa ka " - nag susumamo pa ring wika niya ngunit sa huling pagka kataon ay binitawan ko na ng tuluyan ang kaniyang kamay " Pasensya na Blake " - ngumiti ako ng mapait at naglakad na palapit kay Bullet. Hindi ko na kinuha pa ang mga gamit ko dahil baka kapag nag tagal pa kami roon ay mas lalong masasaktan si Blake at baka mag away na naman ang mga bampira at mga lobo. Ayokong saktan si Blake dahil ang laki ng utang na loob ko sa kaniya at itinuturing ko na siya bilang kapatid ko. Habang nagmamaneho si Bullet pa uwi sa bahay ay tahimik kaming dalawa sa loob. Walang may gustong mag salita dahil sa nangyari " Hindi ko alam na may pag tingin pala si Blake sa akin " - binasag ko na ang katahimikan. Tinignan ako sandali ni Bullet at binalik agad sa daan ang kaniyang mga mata " Ang manhid mo kasi kaya ganun " - pangungutya ni Bullet. Agad kong kinurot ang kaniyang braso dahilan upang mapa ngiwi siya sa sakit " Ayoko siyang saktan dahil tinuturing ko na siyang kapatid at malaki ang utang na loob ko sa kaniya " - sabi ko kay Bullet at umiwas ng tingin. Hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan ito " Magiging okay rin ang lahat mahal ko. Time will heal everything " - nakangiting tugon niya sa akin. Napangiti rin ako sa kaniya. Sana nga Nagpa alam muna kami kina ama at ina bago kami pumunta sa mundo ko. Mabuti nalang at pumayag din si ama na siya muna ang mamahala ulit sa palasyo habang si Bullet. Kumuha muna kami ng cream at gamot bago kami sumakay sa kotche nila. Habang nasa loob kami ng kotche ay panay ang yakap ni Bullet sa akin. Palagi niya rin akong hinahalikan. Minsan nga naiinis na ako pero nginingitian niya lang ako ng matamis. " Ano ba Bullet?! Kanina ka pa ah?! " - inis na bulyaw ko sa kaniya. Ngumiti naman siya sa akin " Mahal kita " - sabi niya at pakiramdam ko at namula ang aking mukha. Agad kong iniwas ang aking mukha sa kaniya " Mahal din kita " Kumatok ako sa pintuan ng bahay nina nanay at tatay. Kinakabahan pa rin ako ngunit hinawakan ni Bullet ang aking kamay upang mapanatag ang aking kalooban. Ilang saglit pa ay bumukas na ang pinto at nakita ko si nanay na mugto ang mga mata. Nagulat ito nang makita ako at bigla niya akong niyakap " Anak! Bakit mo nagawa sa amin yun ng tatay mo? " - naiiyak na sabi ni nanay. Niyakap ko rin siya pabalik at naiyak nalang din " Pasensya na nay, nakulong ako sa sarili kong katawan. Sana ay mapatawad mo pa po ako " - humihikbi kong sabi kay nanay. Kumalas siya sa yakap namin at hinaplos ang aking mukha " Pinapatawad na kita anak, pero bigyan mo muna kami ng apo ng tatay mo " - natatawang wika ni nanay. " Nay naman eh! " - natawa na rin ako sa sinabi ni nanay at parang bata na yumakap sa kaniya ulit. " Shaine? " - napatingin ako sa likuran ni nanay at nakita ko si tatay. Nabitawan niya ang kaniyang dala at niyakap niya kami ni nanay ng mahigpit " Ang unica ija ko " - naiiyak na sabi ni tatay. Bigla naman akong napatawa " Tay naman, alam mo namang wala kang unica ija kasi lalake ako " - pagbibiro ko kay tatay. Yan kasi ang palagi kong sinasabi kay tatay kapag tinatawag niya akong unica ija. Agad namang napa tikhim si Bullet dahilan ng pag tawa naming tatlo. " Anong lalake, kasal ka na kaya! Wag ka nang feeling may tite! " - pangungutya naman ni kuya ty. Napatakbo naman ako sa mga kuya ko at parang bata na inaway sa kalye na nag susumbong sa kanila Habang kumakain kami ng hapunan ay kinwento ko sa pamilya ko kung ano ang totoong nangyari. Manghang mangha nga si kuya rid nang mag kwento ako tungkol sa mga spells. " Talaga shaine? Turuan mo naman ako ng ilang spells oh! " - sabi ni kuya rid. Bata pa lang kami ay mahilig na si kuya sa mga kwento tungkol sa mga magic tapos ako pa yung bida bida na mag sasabing hindi totoo ang mga ganyan at kathang isap lang pero ako ngayon ang naging isang mangkukulam. " Sus kuya, alam ko namang gagamitin mo lang sa kalokohan " - pag saway ko sa kaniya at ngumiti naman siya na parang nabasa ko ang iniisip niya " Nakilala mo ba ang mga tunay mong magulang anak? " - biglang tanong sa akin ni tatay. Bigla naman akong napangiti nang ma alala ko ang mga tunay kong magulang " Opo tay, pareho silang mga mangkukulam. Si ina ay isang napaka makapangyarihang witch. Kaya siya pinatay ng isang maka sariling bampira dahil ayaw nitong malamangan sila. Nagpakita siya sa aking panaginip, magka mukhang magka mukha nga po kami eh haha. Tapos si ama naman ay ang bumuhay sa akin ngayon. Pagkatapos naming mag usap ay hindi ko na ulit siya nakita. " - nakangiting kwento ko sa kanila Nakahiga na kami ni Bullet dito sa kwarto ko. Naka unan ako sa kaniyang braso at naka tingin ako sa magka saklop naming kamay. " Mag pakasal tayong muli mahal " - biglang sabi ni Bullet at hinawakan ang singsing na naka suot sa aking daliri " Ulit? Wala na bang bisa yung kasal natin dati? " - tanong ko sa kaniya at tinignan siya " Meron pa naman, kaso gusto ulit kitang pakasalanan pagka tapos ng lahat ng nangyari at mag simula tayong muli " - tugon niya sa aking tanong at hinalikan ang aking labi. Hinalikan ko rin siya pabalik hanggang sa lumalalim na ang aming halikan. At nung gabing yun, ibinigay ko ang aking sarili sa kaniya. At gaya nga nung sinabi ni Bullet, nagpa kasal kami ulit. Pero ngayon, isang simpleng beach wedding ang nangyari. Pero si ama pa rin ang nagsilbing pari sa aming kasal. Isang simpling white dress at doll shoes lang ang suot ko. Dahan dahan akong naglalakad sa buhangin habang naka hawak sa braso nina nanay at tatay. Nang minsang mag tama ang mga mata namin ni Bullet ay napa iyak ako sa tuwa. Kahit ikalawang kasal na namin to ay pakiramdam ko parang ngayon lang kami ikakasal. Sobrang saya ng puso ko ngayon. Sa daming pag subok na dumating at humadlang sa amin, di ako maka paniwalang kami pa rin ang ikakasal sa huli. Nang maka rating kami sa harap ni Bullet ay binigay na nina nanay at tatay ang mga kamay ko kay Bullet. Napansin kong umiiyak ang huli kaya pinahid ko ang tumakas na luha galing sa kaniyang mga mata. " Ang saya ko ngayon mahal " - nakangiting wika ni Bullet " Ako rin mahal ko, sa wakas wala nang makakahadlang pa sa pag iibigan natin " - nakangiting wika ko. Hinawakan ni Bullet ang aking mga kamay at hinalikan niya ito bago kami sabay na naglakad palapit sa ama niya " ARAAAAAAAYY! ANG SAKIIITTT! " - Sigaw ko nang biglang sumakit ang tiyan ko. Manganganak na ata ako ngayon. Biglang pumasok si Bullet at nanlalaki ang mga mata " Anong nangyari mahal? " - kinakabang tanong niya sa akin. Tinignan ko siya ng masama " Manganganak na ako bullet t@nglna naman ang sakit! " - mura ko sa kaniya " Teka lang pupuntahan ko muna sina ama para masabihan na ang doctor na pumunta dito " - mabilis na wika ni Bullet at tumakbo na palabas ng kwarto. Ilang segundo lang ay bumalik na siya at kasama na niya sina ama at ina " Ang sakit! AHHHH! " - Sigaw ko ulit. Agad namang dumalo sa akin si Bullet. Inabot ko ang kamay niya at pinisil ito " ARAAAYY! " - Sigaw ni Bullet ng pinang gigilan ko ang kamay niya dahil sa sakit. Pagkaraan ng ilang minuto ay dumating na ang doctor. Pumwesto siya agad at sinagawa na ang pagpapa anak sa akin " Ire mahal na reyna " - syeet kahit na nanganganak na ako ay ang galang pa rin ng doctor at tinawag niya pa rin akong mahal na reyna. Sinunod ko naman ang sinabi ng niya " HINDI KA NA TALAGA MAKAKA ISA BULLET! HAYOOOOPPP! " - Sigaw ko at umire. Ang sakit talagang manganak, hindi na ako uulit huhu " Konti nalang " - wika ng doctor kaya bumwelo ako at umire. Bigla akong naka rinig ng iyak ng sanggol. Tinignan ko ang doctor at hawak na niya ang anak ko. Binalot muna siya ng isang tela tsaka binigay sa akin. Napa iyak ako sa tuwa habang minamasdan ang mukha ng aking anak. Hinalikan ako ni Bullet at nakita kong umiiyak din siya dahil sa tuwa. Lumapit naman sina ama at ina, ang saya rin ng kanilang nga mukha habang naka tingin sa anak namin ni Bullet. At last, I already found my happy ending 5 Years Later Nagising ako dahil tumama ang sikat ng araw sa aking mga mata. Minulat ko ang aking mga mata at nakita kong mahimbing pang natutulog ang bakla sa tabi ko. Siya'y nakayakap sa aking bewang at naka dantay ang kaniyang paa sa akin. Ang himbing ng tulog niya. Ang hilig niya talagang mang yakap. Dahan-dahan kong pinasadahan ng daliri ang kaniyang dalawang kilay, pababa sa kaniyang ilong, pababa sa kaniyang-- " Araay! " - daing ko ng kinagat niya ang aking hintuturo. Minulat niya ang kaniyang mga mata at ngumiti ng pagkatamis-tamis sakin. Nagpapanggap lang palang tulog ang mokong. Pabiro ko siyang hinampas sa kaniyang braso. Hinalikan niya ang aking labi at kumindat sakin. Manyak " Good morning wife " -ngiting manyak ni Bullet sakin. Agad ko siyang sinamaan ng tingin at tinanggal ang mga kamay niyang naka yakap sa akin " Ang aga aga Bullet nagiging manyak ka na naman! " - saway ko sa kaniya. Agad naman siyang pumatong sakin at ngumiti " Gusto na ni Xander ng kapatid " - sabi niya sakin at kumindat. Dahan dahang bumaba ang kaniyang mukha. Inaabot ng kaniyang labi ang aking labi " Mymy! Dydy! Wake up! " - wika ng isang bata at kumatok sa pinto. Nakita ko namang napasimangot si Bullet. Umalis siya sa pagkakapatong sakin at binuksan ang pinto. Napatawa ako ng malakas sa naging expresyon ng kaniyang mukha " Oy bata! Bakit ang aga mong nagising? " - tanong ni Bullet sa anak namin. Yes. May anak na kami. His name is Kyle Alexander D'mittri. 4 years old. Lalake pero mukhang babae kagaya ng daddy niya hahahaha! Kamukhang kamukha kasi ni Bullet si Xander. Ang daya nga eh! Kahit ni isang feature ni Xander wala siyang nakuha sakin tss " Kasi po dydy ginising po ako ni yaya kasi may lakad po raw tayo! " - sabi ni Xander at tumakbo papunta sakin. Oo nga pala, pupunta kami sa bahay ng mga magulang ni Bullet para ipagdiriwang ang kaarawan ni ama. Nagpa tayo kasi ng bagong bahay si Bullet kasi gusto niyang bumukod kina ama. Nung una nga ay ayaw ni ama kasi malaki naman daw yung bahay bakit pa raw kami aalis pero makulit kasi tong Bullet na to kaya pinag bigyan nalang siya. " Good morning baby " - bati ko sa anak ko at hinalikan ang tungki ng ilong niya. Agad naman siyang napahagikgik dahil sa ginawa ko. " Good morning too mymy hihi " - tumatawang sabi ni xander. Ang cute talaga ng anak ko pero mas magiging cute siya kapag kapag namana niya ang mata, ilong,atsaka labi ko hihi Narinig ko yun Pagsusungit ni Bullet. Naiinis kasi siya kapag sinasabi ko yun hahaha! Proud na proud kasi siya kasi kamukha niya si Xander. Sabi pa nga niya na buti nalang at sa kaniya nagmana ang anak namin kundi panget daw ito kung sakin nagmana tssss. Agad naman akong nakaisip ng kalokohan. " Baby, kanino ka nagmana? Kay mommy or kay daddy? " - natatawang tanong ko kay Xander. Inosenteng tumingin sa kaniya si Xander bago tumingin sakin at tumawa " Kay mymy po! Hihi " - humahagikgik na sagot ni Xander. Agad namang sumampa si Bullet sa kama at akmang kikilitiin si Xander pero mabilis na nagtago ang huli sa likuran ko " Mymy oh! Kikilitiin ako ni dydy! " - sumbong sakin ni Xander habang nakaturo kay Bullet. " Siya kasi wife! Sabi niya hindi raw siya sakin nagmana! " - parang batang sumbong ni Bullet sakin. Napatawa naman ako sa kinilos ng aking mag-ama. Ang cute nilang tignan. Hahahaha " Hay naku! Kayong dalawa ang kukulit! Osya tara na at magbihis! Naghihintay na sina ama dun sa bahay " - sabi ko at pinisil ang ilong ni xander. Napatango naman ang dalawa at pumunta muna kami ni Xander sa kwarto niya. Pinaliguan ko muna siya. Pagkatapos ko siyang paliguan ay binihisan ko na siya. " Ang pogi ko talaga " - napatingin naman ako kay xander na nakatingin sa salamin sabay pogi pose pa. Hahahaha. Pumunta na ako sa kwarto namin ni Bullet at nagayos narin. -------------- " Happy birthday ama! " - bati namin ni Bullet kay ama. Napangiti naman ito ng makita kami. Nagpaalam muna siya sa kaniyang mga kaibigan at pumunta sa direksyon namin. " Salamat mga anak! Asan nga pala ang apo ko? " - tanong ni ama samin. Agad na sumulpot galing sa aming likuran si Xander habang dala dala ang regalo niya sa lolo niya " DADUUUUUU! " - sigaw ni Xander at nagpakarga kay ama. Kinarga naman ito ng huli. Humalik si Xander sa pisnge ng lolo niya at pinakita ang regalo niya. " Dadu! This is my gift for you! Its a toy gun! So that you can shoot all the bad guys out there! " - sabi ni Xander at siya na mismo ang nagbukas ng regalo. Kita mo tong batang to, siya ang nagbukas ng regalo niya para sa dadu niya hahahaha. " Thank you little boy, halika muna at ipapakilala kita sa mga kaibigan ni dadu " - magiliw na sabi ni ama at bumalik sa mga kaibigan niya at pinakilala si Xander. Mahal na mahal ng mga magulang namin si Xander. Palagi nila itong pinag mamalaki sa kanilang mga kaibigan. Minsan nga hinihiram nila ito at kinabukasan pa makaka uwi ang anak namin. --------------------- " Sana ay nagenjoy kayo ngayong gabi at salamat sa pagpunta " - pagtatapos ni ama sa kaniyang speech. Pumalakpak naman kaming lahat. Hindi pa nakakababa si ama sa stage ng biglang may bumaril sa kaniya. Agad namang tumayo si Bullet at pinuntahan si ama. Nagkakagulo na ang lahat. Lahat ng taong nandito ay sumisigaw. Mabilis kong kinarga si Xander at dinala siya sa isang silid. Umiiyak ang anak ko. Niyakap ko siya ng mahigpit at pinapatahan ko siya. " M-Mymy. Ma-magiging okay po ba si dadu? " - sabi ni Xander habang umiiyak. Hinalikan ko naman ang kaniyang noo at ngumiti. " Oo, magiging okay lang si daddu okay? Kaya dito ka muna babalik lang si mommy dun para tignan ang nangyayari okay? " - sabi ko at bubuksan ko na sana yung pinto pero bigla itong nagbukas at bumungad sa sakin ang isang lalakeng may hawak na baril. " Subukan mong lumaban Psyche, nang mabaril kita gamit tong baril kong may kakayahang makapatay ng isang bampira " - nakangising saad nito. Nanlaki ang mga mata ko ng makilala ko kung sino ang lalakeng yun. " B-blake please wag mong gawin to! Maawa ka naman sa amin oh? " - Pagsusumamo ko kay Blake. Oo, si Blake ang may hawak ng baril. Nag iba ang pangangatawan niya at ang sama na ng aura niya hindi na katulad ng dati. Agad naman siyang napangiti sakin ng nakakaloko " Bakit Psyche? Naawa ka ba sakin noong nakiusap ako sayo na wag mo kong iwan para sa bampirang yun? Inisip mo ba ang kahihiyang dala ng pag luhod ko sayo para lang hindi ka umalis? " - sabi niya sakin. Agad naman akong napaiwas ng tingin sa kaniya. Alam kong nasaktan ko siya noon, kaya nga ako humingi ng tawad sa kaniya. Hindi ko aakalang hahantong sa ganito ang lahat. " Hindi diba? Kaya bakit pa ako maawa sayo? " - sabi niya at tinutok sakin ang baril. " B-blake please? Kahit ako nalang! Wag mong saktan ang anak ko please? " - naiiyak na sabi ko kay Blake. Humarap muna ako kay Xander na umiiyak. Ngumiti ako sa anak ko at hinalikan ko ang noo niya. May nakita akong ballpen at papel. May isinulat muna ako dito bago ko binigay sa anak ko. " A-Anak, basahin mo yan kapag lumaki ka na ha? At lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mommy " - nakangiting sabi ko sa kaniya *bang* " MYMYYYYYY!!! " - Sigaw ni Xander ang pinakahuling narinig ko bago ako nandilim ang paningin ko -------------- Third Person's POV Masamang tinignan ng bata ang lalake. Biglang may lumabas na itim na awra sa kaniya. Nakaramdam naman ng takot ang lalake at tinutukan niya ng baril ang bata. Dahan-dahang naglakad papunta sa kaniya ang bata. " Wag kang lumapit kung hindi babarilin din kita! " - banta ng lalake ngunit hindi ito umubra sa bata. Mas lalong lumaki ang awra na pumapalibot sa kaniya. Walang pagdadalawang isip na pinutok n Blake ang baril. Ngunit nagulat siya nung tumalbog ang bala at bumalik sa kaniya. Napunta sa kaniyang noo ang bala at napahiga siya sa sahig ng walang buhay. Xander's POV 15 taon na ang nakalipas ngunit sariwa parin sa aking alaala ang masalimoot na nangyari sa aking pamilya. Pagkatapos nang pangyayaring yun, ay pinadala ako sa Europe para dun muna manirahan kasama ang sekretarya ni ama. At sa loob ng 15 taon, wala akong ibang ginawa kung hindi magsanay at mag-aral ng mabuti para maipaghiganti ko ang pagkamatay ng aking pamilya. Andito ako ngayon sa airport papunta sa lupain kung saan isinilang ang aking mga magulan. At sa lupain kung saan sila walang awang pinatay. Lupain na nagbigay sakin ng masasaya't masalimoot na alaala. Kinuha ko ang dala-dala kong maleta at nagumpisa nang maglakad papunta sa eroplanong sasakyan ko. Nang makaupo na ako sa aking upuan ay kinuha ko ang binigay na sulat sa akin ni ina. Anak, Pasensya na at maaga kaming nawala ng iyong ama. Sana ay lumaki ka ng malakas, marangal, at mabuti sa iyong kwapa. Mananatili ka sa aming puso't isipan. At palagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng iyong ama... Nilagay ko ulit ang sulat ni ina sa aking bulsa at tumingin sa labas ng bintana. Eto na ang tamang oras para maipaghiganti ko ang pagkamatay ng mga magulang ko. Ang tamang oras para magbayad ang dapat na magbayad. Ang oras na itinakda ng panahon upang sugpuin ang kasamaan sa lahi ng mga bampira. At ang tamang oras para bumalik at maghari ang isang Kyle Alexander Byzantine D’mittri sa buong angkan ng mga bampira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD