8:11

4531 Words
Bullet's POV Anim na buwan na ang nakalipas ngunit ang sakit pa rin isipin na wala na ang aking asawa. Ang babaeng pinakamamahal ko. Ako na ang hari ng mga bampira. Ipinasa ni ama sa akin ang kaniyang trono 3 buwan na ang nakalipas. Dahil nahihirapan na raw siyang pamunuan ang aming angkan. At sa loob ng 3 buwan na pumumuno ko bilang hari ay naging mas maunlad ang aming lahi. Pinatupad ko rin ang batas na malaya kang pakasalan kung sino ang nais mo ngunit dapat ay pagusapan niyo muna ng nakatakda sayo kung magpapatuloy pa kayo o hindi. Nagtulong tulong ang mga bampira at mga mangkukulam para makabuo ng spell na makakapag walang bisa ng markang nakasulat sa braso ng dalawang itinakda kapag desidido na silang wakasan ang kanilang tadhanang maging isa. At dahil sa batas na yun, mas lalong nagkaisa ang mga bampira,lobo at mga mangkukulam. Nagbibihis ako ngayon kasi kaarawan ni ama. Sinuot ko ang isang pormal na polo at ang kapa na traditional nang sinusuot ng mga naging hari ng mga bampira. Isinuot ko rin ang aking korona. Tumingin ako sa salamin at ngumiti ng pilit. Kahit ayokong mag diwang dahil sa nangyari sa asawa ko, ay pinilit ko pa rin para sa ama ko. May narinig akong kumatok kaya sinabihan ko itong pumasok. " Mahal na hari, magsisimula na po ang pagdiriwang " Tumango ako sa kaniya at lumabas na sa aking silid. Habang pababa ako sa hagdan ay naririnig ko na ang masiglang musika na pinapatugtog sa labas ng bahay. Ang liwanag rin sa labas dulot ng mga ilaw na dekorasyon para sa handaan. Umakyat na ako sa entabladong naka handa para sa akin. Agad namang yumuko ang mga dumalo sa kasiyahan para mag bigay galang sa akin bilang hari. Lumapit ako sa may microphone at nagsimula nang magsalita upang makapag simula na kami sa selebrasyon ng kaarawan ng aking ama. " Magandang gabi sa inyong lahat. Salamat at kayo'y naka punta at naki saya sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating hari na aking ama. Sana ay nasisiyahan kayo sa aming mga hinanda. " - pagkatapos kong sabihin ang aking mga dapat sabihin ay agad akong umupo sa upuang nakalaan sa akin. Umunom ako ng wine at luminga linga dahil hindi ako mapakali sa aking kinaroroonan. Parang may mangyayaring hindi maganda eh. Agad akong napatingin sa isang babaeng nakasuot ng puti. Kapansin-pansin ang kaniyang tindig at ang kaniyang kulot na mahabang blonde na buhok. Naglalakad siya sa harap at parang may hinahanap. Bigla siyang humarap sa aking kinaroroonan. Nang minsang nagtagpo ang aming mga mata ay hindi ako makapaniwala sa aking nakikita. Nakita kong nagulat din siya ng makita niya ako. Umatras siya at biglang tumakbo ng mabilis. Gumalaw nalang bigla ang aking mga paa at hinabol ko ang babaeng nakaputi. Ang bilis ng kaniyang takbo. Hinabol ko siya hanggang sa umabot kami sa kagubatan. Ngunit sa aking pagkadismaya ay nawala na lang siya bigla. Luminga linga ako baka makita ko pa siya. Ngunit hindi ko na talaga siya makita. Wala na akong nagawa kundi ay bumalik nalang sa aming bahay. Ngunit hindi ako pupwedeng magkamali eh! Siya yun! Totoo siya! Buhay pa siya! Buhay pa ang aking pinakamamahal. Buhay pa si Psyche Byzantine D'mittri ... Keishaine’s POV Napakabigat ng talukap ng aking mga mata na tila pinipigilan niya akong magising. Kahit mabigat ang mga talukap ng aking mga mata ay pinilit ko paring buksan ang mga ito. Sumakit bigla ang aking ulo pero di kalaunan ay unti unting nawawala yung sakit. " Gising ka na pala " Agad akong napatingin sa kung sino man ang lalakeng nagsalita. Isang lalakeng matangkad, matangos ang ilong, may kulay gintong buhok at may malamig na ekspresyon. " S-sino ka? " - Naguguluhang tanong ko sa kaniya at sinuri ko ang kaniyang kasuotan. " Blake Permitivo " - nakangiting sabi niya at umupo sa gilid ng kamang aking hinihigaan. Bakit biglang nagiba ang kaniyang ekspresyon? Kanina ang sama ng tingin niya na parang papatay na siya ng tao tapos ngayon kung makangiti wagas. May problema ba ito sa pag iisip? Bipolar? " Anong pangalan ko? " - Tanong ko agad sa kaniya dahil wala akong ma alala na kahit anong impormasyon tungkol sa sarili ko. " Psyche Byzantine. " - nakangiti paring sabi niya. Ang weird naman ng nilalang na to. Kung maka ngiti wagas. " Nasaan ako? Bakit ako nandito? Anong ginagawa ko dito? Bakit wala akong maalala? " - sunod sunod na tanong ko sa kaniya. Ano ba talagang nangyayari? Bakit wala akong maalala? " Welcome to the werwolves' pack. Dito nakatira ang mga wolves na katulad ko. Dito ka dinala ng iyong ama para gumaling ka. Dinala ka niya dito para maalagaan ka ng tama. Wala kang maalala kasi temporaryong nawala ang iyong mga alaala dulot ng iyong pagkamatay " - sagot ni Blake sa mga tanong ko kanina. Teka? Namatay ako? Bakit? " Kung andito ako sa lugar niyong mga lobo. So ibig bang sabihin nun ay isa rin akong lobo? " - naguguluhang tanong ko kay Blake. Bakit ba kasi wala akong maalala? Aish! Ang hirap naman nito! " Hindi. Hindi ka isang wolf. " - iniwas niya ang kaniyang tingin sa akin pagkatapos niyang sabihin yun. Nag iba rin ang ekspresyon ng kaniyang mukha, hindi na siya nakangiti ngayon. " Kung hindi ako isang wolf. Eh ano ako? " - tanong ko ulit sa kaniya. Naguguluhan talaga ako sa kung ano ang nangyayari sa akin ngayon. Nandito ako sa teritoryo ng mga lobo pero hindi ako isa sa kanila? " Isa kang bampira Psyche " Isang buwan na ang nakalipas simula nung magising ako. Isang buwan na rin ang nakalipas ngunit wala pa rin akong maalala kahit na katiting man lang sa aking memorya. At sa loob ng isang buwan na yun ay wala akong ibang ginawa kung hindi ay magtraining para sa aking kaligtasan. Flashback " Ikaw ang aking ama? " - tanong ko sa lalakeng nagpapakilala bilang ama ko raw. Nagising ako kanina na may naka upong lalake sa katabi ng aking kama. Natakot ako nung una dahil ngayon ko lang siya nakita, baka saktan niya ako. Pero nang mapansin niyang na alarma ako ay agad siyang nagpa kilala bilang aking ama. " Oo. Ako ang iyong ama " - sabi niya at lumapit sa akin at niyakap niya ako. Agad ko siyang niyakap pabalik. Ayokong maging bastos. " Kung kayo nga ang aking ama pwede po ba akong mag tanong? " - walang emosyong tanong ko sa kaniya. " Oo naman. Kahit ano sasagutin ko " - sabi niya at tinignan ako diretso sa aking mga mata. " Bakit ako namatay? At sino ang pumatay sa akin? " - naikuyom ko ang aking mga kamay dahilan para may lumabas na konting dugo galing dito. Pero agad naman itong gumaling dahil nga isa akong bampira. " Namatay ka dahil pinatay ka ng isang bampira. Pinatay ka niya dahil wala siyang magawa at gawain niyang pumatay ng mga inosenteng nilalang na kagaya mo. At ang walang hiyang lalakeng pumatay sayo ay si Bullet D'mittri " - sagot niya sa aking mga tanong. " Alam mo ba kung saan siya nakatira? Gusto kong gumanti sa ginawa niya sa akin " - puno ng galit na saad ko sa lalaking nagpakilala bilang ama ko. " Oo, pero magpa galing ka muna at magpalakas sa gayun ay paniguradong matatalo mo siya " End of Flashback " Psyche " Nabalik ako sa realidad ng may tumawag sa akin. Nilingon ko ang lalakeng tumawag sa akin at nakita ko si Law. Si Law ay ang matalik na kaibigan ni Blake. Sabi nila, bata pa lang ay magkaibigan na ang dalawa. Kumbaga magkapatid na ang turingan nila sa isa’t isa. " Bakit Law? " - tanong ko rito at walang emosyon tinignan siya sa mata. " Pinapatawag ka ni Blake. May sasabihin daw siya sayo " - sagot ni Law sa aking tanong. " Oh sige, pakisabi sa kaniya na susunod na ako " - sabi ko at lumapit sa pinto ng aking kwarto at sinarado ito. Nagpalit ako ng mas pormal na damit at inayusan ang aking sarili. Ayoko kasing magmukhang muchacha sa harap ng marami tss. Pagkatapos kong ayusan ang sarili ko ay agad akong pumunta sa opisina ni Blake. Habang naglalakad ako ay napapatingin ang mga lobo na nadadaanan ko. Sanay na ako sa ganoon, sa ganda ko ba namang ito? Nang makarating na ako sa labas ng opisina niya ay binuksan ko na ang pinto at nakita ko siyang prenteng nakaupo roon habang may binabasang isang sulat. " Anong kailangan mo Blake? " - walang ganang tanong ko sa kaniya. Ganito na naman ako eh. Sanay na siyang ganito ako sa kaniya. " Maupo ka muna at may sasabihin ako sayo " - sabi niya at itinuro ang upuang nasa harap ng kaniyang lamesa. Agad akong umupo sa upuang sinasabi niya para matapos na to. Ano bang kailangan niya at pinatawag niya pa ako dito? " May magaganap na pagdiriwang dahil kaarawan ng dating hari ng mga bampira sa makalawa. Ang tinutukoy kong hari ay ang ama ni Bullet " - nakangising sabi ni Blake habang nakatingin sa akin. Halatang inaasar ako nito eh. Alam kasi niyang nawawala ako sa mood at naiirita ako kapag naririnig ko ang pangalan nung Bullet na yun. Inirapan ko muna siya bago ako nagsalita. " Do I look like I care? Edi pumunta ka! Wala akong pake! " - sabi ko sa kaniya na may halong pagkairita. Tatayo na sana ako ng bigla niyang hinawakan ang kamay ko at pinaupo ako ulit. " Gusto kong pumunta ka rin doon " - seryosong sabi niya sa akin at tinitigan ang aking mga mata. " For what? Baka mapatay ko lang ang Bullet na yun " - Mataray kong sagot sa sinabi niya. Bakit ba pinipilit niya akong pumunta doon? " Kasi isa kang bampira. Nakasaad sa sulat na lahat ng bampira ay kailangang pumunta " - sabi niya at binigay sa akin ang sulat para basahin ko yun. " Eh sa ayoko ngang pumunta Blake! Bakit ba pinipilit mo ako? " - inis na saad ko sa kaniya at kinwelyuhan siya. " Kung pupunta ka, ibibigay ko sayo yung kotche ko " - nakangising alok ni Blake sa akin. Kotche? Madali naman akong kausap eh. Agad kong binitawan ang kanyang kwelyo at lumayo na sa kaniya. " Okay fine. Whatever " - sabi ko at tuluyan ng umalis doon. Alam na niya na um-oo na ako sa kondisyon niya. At total wala akong magawa at nakaramdam ako ng kaunting gutom, na isipan kong maghanap ng pweding kainin. Pumunta ako sa gubat at humanap ng hayop na pwedeng paglaruan. Ilang sandali ay nakakita ako ng isang usa. Usa Usa Usa Teka?! Anong meron sa usa bat bumilis ang t***k ng puso ko? Isinawalang bahala ko nalang yun at tinitigan ang usa. Hinahanda ko na ang aking sarili para madakip ko ang walang halagang usa. Tumakbo ako ng napakabilis pero hindi lumulikha ng kahit na anong ingay. Nung malapit na ako sa usa ay agad akong tumalon sa ibabaw nito at agad itong kinagat. Inubos ko ang lahat ng dugong meron ang usa at tinapon nalang ito. Pinunasan ko ang dugong natira sa aking bibig. " I will kill you Blake D'mittri " Ngayon ang pagdiriwang na sinasabi ni Blake. Ang kaarawan ng dating hari ng mga bampira. May mga dumalong bampira, mangkukulam at lobo upang makisaya . Nakaupo ako sa isang upuan dito sa bahay ng mga D'mittri. Nakasuot ako ng isang puting damit at nakalugay ang medyo kulot kong blonde na buhok. Medyo makapal ang kolorete sa aking mukha dahil ayokong maging simple lang ang aking kagandahan. Bagot na bagot na ako rito sa aking kinauupuan. Wala man lang entertainment and stuffs tss. Ilang sandali pa ay biglang tumahimik ang lahat at yumuko. " Magandang gabi sa inyong lahat. Salamat at kayo'y nakapunta at nakisaya sa pagdiriwang ng kaarawan ng dating hari na aking ama. Sana ay nasisiyahan kayo sa aming mga hinanda. " - napatingin ako sa nagsalita at napakuyom ang aking kamao ng makilala kung sino yun. Si Bullet D'mittri, ang walang awang pumatay sa akin. Gusto ko na siyang patayin ngayon ngunit hindi pa ako handa at nasa loob ako ng kanilang teritoryo. " Blake umuwi --- " - hindi ko pa natapos ang sasabihin ko nang mapansing wala si Blake sa aking tabi. Tumayo ako at hinanap ko si Blake. Lakad lang ako ng lakad sa buong lugar. Halos lahat ng nadadaanan kong nilalalang ay napapatingin sa akin. May naramdaman akong napakalakas na kapangyarihan sa aking likuran na parang inuutusan akong lumingon. Nilingon ko ito at nanlaki ang aking mga mata ng malamang nakatitig na pala ang hari sa akin. Dahil sa kaba ay agad akong napatakbo nang mabilis papaalis sa lugar na iyon. Mabuti nalang at hindi niya ako naabutan. Umuwi nalang ako ng mag-isa sa Lincoln at baka magkita pa kami ulit ng hari sa lugar na iyon. Naglalakad ako ngayon sa hardin nang may mapansin akong isang itim na kotse na kakarating lang. Agad akong nagtago sa isang halaman at hinintay kong lumabas ang nasa loob. Pagkaraan ng ilang sandali ay lumabas na nga ang nilalang na nasa loob nito at natigilan ako ng makilala kung sino yun. Si Bullet D'mittri. Nakasuot siya ng itim na tuxedo at may dala dala siyang briefcase. Ano kayang ginagawa ng lalakeng yan dito? Ano pa bang kailangan niya? Naglakad siya patungo sa pintuan ng bahay at pinagbuksan siya ng isang kasambahay dun. Pagkapasok niya sa loob ng bahay ay agad akong tumungo sa likuran at doon dumaan. Tinanong ko ang isang kasambahay kung bakit andito ang hari at sinabi niya na may importante raw na paguusapan sina Blake at Bullet. Tinanguan ko nalang siya at tinanong ulit kung saan sila mag uusap. Pagkasabi ng kasambahay kung saan sila mag uusap ay agad akong tumungo roon. Dahan dahan kong binuksan ang pinto at tahimik na naglakad patungo sa loob ng isang kabinet. Nagtago ako sa loob nito. Ilang minuto pa ang nakalipas at pumasok na sina Blake at Bullet. Buti nalang at may butas sa kabinet at doon ako sumilip. Ang seryoso ng kanilang mga mukha. Umupo sila dun sa upuan na malapit sa tinataguan kong kabinet at nagsimula na silang magusap. " What brings you here King Bullet? " - panimula ni Blake at matamang tinignan si Bullet. Alam kong pinapakalma niya lang ang sarili niya base sa expression ng kaniyang mukha " I heard that may bago dito sa Lincoln? Is that person a girl or a boy? " - nakangising sabi ni Bullet. Teka nga, ako ba ang tinutukoy ng lalakeng to? Pano niya nalaman ang tungkol sa akin? May nag traydor ba sa mga lobo? " Ah oo. Yung kapatid ng kaibigan ko. Lalake siya. Bakit? " - walang ekspresyon na sabi ni Blake. Teka nga?! Lalake?! Wow naman! Sa ganda kong to?! Naging lalake ako?! " Lalake? Are you sure Alpha? " - nakakalokong ngumiti si Bullet kay Blake. Agad namang ngumisi si Blake ngunit mahahalata mong nainis siya sa sinabi ni Bullet. Hala baka mag suntukan silang dalawa dito. " Yes. Im so sure. Bakit? Kinukwestyon mo ba ang mga sinasabi ko King? " - nakakuyom na tugon niya kay Bullet. Kapag tong dalawa nag suntukan hindi talaga ako lalabas, baka madamay pa ako. " Hindi naman. Naninigurado lang. Im gonna leave now. May kailangan pa akong ayusin " - sabi ni Bullet at tumayo na sa kaniyang kinauupuan. Bigla siyang napatingin sa gawi ko at agad naman akong lumayo sa butas at tinago nang mabuti ang sarili. " Sure. Nice meeting you King " - walang emosyong sabi ni Blake. Nginitian lang siya ni Bullet at agad na silang umalis sa silid na yun. Nang wala na akong marinig na ingay ay agad na akong lumabas. Binuksan ko ng kaunti ang pinto at sinilip kung may tao pa ba sa labas o wala na. Nang mabatid ko na wala ng tao sa labas ay agad kong sinarado ang pinto at umupo sa sofa kung saan umupo si Blake kanina. Ipinikit ko ang aking mga mata. " Kanina ka pa nakikinig sa usapan namin ano? " Agad kong naidilat ang aking mga mata at tinignan kung sino man ang nagsalita. Namutla ako ng makita ko si Bullet na nakaupo sa inuupuan niya kani kanina lang. " A-anong ginagawa mo dito? " - kahit kinakabahan ay pinilit ko paring magsalita nang maayos. Ilang beses ko na ring nilunok ang aking laway dahil sa kaba. " Nothing, may naiwan kasi ako kaya bumalik ako para siguraduhing makukuha ko itong muli " - nakangising saad niya habang nakatingin sakin. Bakit ba ang gwapo niya kapag nakangiti? Hoy Psyche mag tigil ka! Siya ang pumatay sayo tapos iisipin mong gwapo siya? Nababaliw ka na ba? " O-okay " - nauutal kong sagot sa kaniya. Agad akong tumakbo palabas ng silid na yun at pumunta sa kwarto ko. Agad kong nilock ang pintuan ng makapasok na ako rito. Napahawak ako sa aking puso. Ang bilis ng t***k nito na tila isang kabayong mabilis na tumatakbo dahil may naghahabol sa kaniya. Bakit ang bilis ng t***k ng puso ko? Anong meron sa lalakeng yun? ----------------------------------------------- Minulat ko ang aking mga mata at napansin kong nasa isang madilim akong lugar. Lumingalinga ako at may nakita akong isang pintuan. Ito ay kulay ginto at umiilaw ito. Agad ko itong nilapitan at binuksan. Sa loob nito ay may isang pathway patungo sa isang gubat. ' Ano kaya ang meron sa gubat na ito? ' Natanong ko nalang sa aking sarili. Agad akong pumasok, at ng maisara ko na ang pinto ay nagsimula na akong maglakad papasok. Bawat hakbang ko ay umiilaw ang natatapakan kong lupa. Lakad lang ako ng lakad hanggang sa makarating ako sa gubat. Ang mga puno dito ay wala ng buhay pati na rin ang ibang halaman. May mga buto rin ng mga hayop ang andito, buto ng mga hayop na wala ng buhay. Lumakad ako papasok sa gubat at nagulat ako ng biglang nabuhay ang mga punong nadaanan ko. Maraming bunga ang nasa taas ng mga puno. Ang mga buto rin ng hayop ay nawala na at napalitan ng mga buhay na hayop na masayang naghahabulan sa gubat. Nagpatuloy ako sa paglalakad sa gubat. Ang patay at walang kulay na gubat kanina ay naging masigla at makulay na gubat na ngayon. Anong nangyayari? Ito ba ay dahil sa kapangyarihang taglay ko? Kahit naguguluhan ay nagpatuloy pa rin ako sa paglalakad. Sa dulo ng gubat ay may nakita akong isang babaeng nakasuot ng puti. Nakatalikod siya sa akin kaya di ko makita ang mukha niya. Ang haba ng kanyang mala tsokolateng kulot na buhok. May suot siyang diamanteng tiara sa kaniyang ulo. Nang maramdaman niya ang aking presensya ay dahan dahan niya akong nilingon at ngumiti. " S-Sino ka? " - kinakabang sabi ko. Ang ganda niya, mukha siyang anghel na bumaba galing sa langit. Ang ganda ng kaniyang mga mata, ang mapupula niyang labi at ang matangos niyang ilong. Ngunit, bakit magka mukha kaming dalawa? Ngumiti siya sa akin at dahan-dahang lumapit. Hindi ko maigalaw ang aking mga paa. Kahit anong gawin ko ay di ko maigalaw ang aking mga paa pati na rin ang aking mga kamay. Hinawakan niya ang aking pisngi. " Psyche, Anak. Masaya akong makita kang muli " - nakangiti niyang wika sa akin at niyakap niya ako ng mahigpit. Kusang gumalaw ang aking mga kamay at niyakap siya pabalik. Ang gaan ng loob ko sa kaniya. Ang sarap niyang yakapin, pakiramdam ko ligtas ako sa kaniyang yakap. Ilang segundo pa at bumitaw na siya sa yakap. " Hindi mo man ako maalala ngunit ako ang iyong ina. Ako ang nagbigay sayo ng buhay. Hindi man sa pangalawa at pangatlo mong buhay, ngunit sa akin mo minana ang iyong kapangyarihan, ang iyong kagandahan at ang iyong katangian. " - Malumanay na sagot niya sa akin at ngumiting muli. Hinawakan niya ang mukha ko gamit ang dalawa niyang mga kamay. " P-pangalawa at pangatlong buhay? " - naguguluhang tanong ko sa kaniya. Pangalawang buhay? Pangatlo? Ano ba ang pinagsasabi niya? Nagbibiro ba siya? Kung oo, pwes di nakakatuwa ang biro niya. " Oo, binawian ka ng buhay dahil sa isang trahedyang nangyari isang dekada na ang nakalipas. Pinana ka ng isang bampira habang kasama mo ang taong mahal mo. Ang taong nakatakda mong pakasalan. Ang taong asawa mo. " - hinawakan niya ang aking mga kamay at tinignan akong mabuti na tila sinasabing dapat kong ma alala ang parteng yun ng buhay ko " A-asawa? Teka, wala po akong asawa. Nagbibiro po ba kayo? Ha ha ha hindi po nakakatuwa ang biro niyo " - sabi ko at dahan dahang naglakad pa atras. Wala nga akong nobyo, asawa pa kaya? Nababaliw ata tong kausap ko. " Hindi ako nagbibiro anak. May asawa ka na. Kahit na ipinagbawal ang inyong relasyon ay pinagpatuloy niyo pa rin sapagkat kayo ay nagmamahalan. Kahit ikaw ay nawala, hinintay ka niya ng maraming taon makasama ka lang ulit. Hinanap ka niya kahit saan hanggang sa magkita kayong muli at ikinasal. " - nakangiting sabi niya sa akin. Teka? Naguguluhan na ako! Kanina, sabi niya pangatlong buhay ko na to, tapos ngayon may asawa na ako? Ako ba ay pinagloloko ng isang to? " Kung meron po akong asawa. Sino po iyon? " - nauutal na sabi ko sa kaniya. Sino ba yung tinutukoy niyang asawa ko kuno? Tsaka bat wala akong maalalang kinasal ako? Wala rin akong suot na singsing. At wala ring sinasabi si tatay sa akin tungkol dito. " Ang asawa mo? Siya ay isang bampira. Galing sa pinaka makapangyarihang pamilya ng mga bampira. Ang hari ng mga bampira… Si Bullet D'mittri " " PSYCHE WAKE UP!! " Agad akong napabangon at nakita ko si Blake. Damn it! What was that for? Totoo ba yung panaginip ko? O isang imahenasyon ko lang dahil nakita ko si Bullet kanina? Bullet's POV " WHAT?! NO F*CKING WAY IM GONNA MARRY THAT GIRL! " - galit na sigaw ko sa mga magulang ko. Gusto kasi nilang mag-asawa ako ulit kasi kailangan na raw ng tagapagmana ang aming lahi. Ilang beses na nila akong kinakausap tungkol sa bagay na yan pero tanging 'hindi' lang o 'ayoko' ang sinasabi ko sa kanila. " Anak naman, patay na si psyche -- " - hindi natuloy ang sasabihin ni ina ng magsalita ako. " Ina, buhay po si Psyche! Nakita ko po siya sa noong kaarawan ni ama! Buhay na buhay po ang asawa ko! " - pagdadahilan ko kay ina. Nanlaki ang kanilang mga mata dahil sa gulat. Halatang hindi sila makapaniwala sa aking sinabi. Unang nakabawi sa pagkagulat si ama at tumikhim. " Kung iyan ang nais mo, sige pagbibigyan kita Bullet. Dalhin mo dito ang asawa mo. Ngunit kapag lumipas na ang 3 buwan at hindi mo pa siya naibabalik, tapos na ang usapan. " - wika ni ama at tumayo na para umalis. Pagkaalis ni ama ay agad akong nilapitan ni ina at umupo sa upuang katapat ng aking inuupuan. " Sigurado ka ba sa nakita mo anak? " - tanong sakin ni ina. Tinignan ko siya sa kaniyang mga mata at tumango. " Opo ina. Pero parang wala siyang maalala. Parang hindi niya ako kilala. " - malungkot na saad ko kay ina. At na iiyak na. Tumayo si ina at niyakap ako. " Kung iyan ang sinabi mo. Papaniwalaan kita anak. Sana ay maibalik mo ang iyong asawa dito sa atin. " - wika ni ina at tinapik tapik ang aking likuran. " Makakaasa ka ina. Gagawin ko ang lahat maibalik lang ang asawa ko sa dati " Pumasok ako sa kwarto ko at hinanap ko ang numero ng isang bampirang makakatulong sa akin upang malaman ang totoo. Tatlong ring lang ng telepono ay sumagot na ito. " Magandang hapon mahal na hari. Ano po ang ma ipaglilingkod ko sa inyo? " - magalang na bati nito sa akin. " Pablo magkita tayo sa puntod ng aking asawa, may ipapagawa ako sayo. Dalhin mo lahat ng gamit mong pang hukay. Isang diyamanteng ruby ang kapalit " - tugon ko sa kaniya at binaba na ang tawag. Sumakay ako agad sa aking kotche at dali daling pumunta sa puntod ng aking asawa. Nang makarating ako sa sementeryo ay nandoon na si Pablo naghihintay dala dala ang mga gamit niya. Nang makita niya ako ay agad siyang yumuko para magbigay galang. " Magandang hapon ulit mahal na hari, ano ang maipag lilingkod ko po sa inyo? " - nakayuko pa ring wika ni Pablo. " Hukayin mo ang puntod ng aking asawa at may titignan lang ako. Ibibigay ko ang iyong premyo pagkatapos ng iyong gawain " - Utos ko sa kaniya na agad naman niyang ginawa. Una niyang tinanggal ang head stone o ang bato kung saan naka sulat ang pangalan ni Psyche. At nagsimula na siyang maghukay. Ilang oras muna ang dumaan bago niya natapos ng paghuhukay dahil siya lang mag-isa. Dahil natural na siyang malakas dahil ito ang kapangyarihan niya, madali lang niyang nabuhat ang kabaong. Ibinigay ko agad sa kaniya ang diyamante at pina balik ko ang mga nahukay niyang lupa pabalik sa kung saan ito nanggaling. Agad kong binuksan ang kabaong at wala akong naramdamang kahit na anong takot. Nanlaki ang mga mata ko nang makitang walang laman ang kabaong. Nag uumapaw na saya ang aking naramdaman at naiiyak na ako dahil dito. Pinapunta ko sila ina at ama sa puntod para ipakita na walang laman ang kabaong at mapatunayang buhay pa ang aking asawa. Nang dumating sila ay agad silang napatakbo sa kinaroroonan ko at tiningnan ang kabaong at nagulat nang wala itong laman. " Impossible! Nakita natin ang katawan ni Psyche bago isinarado ang kabaong at tinabunan ng lupa. " - Wika ni ina at hindi pa rin makapaniwala sa kaniyang nakita. " Possible ina, sa mga mangkukulam ay possible ito. " - nakangising tugon ko sa sinabi ni ina. Bakit ba hindi ko naisip na pwede nilang gawin kay Psyche to? Lalo na at siya ang tagapagmana si Aphrodite? " Anak, dapat mong kunin at ibalik sa atin si Psyche bago pa nila malason ang utak nito at tuluyan niyang mawasak ang angkan natin " - kinakabahang saad ni ama at tinignan ako sa mata. " Gagawin ko naman talaga yan ama. Hindi lang dahil takot akong magiba ang pamilya natin kung hindi ay karapat dapat naman talaga siyang sa akin. Dahil kami ang itinakda at wala nang makaka hadlang man sa pagmamahalan namin ngayon " - Napa kuyom ako sa aking kamao habang sinasabi ko yan sa aking mga magulang. Pina sunog ko ang kabaong kay Pablo at umuwi na ako kasama ang mga magulang ko. Pupuntahan ko ang teritoryo ng mga mangkukulam at lobo. Madali ko lang siyang mahahanap dahil biglang nabuhay ang bond naming dalawa simula nung magtama ang aming mga mata. Hinding hindi na kita papakawalan ngayon Psyche Beethoven Byzantine.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD