Third Person's P.O.V
Lahat napatigil sa kanilang ginagawang pakikipagaway ng makita nilang nakaluhod si Bullet habang may nakatutok na espada sa kaniyang leeg na hawak ni Psyche.
Ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, naka masid si Adonis Byzantine sa nangyayari. Gumamit siya ng invisibility spell at tinitignan niya ang galaw ng lahat. Nais sana niyang sumali sa labanan pero nag iba ang isip niya ng malamang walang kinalaman ang hari at si Bullet sa nangyari sa kaniyang mag ina. Tanging si Caiden Lee lang ang bumilog sa sa utak ng mga nasa council para patayin ang kaniyang asawa, ngunit patay na ito kaya hindi na niya kailangang maghiganti pa.
Napatingin din siya sa anak na may hawak na espada at naka tuon ito sa leeg ni Bullet. Napangisi siya at alam na niya ang mangyayari dahil kilala niya ang kaniyang anak.
" Sigurado kaya siya na kaya niyang patayin si Bullet? " - Wika niya sabay isinuot ang kanyang sombrero at umalis.
••••••••••••••••
" Gusto mo akong patayin diba? Patayin mo na ako! " - sabi ni Bullet habang nakatingin ng diretsyo sa mga mata ng kanyang asawa. Naramdaman niyang nanginginig ang kamay ng dalaga habang hawakhawak ang espada.
" Papatayin naman talaga kita! Yun naman dapat ang mangyari sa isang walang kwentang nilalang na kagaya mo! " - sabi ni Psyche at lalong idiniin ang espada sa leeg ng binata.
Hiniwakan ni Bullet ang espada at itinutok niya ito sa kaniyang sarili. Tinignan niya sa mata si Psyche at ngumiti.
" Patayin mo na ako. Binibigyan kita ng permiso na patayin ako. " - wika ng binata.
Nang akmang papatayin na niya si Bullet ay narinig niya ang sarili niyang boses sa kaniyang isipan.
WAG!!
Napahawak siya sa ulo niya nang bigla itong sumakit ngunit naka tutok pa rin ang espada sa leeg ni Bullet.
MAARING HAWAK MO ANG KATAWAN KO NGAYON PERO MAKAKAWALA DIN AKO
Biglang nawala ang sakit ng kaniyang ulo at napatingin na naman siya kay Bullet.
Napa iling siya at binitawan ang espada.
Bigla niyang sinampal ng dalawang beses si Bullet at kaagad na sumakay sa kaniyang sasakyan. Mabilis niyang pina andar ang kaniyang sasakyan at umalis sa lugar na yun.
Nang makalayo na siya. Ay hininto niya ang kaniyang sasakyan at iniuntog ang sarili sa manibela at sinabunutan ang kaniyang sarili.
" What the hell happened to you?! Andun na eh! Mapapatay mo na siya Psyche! Aarrgghhh! " - naiinis na sermon niya sa kaniyang sarili.
Psyche's P.O.V
" Ano bang pumasok diyan sa kokote mo at di mo pa pinatay ang lalakeng yun?! " - sermon sakin ni Blake.
Andito kami ngayon sa opisina niya at kasalukuyang pinapagalitan niya ako. Galit na galit si Blake dahil hindi ko pinatay si Bullet. Ako mismo, hindi ko rin alam kung bakit hindi ko kayang patayin ang lalakeng yun. Kung bakit bigla kong narinig ang sarili kong boses sa aking isipan na pinipigilan akong patayin ang hayop na yun.
" Pakealam mo ba? Tsaka dapat pa nga ay magpasalamat ka sakin dahil kung wala ako sa groupo mo wala kayong laban sa mga bampira! " - matapang na saad ko sa kaniyang sermon
" So you're saying na mahina kami? Na mas malakas ang mga bampira kesa samin?! " - galit na sigaw niya sakin at ang bigat na ng paghinga niya. Nag iba ang kaniyang aura. Aura na ngayon ko lang nakita sa kaniya.
" Oo! Hindi hamak na mas magaling sila kesa sa inyo! "
* slap *
Agad kong naikuyom ang kamao ko matapos niya akong sampalin. Tinignan ko siya ng masama. Biglang nanlaki ang kaniyang mga mata at akmang aaluin niya ako ngunit mabilis ko siyang sinuntok ng pagkalakas lakas. Nung napahiga siya sa sahig ay agad akong pumaibabaw sa kaniya at pinaulanan ko siya ng suntok.
" You . Dont . Have . The . Right . To . Hurt . Me . Because . You're . Nothing . But . A . worthless . wolf " - sabi ko at tumigil na sa kakasuntok sa kaniya. Isang salita, isang suntok ang ginawa ko sa kaniya. Agad akong tumayo at umalis sa opisina niya.
Third Person's P.O.V
Naglakad lakad si Psyche sa kagubatan para makapag relax. Galit na galit siya sa sarili niya kasi nabigo siyang patayin si Bullet na siyang pumatay raw sa kaniya. Isang galaw nalang at magtatagumpay na siya sa kaniyang plano. Pero hindi talaga niya ma ipaliwanag kung bakit bigla nalang niyang narinig ang sarili niyang boses sa kaniyang isipan na pumigil sa kaniya kanina upang patayin ang binata. Tapos ngayon, napapa isip siya kung si Bullet nga ba ang pumatay sa kaniya?
May nakita siyang isang napaka laking puno. Umupo siya sa ilalim nito at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Ang lamig ng simoy ng hangin, at ang tahimik ng paligid kaya medyo gumaan ang kaniyang pakiramdam.
Sa kabilang banda, hindi alam ni Psyche na kanina pa nandoon si Bullet. Nasa itaas ito ng puno at nagtatago.
Bullet's POV
" Patayin mo na ako. Binibigyan kita ng permiso na patayin ako . " - matapang na saad ko sa asawa ko. Alam kong napaka laki ng kasalanan ko sa kaniya dati. Alam kong marami akong pagkukulang sa kaniya dati. Kaya kung ikakasaya niyang mapatay ako ay masaya akong ialay ang buhay ko sa kaniya
Nararamdaman ko ang panginginig ng espadang hawak niya. Halata din sa expresyon ng kaniyang mukha na nahihirapan siya. Bigla siyang napa hawak sa kaniyang ulo. Alam kong nagdadalawang isip siya kung papatayin niya ba ako o hindi.
Nagulat ako ng bigla niyang binitawan ang hawak niyang espada at sinampal ako ng dalawang beses. Agad siyang naglakad palayo at pumasok sa kaniyang sasakyan. Pina harurot niya ito at sa isang iglap ay nawala na siya sa lugar.
Biglang natigil ang labanan pagkatapos umalis ni Psyche. Isa isang umalis ang mga lobo. Hindi namin maintindihan kung bakit biglang nawalan ng gana ang lahat na makipag away. Kahit ang pinaka malupit naming mandirigma ay biglang tumigil sa pakikipag away.
Nang mag tipon tipon na kaming lahat sa loob ng bahay ay mabuti nalang at kaunti lamang ang binawian ng buhay sa aming groupo kumapara sa mga lobo. Abala sina ama at ina sa paghanda ng mga pagkain para maka kain muna ang mga dayong bampira bago sila umuwi sa kanila bilang pasasalamat na rin sa kanilang tulong kanina. Nagpasalamat ako sa kanila bago sila isa isa umalis pauwi sa kanilang lugar.
Hanggang ngayon ay na iisip ko pa rin kung bakit hindi tinuloy ni Psyche ang pag patay sa akin kanina? Mahal niya pa ba ako? Maaari pa kaya siyang maka alala at maibalik ang tunay na Psyche?
Sa lalim ng aking iniisip ay hindi ko namalayang napunta ako sa puno na paborito naming tambayan dati. Napangiti ako habang na aalala ko ang mga sandaling masaya kami sa ilalim nitong puno. Kung pwede ko lang sanang maibalik ang mga panahong yun.
Nang makarinig ako ng yapak galing sa direksyon ng mga lobo ay agad akong tumalon sa sanga ng kahoy. Nagtago ako doon hanggang sa nakilala ko kung sino ang paparating. Si Psyche. Ang lalim ata ng iniisip niya. Sinubukan kong basahin ang kaniyang isipan pero hindi ko magawa, siguro ay namaster niya ang blocking spell.
Umupo siya sa ilalim ng puno at ipinikit niya ang kaniyang mga mata. Pinagmasdan ko siya hapang payapa siyang nagpapa hinga. Ang ganda talaga niya, gusto ko siyang yakapin pero pinipigilan ko ang aking sarili. Ayokong matakot siya sa akin at isipin niyang manyak ako. Binantayan ko siya habang siya ay natutulog baka merong masamang nilalang ang biglang umatake sa kaniya. Nang naglakad na siya palayo ay sinundan ko siya nang dahan dahan para hindi siya makahalatang may sumusunod sa kaniya. Tsaka lang ako bumalik sa bahay nang masigurado kong ligtas siyang naka uwi sa Lincoln.
Third Person POV
Dahil bagot na bagot na si Psyche sa Lincoln ay naisipan niyang gumala gamit ang sasakyan niya. Habang nagmamaneho siya ay may nakita siyang isang mansion. Napaka pamilyar nito sa kaniyang paningin.
" Parang nakita ko na to dati " - sabi niya sa kaniyang sarili
Napahawak siya sa kaniyang ulo ng bigla itong sumakit. Biglang may mga imahe na lumitaw sa kaniyang isipan.
May nakikita siyang isang lalake. Medyo blurry ang mukha ng lalake. Nagsasalita ito pero di niya makuha kung ano ang gusto nitong ipahiwatig. Ilang minuto ang nakalipas ay dahan dahang nawala ang sakit na kaniyang naramdaman.
Pinatay niya ang makina at lumabas siya sa kaniyang sasakyan. Naglakad papunta sa gate at sinubukan niya itong buksan pero nakalock.
Walang pagdadalawang isip niyang tinalon ito. Nung nakatapak na ang kaniyang paa sa sahig ay wala siyang nalikha na kahit na anong ingay.
" Nag pagawa pa sila ng guard house kung wala namang guard? Tsss " - wika niya sa sarili. Nang tinignan niya ang kaniyang relo ay napagtanto niyang tanghali na pala at baka kumakain pa ang naka tokang guardia. Pinihit niya ang doorknob, ngunit ito'y sirado. Kinuha niya ang kaniyang dagger sa kaniyang bulsa at sinubukang buksan ang pinto.
* click *
Nabuksan niya ang pinto. Dahan-dahan niyang binuksan ang pinto at bumungad sa kaniya ang isang napakalawak na living room. Nilibot niya ang kaniyang paningin at sinuri niya ang paligid, baka may kung anong bitag o may naka bantay sa paligid, ngunit wala. Pumasok siya sa loob at napatigil ang kaniyang mga mata sa isang litrato.
" N-no. H-hindi maari! " - hindi makapaniwalang sabi niya.
Ito ay isang litrato nilang dalawa ni Bullet na magkayakap. Sa unang tingin mo palang sa litrato ay malalaman mo agad na sila ay bagong kasal dahil sa kanilang kasuotan.
Napahawak na naman siya sa kaniyang ulo mg bigla na naman itong sumakit. May mga imahe na tila isang totoong pangyayari ang bumabaha sa kaniyang isipan.
Umalis ka sa katawan ko! Ako ang dapat nilang kasama at hindi ikaw!
Narinig na naman niya ang sarili niyang boses sa kaniyang isipan.
" Aarrgghh!! Stop! "
Relax wife hindi kita pagsasamantalahan
Wag mo ngang basahin kung ano ang nasa isipan ko! Wala na akong privacy niyan eh!
Katawan ko to! Hindi to sayo! Hiniram mo lang to
Sigaw na naman ng boses niya. Mas lalong sumakit ang kaniyang ulo na tila ito ay mabibiyak na.
" What the h-ell?! Stop! " - sabi ni psyche at napaluhod
Mas naawa ka pa sa kanila kesa sakin? Bullet! Alam mong hindi ako ganoong tao!
Aray! Oo na! Bubuhayin ko na ang asawa mo. Basta huwag mo lang sasaktan ang mga mahal ko sa buhay
" I SAID STOP! "
Sumigaw siya ng pagka lakas lakas. Napahiga na siya sa sahig ng bahay. Ang kaniyang pawis ay parang baha na nag uunahan sa pag agos. Biglang nawala ang boses na naririnig niya sa kaniyang isipan at unti unting nawala ang sakit ng kaniyang ulo.
Minulat niya ang kaniyang mata. Nilibot niya ang kaniyang paningin.
" Naka balik na ako " - Hindi makapaniwalang nasabi nalang bigla ng dalaga. Tinakpan niya ang kaniyang bibig at siya'y napaluha.
Biglang bumukas ang pinto at inuluwa nito si Bullet. Gulat na gulat ang binata nang makita niya ang kaniyang asawa na naka luhod habang naiiyak sa harap ng kanilang litrato.
" Psyche? " - hindi makapaniwalang sabi ng binata. Agad namang tumango ang dalaga at niyakap ang binata.
" Ikaw na ba si Psyche? Yung asawa ko? " - maluhaluhang sabi ni Bullet habang mahigpit na yakap si Psyche. Sa wakas at nayakap na naman niya ang kaniyang asawa at matagal na niya itong ina asam.
" Oo. Ako na nga ito Bullet. Nakakulong ako sa aking sariling katawan .. " - sabi ni Psyche sa pagitan ng kaniyang hikbi.
" Anong ibig mong sabihin? " - Nagugulang tanong niya kay Psyche. Tinignan niya ang mata ng huli at pinunasan ang mga luhang tumakas mula sa mga mata nito.
" Nung binuhay ako nuna Aunt Isabel, hindi lang resurrecting spell ang ginawa nila, pati narin ang 2 folds spell o magiging dalawa ang katauhan ko. Hindi ko alam kung pano ko ito malalabanan. " - Nakatungong sabi ng dalaga. Hindi siya makatingin ng diretsyo sa mga mata ng binata.
" Dont worry wife, gagawa ako ng paraan para malabanan mo ang spell na yan " - sabi ni Bullet at niyakap ang dalaga. Niyakap naman siya pabalik ng dalaga ngunit umiiyak pa rin ang huli.
" Pero Bullet, pwede bang humingi ako ng pabor sayo? " - seryosong sabi ni Psyche sa binata at kumalas ito sa kanilang yakapan
" Oo naman. Kahit ano, gagawin ko para sayo. " - sabi ni Bullet at hinawakan ang dalawang kamay ng dalaga.
" Kapag nagkita tayo ulit at masamang pagka tao ang komo kontrol sa akin, wag na wag kang mag dadalawang isip na patayin ako "
Bullet's POV
Ayoko mang umuwi si Psyche sa Lincoln pero nag pumilit siya at baka raw ay bumalik na naman siya sa dati at masaktan niya raw ako.
" Bullet "
Agad na napa angat ang tingin ko at tinignan kung sino yung tumawag sakin. Nang makita kong si ama yun ay agad akong tumayo at nagmano sa kaniya.
" Ang lalim ata ng iniisip mo ngayon ah? " - tanong sakin ni ama nang makaupo na kami.
" Ama, pumunta dito si Psyche kanina at sinabi niyang nakakulong siya sa kaniyang sariling katawan " - sabi ko kay ama. Agad naman siyang napa isip at kalaunan ay tinignan niya ako sa aking mga mata
" Two Folds Spell "
" Ano po yun ama? At papano po yun malalabanan? " - nagtataka kong tanong kay ama. Agad naman siyang napaayos ng upo at seryosong tumingin sakin.
" Ang two folds spell ay isang mahika na kung saan hahatiin sa dalawa ang pagkatao ng isang tao, at ang masama dito ay ang bagong katauhan ang mangingibabaw at ang komo kontrol sa buong pagkatao nito. Isang tao akong kilalang may alam kung pano yun malalabanan. Ngunit nakapende rin yun kay Psyche kung makakaya ba niyang labanan ang kaniyang sarili. " - seryosong sabi niya sa akin.
" Sino po ama? " - tanong ko kay ama. Maaring siya ang susi para mapalaya ng tuluyan si Psyche sa kaniyang sariling katawan. At para maitama na ang lahat ng pagkakamali. Kung maiitama ko pa.
" Ako "
Third Person's POV
" Ano?! " - Hindi makapaniwalang tanong ni psyche nung sinabi sa kaniya ni Bullet na ang ama lang nito ang makaka pagpagaling sa kaniya sa dati. Binalot ng kaba ang kaloob-looban ng dalaga dahil makakaharap niyang muli ang ama ni Bullet. Nahihiya kasi siya dahil sa ginawa niya nung labanan, yung muntik na niyang mapatay ang binata.
Nang bumalik sa kaniyang totoong sarili si Psyche ay agad siyang nakipagkita kay Bullet para magtanong kung may nahanap ba ang binata na pupwedeng makatulong sa kaniya para mapawalang bisa ang spell na isinagawa sa kaniya. Nagkita sila sa bahay nila dati. Si Psyche ang pumunta dahil tinatamad daw’ng lumabas ng bahay si Bullet.
" Si ama lang ang makakatulong sayo Psyche. Dahil siya lang ang may alam kung papaano malalabanan ang 2 Fold Spell. Dahil isa sa mga pwedeng kumalaban sa mga spells ng mga witches ay ang mga vampires. ” - seryosong paliwanag ng binata sa dalaga. Biglang napataas ng kilay ang dalaga nang mapagtanto niya ang isang bagay.
“ Kung alam ng mga bampira kung papano malabanan ang mga witches tungkol sa mga spells na yan, bakit wala kang alam tungkol sa mga spells eh isa ka naming bampira? ” - tanong ng dalaga sa binata habang nakataas ang kilay.
Agad naming napakamot ang binata sa kaniyang batok at nahihiyang tumingin sa dalaga sabay ngiti ng alanganin.
“ E-eh Psyche naman. Alam mo namang di ako mahilig magbasa ng libro diba? ” - nahihiyang sagot niya sa dalaga at ngumiti ng alanganin
“ Ang sabihin mo busy ka kay Lory tsaka sa mga babae mo! Sus! ” - sabi ng dalaga sa kaniya sabay irap sa kaniya at kinurot ang kaniyang tagiliran
“ Hoy wala akong babae! Tsaka alam mo namang ikaw lang ang babaeng mahal ko. ” - depensa ng binata at kindatan ang dalaga ngunit hindi ito umubra sa dalaga.
“ Mali! Hindi ba si Lory ang mahal mo? ” - sabi ng dalaga at iniwas ang tingin sa binata. Agad namang napatingin ang huli at nakakalokong ngumiti sa dalaga.
“ Selos ka no? ” - mapangasar na sabi ng binata. Agad namang siyang tinignan ng masama ng dalaga at piningot ang kaniyang tenga.
“ Ako? Magseselos? ASA! ” - depensa ng dalaga. At iniwas na naman ang kaniyang tingin.
“ Seryoso Psyche? Magseselos ka sa isang baliw? ” - hindi makapaniwalang tanong sa kaniya ni Bullet.
Napatingin bigla sa kaniya si Psyche. Gulat na gulat ang ekspresyon ng dalaga. Hindi siya makapaniwala sa kaniyang narinig. Hindi niya inaasahang mangyayari ito kay Lory.
“ A-ano? Anong nangyari? ” - tanong ng dalaga sa binata.
“ Pilitin mo muna ako~ ” - nakangising sabi ng binata sa kaniya. Agad namang nanliit ang mga mata ng dalaga at masamang tiningnan ang binata.
“ Isa Bullet. Di mo bagay maginarte ” - masungit na sabi niya.
“ Dali na kasi! Pilitin mo na akong magsalita ” - malokong sabi ng binata. Agad naman siyang binatukan ng dalaga dahil sa kaniyang ginawa.
“ Bahala ka na nga diyan! Aalis na ako! Arte nito! ” - sabi ng dalaga.
Tumayo na siya at akmang aalis na ng pinigilan siya ng binata. Tinignan niya ito ng bored na ekpresyon ngunit ngumiti naman nang pagkatamis-tamis ang binata sa kaniya.
“ Oo na! Sasabihin ko na! ” - Huminga muna ng malalim ang binata at naging seryoso ulit ang kaniyang mukha.
“ Pagkatapos malaman ng lahat na namatay ka ay agad hinatulan si Caiden Lee at ang kaniyang asawa. Nung una ay dapat makukulong lang siya pang habang buhay ngunit maraming umapelang mga bampirang inabuso niya nung siya ay parte pa ng council kaya nahatulan siya ng kamatayan kasama na ang kaniyang asawa. At dahil sa nangyari ay nabaliw si Lory at palagi niyang sinasaktan ang mga babaeng nakaka usap ko kaya pina dala siya sa isang mental hospital. Alam mo bang para na akong mabaliw nung nawala ka? Na parang sumama ang kalahati ng pagkatao ko sayo? Na walang ibang pumapasok sa isipan ko kundi ang mga masasayang alaala na akala ko hindi na mauulit pa? ” - seryosong sabi ni Bullet habang nakatingin sa mga mata ni Psyche.
Alam ni Psyche na hindi nagbibiro ang binata dahil ang seryoso ng mukha nito. Naramdaman niyang bumilis ang takbo ng kaniyang puso. Na tila tumakbo siya ng 100 na kilometrong marathon. Na kahit hindi niya aminin, alam niyang tumitibok ito dahil sa lalakeng nasa harapan niya. Agad naman siyang namula at iniwas ang tingin sa binata.
“ P-Pumunta na n-nga tayo sa a-ama
mo! ” - nauutal na sabi ng dalaga at naunang lumabas ng bahay. Tumatawang sumunod ang binata.
“ Hoy Bullet! Bilis bilisan mo namang maglakad! Bakla talaga tss! ” - kunwaring inis na sabi ng dalaga pero sa kaloob-looban niya, siya ay kinikilig.
(Sa mansyon ng mga D’mittri)
Magkaharap na nakaupo sina Psyche at ang ama ni Bullet. Nasa loob sila ng isang putting silid. Naghihintay sa labas si Bullet. Dapat kasi walang ibang tao kapag ginawa ang ritwal maliban sa gagawa ng ritwal at ang gagawan ng ritwal.
“ Ipikit mo ang mga mata mo iha ” - malumanay na utos ng ama ni Bullet. Agad naman itong sinunod ng dalaga. Hinawakan ng matanda ang kaniyang ulo at may sinambit na mga salitang di maintindihan ng dalaga.
Biglang napunta ang dalaga sa isang madilim na silid. Inikot niya ang kaniyang paningin ngunit wala siyang ibang makita kundi kadiliman.
“ Psyche? Naririnig mo ba ako? ” - tanong ng ama ni Bullet sa kaniya.
“ Opo ama. Naririnig po kita ” - sagot ni Psyche sa tanong ng matanda.
“ Tandaan mo iha, kailangan mong kalabanin ang sarili mo ” - muling sabi ng ama ni Bullet bago mawala ang boses nito.
Ilang sandali pa ang lumipas ay biglang may isang kulay pinto ang lumitaw.Dahan dahan siyang naglakad patungo sa pilak na pinto. Pinihit niya ang doorknob at pumasok na siya sa loob.
“ Hey miss ”
Agad siyang napatingin sa kaniyang harapan. Isang babaeng nasa harapan niya ngayon. Napakaganda nito, babaeng babae kumpara sa kaniya. May make-up pa ito kumpara sa kaniya na tanging polbo lang.
“ Anong miss ka diyan! Hoy iisa lang tayo! ” - sabi niya sa kaniyang kaharap. Hinubad nito ang kaniyang suot na sunglasses at tinignan siya mula ulo hanggang paa.
“ Talaga? Eh bakit ang panget mo samantalang ang ganda ko? ” - mapang asar na wika nito at ngumiti ng nakakaloko.
Patience psyche,patience
Sabi niya sa kaniyang sarili. Huminga siya ng malalim at tinignan ang kaharap.Pinapakalma niya ang kaniyang sarili.
“ Tama na ang satsat at simulan na natin ang labanan. ” - walang emosyong sabi ng kaniyang kaharap.
“ Ako? Lalabanan ka? Sorry miss pero di ako pumapatol sa mga mahihinang babae ” - sabi niya at ngumiti ng nakakaloko sa kalaban.
“ Oh talaga? Eh anong gagawin mo kapag inagaw ko sayo si Bullet? ” - malokong sabi ng kaniyang kalaban
“ Wala. Kasi alam ko namang hindi mo yun magagawa kasi ako lang ang mahal ni Bullet. Oo iisa ang tayo pero yung totoong ako lang ang mamahalin niya at hindi yung katulad mong masama ang ugali! ” - malokong sabi niya sa kaharap
Napansin naman niyang napakuyom ng kamay ang kaharap habang masamang nakatingin sa kaniya. Napangiti naman siya ng nakakaloko dahil alam niyang nainis ang kaniyang kaharap dahil sa kaniyang sinabi.
Agad niyang iniwasan ang suntok ng kaharap at hinawakan ang kamat nito at nilagay sa likuran. Ngunit di pa siya nakakapagsalita ng bigla siyang sinipa nito sa kaniyang tuhod.
Agad naman siyang napadaing sa sakit at napaluhod. Sinipa siya ulit ng kalaban sa tiyan dahilan para mapahiga siya sa sahig. Naglakad ito papunta sa kaniya at tinapakan ang kaniyang tiyan
“ Oh talaga? Eh di papatayin nalang kita para maagaw ko na si Bullet sayo. But sadly, papatayin ko siya eh ” - malokong sabi ng kaniyang kalaban at mas lalong diniinan ang pagkakatapak nito sa kaniyang tiyan
Hinawakan niya ang paa ng kalaban at dahandahang inangat ito. Hindi makapaniwalang tinignan siya ng kalaban. Sinubukang diinan pa nito ang pagkakatapak sa kaniya ngunit naiangat na niya ang paa nito
Nang tuluyan na siyang makatayo ay bigla niyang sinuntok ang kalaban dahilan para mapatalsik ito sa pader. Agad siyang tumakbo papunta rito at dinaganan ito. Pinaulanan niya ito ng suntok.
“ Agawin mo na ang lahat sakin wag lang ang lalakeng mahal ko ” - galit na sabi niya sa kalaban at tumigil na sa kakasuntok dito ng mapansing ito’y wala ng malay.
Minulat ng dalaga ang kaniyang mga mata at sumalubong sa kaniya ang nakangiting ama ni Bullet.
“ Congratulations Psyche ” - masayang bati nito sa kaniya.