Sabado ngayon kaya tanghali na ako nagising. Pagkalabas ko ng kwarto ay hindi ko nakita si Zage pero alam kong nasa kwarto lang siya at busy na naman na naman sa mahiwagang laptop niya na Diyos lang ang nakakaalam kung ano ang ginagawa niya. Hindi na ako nagluto kasi dinalhan kami ng maraming ulam ni Nanay pero ako lang ang nakaubos no’n dahil gutom na gutom ako. Feeling ko nga isang taon akong hindi nakakain dahil sa letseng pageant na 'yon. Mabuti na lang talaga nanalo ako at baka pagsisihan kong nag-diet pa ako. Pagkatapos kong kumain ay kinuha ko ang cellphone ko at nagpasyang buksan ang social media ko. Tinatamad pa akong maglinis at ang gusto ko lang ay humilata muna. Una kong tinignan ang messages kasi sabi ni Jason doon niya ise-send sa akin ang mga picture ko kagabi. Pagka

