9:11

3217 Words
Psyche's POV Idinilat ko ang aking mga mata at napatitig ka kisame. Isang araw na naman ng kabagutan. Araw araw nalang ganito ang buhay ko. Kakain, matutulog, training, pasyal sa gubat, yan lang ginagawa ko sa isang araw at wala nang iba. Walang thrill, walang bago. Bumangon na ako at naligo. Habang naliligo ako ay bumalik na naman sa aking isipan ang panaginip ko tungkol sa aking ina at kay Bullet D'mittri. Totoo ba talaga yun? O isa lamang itong walang kwentang panaginip na gustong pumigil sa akin na patayin siya? Pagkatapos kong maligo at mag bihis ay pumunta muna ako sa kusina para kumuha ng tubig bago naglakad papasok sa gym. Pagpasok ko sa loob ng gym ay wala akong nakitang ni isang lobo na nag eensayo. Hmm? Himala at walang nagte training ngayon dito ah? Binaba ko muna ang aking tubig sa isang lamesa at nag simula na " One hundred and ninety nine, two hundren, two hundred one, two hundred two, two hundred three ----- " - napatigil ako sa pagsisit up ng biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nito si Blake. Tumayo ako at ngumiti sa kaniya. Pero hindi siya ngumiti pabalik bagkos ay napaka seryoso ng kaniyang mukha na tila isang maling galaw ko lang ay papatayin na niya ako. Pero alam ko namang hindi niya yun magagawa kasi mabait naman si Blake, inaabuso ko lang haha " Tama na yan aalis pa tayo " - inabutan niya ako ng towel. Agad ko itong kinuha at pinunasan ko ang aking katawan. Saan kami pupunta? Wala naman siyang sinabi kahapon na may pupuntahan kami ah? " San tayo pupunta? " - tanong ko sa kaniya at inilugay ang buhok ko. Nang lumipas na ang ilang segundo at wala pa rin akong nakuhang sagot galing sa kaniya ay agad ko siyang tinignan. At nasapo ko ang noo ko nang mahuling nakatitig na naman siya sa akin. Ano ba talagang trip ng lalakeng to? Naturingang alpha ng mga lobo pero parang baliw kung umasta. " Aray naman! Makabatok to! "- reklamo niya ng binatukan ko siya. Mukha kasing baliw nakatitig sakin. Kahit ilang buwan na kaming magkasama ni Blake ay hindi pa rin ako sanay kapag tinititigan niya ako. " Bagay lang yan sayo! Alam kong maganda ako pero wag kang tumitig di kita papatulan! " - nakangisi kung saad sa kaniya. Sinamaan niya ako ng tingin kaya napatawa ako ng malakas. Baliw kasi " So ano nga? San nga tayo pupunta? " - tanong ko ulit sa kaniya at kinuha ang tubig ko sa lamesa ng gym at uminom ng tubig " Maghahanda kaming mga wolves para sa labanan ng mga bampira at lobo " - seryosong sabi niya. Agad naman akong napalingon sa kaniya. Teka? Ano raw? " Labanan ng mga bampira at lobo? " - nagtataka kong tanong sa kaniya. Akala ko wala ng alitan sa pagitan ng mga lobo at bampira? Ano kaya ang nangyari? San ba nanggaling tong gagong to at may dala siyang masamang balita pag uwi? " Oo, may gusto kasi silang kunin sa teritoryo ko ng sapilitan. Ayoko kasing ibigay nalang ang isang napaka espesyal na bagay sa isang napaka walang kwentang lalakeng kagaya ni Bullet " - wika ni Blake habang nakatitig sa akin. Ayan na naman siya sa mga titig niya. Pero bakit parang may ibang kahulugan ang sinabi niyang espesyal na bagay na sapilitang kinukuha ng mga bampira? May koneksyon ba ito sa akin? " Lalaban din ako. Basta siguraduhin mong ako ang makakaharap ni Bullet at wala ng iba. Dahil gusto ko siyang patayin katulad ng pagpatay niya sa akin." - walang emosyong saad ko kay Blake. Nagpa alam muna ako kay Blake na magbibihis lang ako saglit bago ako bumalik sa kwarto ko. Pagkatapos ay kumuha muna ako ng pagkain sa kusina para hindi ako gutomin mamaya bago ako sumama kay Blake sa training grounds. Sisiguraduhin kong mapapatay kita Bullet D'mittri Bullet's P.O.V " Mahal na hari, nakahanda na po ang lahat. Dumating na rin po yung mga inimbitahan nating bampira galing sa iba't-ibang parte ng mundo at kasalukuyan na po silang nasa training room at nagsasanay para sa gaganaping labanan " - wika ng aking sekretarya habang hawak ang kaniyang folder na naglalaman ng mga impormasyon tungkol sa labanan na magaganap. Oo, maglalaban ang wolves at vampires para sa isang bagay. Ang alam ng lahat ay matagal nang walang alitan sa pagitan ng mga bampira at mga lobo, ngunit ito ay magbabago ngayon dahil sa isang bagay na ayaw nilang ibigay sa akin na karapat dapat naman ay pagmamay ari ko. Isang bagay na mahalaga sa akin. Bagay na mahalaga rin sa alpha ng mga lobo. Ang bagay na walang makakapalit na kung sino man. Si Psyche Byzantine Dmitrri ... Flashback Pinatawag ko ang alpha ngayon dito sa council dahil may nagawa siyang isang napakalaking kasalanan sa akin " Blake, alam kong nasa puder mo ang asawa ko. " - walang emosyong sabi ko sa kaniya nang siya ay dumating at umupo sa harapan ko. Ngumiti siya ng nakakalokosa akin. Gago talaga. Palagi niya nalang akong inaatraso Pagkatapos kong malaman na wala ang katawan ni Psyche sa kaniyang kabaong ay agad ko ngang pinuntahan ang teritoryo ng mga mangkukulam at lobo. Hindi ko maramdaman ang aura niya sa lugar ng mga mangkukulam kaya dumiretso na agad ako sa Lincoln at napatunayan ko nga na nandoon siya. " Ilang ulit ko bang sasabihin na wala sa akin ang asawa mo? Bakit ba ayaw mong maniwala? Diba patay na ang asawa mo ng dahil sa di mo siya na protektahan? " - nakangising saad ni Blak at halatang inaasar niya ako. Di ko na napigilan ang sarili ko at kinwelyuhan ko siya. " F***KING s**t!! WAG MONG IBAHIN ANG USAPAN!! ALAM KONG BUHAY SI PSYCHE AT NASA TERITORYO MO SIYA! HINDI KO ALAM KUNG ANO ANG DAHILAN MO KUNG BAKIT MO TINATAGO ANG ASAWA KO PERO KUNG PWEDE LANG AY IBALIK MO NA SIYA SA LUGAR KUNG SAAN SIYA NAPAPABILANG!! " - Sigaw ko sa kaniya. Gigil na gigil na akong patayin ang gagong to pero pinipigilan ko lang ang sarili ko. " Teka lang king. Wala kang proweba na nasa Lincoln nga ang asawa mo. Pwede kitang kasuhan sa maling pambibintang mo sa akin " - nang aasar pa rin ang tono ng kaniyang boses kaya binitawan ko siya at pina kita sa kaniya ang mga ebidensya ko. Una ay ang pagkawala ng katawan ni Psyche sa kaniyang kabaong. Pangalawa ay ang litratong nakuha noong kaarawan ng aking ama na magkasama silang dalawa. Pangatlo ay ang nakuha kong video noong nagkita kami ng asawa ko pagkatapos naming mag usap ni Blake sa loob ng kaniyang opisina. Pagkatapos niyang tignan ang mga ebidensya ko ay agad niya itong ibinalik sa akin. " Alam mo naman palang nasa aking teritoryo ng asawa mo eh. Bakit hindi mo pa kunin? Tignan natin kung sasama yun sayo. Atsaka kung gusto mong ibigay ko ng kusa ang asawa mo, talunin mo muna ako sa isang labanan " - nakangising sabi niya sa akin. Hindi kita aatrasan alpha, para sa asawa ko. Tinignan ko siya sa mata at ngumiti ng nakakatakot " Sige kung yan ang gusto mo. Let's have a war between vampires and wolves " - tugon ko sa hamon niya at umalis na sa council. Inutusan ko ang aking sekretarya na tawagin ang lahat ng bampira sa iba't ibang panig ng mundo para sa labanang magaganap. End of Flashback " Mabuti naman kung ganun. Kailangan nating maghanda para makuha na natin ang karapat dapat ay nasa atin. " - Sabi ko sa sekretarya ko at ininom ang wine na nasa baso ko. Third Person POV Nagtipon tipon ang lahat ng lobo sa Lincoln Village. Lahat sila ay naghahanda para sa gaganaping labanan laban sa mga bampira. Matagal tagal din silang naghanda at kampanti sila na hindi sila ang mananalo dahil may alas sila. Alas na kailan man ay di matatalo ng hari ng mga bampira. Si Psyche Beethoven... " Hoy Blake di pa ba tayo aalis? " - naiinip na tanong ni Psyche kay Blake habang suot suot ang kaniyang Givenchy Glasses. Natatamaan ng araw ang kulay ginto niyang buhok kaya ang ganda nitong pagmasdan idagdag pa ang makinis niyang balat, mapupula niyang kuko at ang hugis puso niyang mga labi na nilagyan ng pulang lipstick. " Shut up Psyche! Maghintay ka pwede? Hindi lang to isang simpleng laro na kapag natalo ka ay pupwede mong ulitin at kalimutan! This can be the great war you know?! " - naiinis na sabi ni Blake sa kaniya. Mainit ang dugo ng binata dahil kanina pa siya nakukulitan kay Psyche. Agad na kinwelyuhan ni Psyche si Blake dahil di niya nagustuhan ang inasal nito. " Alam ko kung ano ang pupwedeng mangyari Blake dahil di ako tanga! Tsaka di mo ko kailangang pagsabihan kung ano ang dapat kong gawin dahil alam kong alam mo na mas malakas pa ang kapangyarihan ko sayo! " - Tinulak ng malakas ni Psyche si Blake dahilan para mapahiga ito sa sahig. Naglakad si Psyche patungo sa kaniyang Audi R8 at binuksan ito. Pero bago pa siya pumasok dito ay liningon niya ang mga lalakeng nakatulala pa rin dahil sa kaniyang ginawa. " Oh ano? Tatanga tanga na lang ba kayo?! Bilisan niyong kumilos para masimulan na natin ang laban! " -------------------------------- Habang nagmamaneho siya sa kaniyang sasakyan ay napansin ni Psyche na parang nawawala na siya. Huminto muna siya at tinignan ang kaniyang paligid. " Fvck?! Asan na ba ako?! " - naiinis na sabi ni Psyche ng mapagtantong nawawala na nga siya. Nakalimutan kasi niyang tanungin si Blake kung saan magaganap ang labanan. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at tinawagan si Blake. " Blake?! Saan nga pala ang labanan? " - nahihiyang tanong niya kay Blake at napakamot nalang sa kaniyang ulo. [ HAHAHA! Nasa kabilang daan kami! Yan kasi! Matuto kasing maghintay! ] - Natatawang tugon ni Blake sa kaniyang katangahan " Shut the hell up and just answer my fvcking question! " - Inis na saad ni Psyche dahil sa kahihiyan at ayaw niyang pinupuna ang kaniyang pagkakamali [ On the boundary of our territory and theirs ] - Sagot ni Blake at binaba na niya ang tawag. Agad na bumalik si Psyche at nagmaneho na patungo sa lugar na sinabi ng binata Bullet's P.O.V " Bullet, anak, kumalma ka nga! " - saway sakin ni ina. Kanina pa kasi ako palakad lakad dito sa mansion. Di ko ma ipaliwanag ang nararamdaman ko. Kinakabahan ako at natatakot. Kinakabahan kasi makikita ko na naman siyang muli, at natatakot kasi baka matalo kami ng mga lobo dahil gagamitin nila si shaine pan laban sa akin. " Ina! Pano ako kakalma kung makakaharap ko na naman siya mamaya? " - nababalisang sabi ko kay ina. Hindi ko alam kung paano ako lalaban kung makikita ko siya sa paligid. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko kung makakaharap ko siya, kasi ayoko siyang mapahamak kahit na alam kong sa lobo siya kakampi. " Baka naman hindi nila isasama si Psyche. Kumalma ka nga! " - wika ni ina na halatang pinapagaan ang loob ko. Nang mapatingin ako sa paligid ko ay nagulat ako nang lahat sila ay nakatingin na pala sa akin at ramdam ko na nababahala rin sila sa akin. Sana nga. Sana nga ay hindi nila isasama si Psyche. Kasi alam kong di ako makakapaglaban ng maayos kapag alam kong nasa palagid lang siya. " Sana nga ina. Sana nga ... " ••• " Mahal na hari, paparating na sila " - biglang sabi ng isang kawal ko. Agad naman kaming naalarma. Bumaba na kami at nagsipaghanda sa gaganaping labanan. Lahat ng bampira sa iba't ibang panig ng mundo ay pinapunta ko dito para tumulong sa labanan. Maaari kasi itong maging The Great War na sinasabi ng mga ninuno namin dati pa. Ilang sandali pa lang ay nakarinig na kami ng mga yakap at dumating na ang mga lobo. Pumunta sa pinaka harap ng kaniyang mga kasamang lobo si Blake at nagpalit anyo siya bilang tao. " Di halatang pinaghandaan niyo ang labanan ah? Pinatawag niyo pa ang kalahi niyo sa iba't-ibang panig ng mundo! " - mungkahi ni Blake at tumawa pa. Gago talaga tong lobong to! " Tama na ang daldalan at simulan na natin ang laban alpha " - walang kaemo-emosyong sabi ko sa kaniya. Gusto ko nang makuha at mayakap ang asawa ko. Gusto ko nang tapusin ang paghihirap na nararanasan ko gayong wala si Psyche sa aking piling. Isa-isa kong tinignan ang nasa likod ni Blake at napahinga ako ng maluwag nang hindi ko nakita si Psyche. " Osige. Pagbilang ko ng sampu, maglalaban na tayo. " - sabi niya ng nakangisi. Halatang iniinis ako. Mamaya ka lang sakin. " Isa ... Dalawa ... Tatlo ... " Mababawi rin kita Psyche. At magsasama tayong pang habang buhay " Apat ... Lima ... Anim ... " Maghanda ka Blake papatayin kitang gago ka. Inagaw mo sakin ang asawa ko " Pito ... Wala .... Siyam ... Sam ---- " Di natapos ang pagbibilang ni Blake ng biglang may pumaradang sasakyan sa gitna namin. Hinihintay namin kung sino ba ang lalabas sa kotche na nakaparada sa gitna. Isa ba itong bampira o lobo? Kakampi o kalaban? Naghintay kami ng ilang sandali bago bumukas ang pinto ng sasakyan at lumabas ang taong nagmamaneho nito. Kulay gintong buhok, maputi, matangos na ilong, pusuan na labi. Nakasuot ito ng all black from head to toe at isang Givenchy glasses. Inalis nito ang kaniyang suot na salamin at napagmasdan ko na naman ang kaniyang mga mapupungay na mata. Biglang tumigil ang mundo ko. Wala akong ibang nakikita sa aking paligid kundi siya lang. Nang minsang nagtagpo ang mga mata namin ay ngumiti siya sakin ng nakakaloko... " Psyche " Psyche's P.O.V Nang makababa ako sa aking sasakyan ay agad kong nakita ang seryoso mukha ni Blake. I removed my Givenchy glasses at ngumiti lang ako ng pagkatamis sa kaniya na siya namang ikina iwas ng tingin niya. Nang mapadako ang tingin ko sa mga bampira. Isang bampira lang ang nakakuha ng attention ko. Si Bullet D'mittri. Agad akong ngumiti ng nakakaloko sa kaniya. " Bakit ngayon ka lang? Magsisimula na sana yung labanan! Isang bilang nalang eh! " - medyo naiiritang sabi ni Blake sakin. Tinignan ko siya sa mata at ngumiti ng pagkatamistamis. " Ooppss My bad! " - I said as I covered my mouth and laughed sarcastically. Tinawag ko ang isang lobo at agad naman siyang nagpalit anyo at lumapit sa akin. Binigay ko sa kaniya ang susi ng aking sasakyan. " Ialis mo ang kotche ko sa daan. Wag na wag mong gagasgasan yan kundi gagasgasan ko rin ang pagmumukha mo! Maliwanag? " - taas kilay kong tanong sa kaniya. Agad naman siyang namutla at tumango. Ilang segundo na ang nakalipas pero ni isa ay walang balak na magsalita og kumilos. " Di pa ba natin sisimulan ang labanan? It's getting hot in here! " - naiinip na sabi ko kay Blake habang pinapaypay ang kamay ko sa aking sarili. Third Person's P.O.V " PSYCHE! DI MO BA KAMI NAALALA?! KAMI ANG MGA MAGULANG MO! " - di mapigilang sigaw ni Ferdinand sa anak. Oo, andito rin sina Agnes at Ferdinand. Ayaw nga sanang isama ni Bullet ang magulang ni Psyche ngunit nagpumilit ang mga ito. Nang malaman ni Bullet na buhay pa ang asawa ay agad nitong sinabihan ang mga magulang ni Psyche sa mundo ng mga tao. Hindi ito naniniwala noong una pero nakumbinsi rin ito ni Bullet na pumunta. Tinignan ni Psyche ang dalawa mula ulo hanggang paa at tumawa ng pagak. " You two? My parents? Ha! Wag ka ngang magpatawa! Sa ganda kong to? At sa kapangyarihang taglay ko? Magiging magulang ko kayo? Tsk Tsk Tsk " - sabi ng dalaga ng naka iling pa at parang nangungutya Hindi mapigilang mapaiyak ng dalawa ng marinig ang sagot ng kanilang anak. Hindi sila makapaniwalang sinabi ito ni Keishaine. Totoo ngang nagbago na ang anak. Ngunit umaasa pa rin sila na babalik ang tunay na Keishaine. Nagbilang ulit si Blake. Naghanda ang dalawang panig para sa gaganaping laban. Nang minsang nagtagpo ang tingin nina Psyche at Bullet. Ang tingin ni Bullet ay puno ng pagmamahal habang ang tingin ni Psyche ay puno ng pagkamuhi. Hindi na nagtaka si Bullet kung bakit ganun nalang ang galit ni Psyche sa kaniya dahil may kutob siya na kagagawan ito ng kaniyang ama na si Adonis Byzantine o ng mga lobo. " 3 ..... 2 ....1 ..... Sugoood!! " - sigaw ni Blake at agad na nagpalit anyo. Kagaya ng mga lobo, sumugod din ang mga bampira. Kagat dito ... Kagat doon ... Kalmot dito ... Kalmot doon ... Suntok dito ... Suntok doon ... Marami nang nawalan ng buhay, puno na ng dugo ang paligid ngunit wala ni isang gustong sumuko o tapusin ang laban Habang abala ang lahat sa pakikipag-away. Agad na tumakbo si Psyche papunta kay Bullet at ngumiti ng pagkatamis tamis. Dahil dun, hindi napigilang ngumiti ng lalake at bumilis na naman ang t***k ng puso nito. Ginamit yun na pagkakaton ni Psyche at agad na sinuntok si Bullet ngunit mabilis na nakailag ang huli at mabilis na hinalikan ang pisnge ng babae. " One point " - mapang asar na wika ni Bullet at kinindatan pa si Psyche. Dahil sa ginawa ng lalake ay mas lalong nagalit si Psyche. Nagpakawala siya ng isang malakas na sipa ngunit mabilis na hinawakan ng lalake ang kaniyang paa at hinila yun papunta sa kaniyang bewang. Pinag dikit ni Bullet ang dalawang kamay ni Psyche sa likuran nito para hindi ito maka atake at mabilis niyang hinalikan ang babae sa kabila nitong pisnge at ngumiti ng matamis. " 2 points milady " - nakangising sabi ni Bullet at kinindatan ulit ang babae. Kumawala sa hawak ng lalake ang babae at galit na galit na ang expresyon ng mukha nito "GO TO HELL BULLET D'MITTRI!!! " - Galit na galit na sigaw ni Psyche kay Bullet. Napangisi na naman ang huli at nagsalita. " Will you take me to heaven instead? " - at mahinang tumawa ang binata. Mabilis na umamba ng suntok ang dalaga, dahil sa gulat ay napaiwas ang binata dahilan para mapasubsob ang dalaga sa lupa. " A-aray! I-it hurts!" - naiiyak na sabi ni Psyche habang hinahawakan niya ang kaniyang palapulsuhan. Tinignan niya si Bullet gamit ang nasasaktan na ekspresyon. Agad na dinaluhan ni Bullet ang dalaga. Nanlambot ang kaniyang ekspresyon dahil sa nakita niyang nasasaktan ang mukha ng dalaga. Ayaw na ayaw talaga niyang masaktan ang kaniyang asawa dahil mas doble ang nararamdaman niyang sakit. " S-sorry psyche. Di ko sinasadya - " - hindi naituloy ni Bullet ang kaniyang pagsasalita ng mawala nalang bigla ang babae sa kaniyang harapan. Tatayo na sana siya ng may naramdaman siyang malamig na bagay sa kaniyang leeg. Bigla siyang napatigil at nanlamig. " Subukan mong gumalaw at hindi ako magdadalawang isip na putulin ang iyong ulo, Bullet D'mittri " - malamig na saad ni Psyche kay Bullet habang naka tutok ang isang espada sa leeg nito. Espadang nakakapatay ng mga bampirang katulad niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD