Once upon a time, pinanganak ang pinakamagandang babae sa mundo. Tinitingala siya ng lahat dahil sa taglay niyang kagandahan na hindi kayang makuha ng iba. At iyon ay walang iba kun’di ako. Oo, ako. Ang dyosang si Iry Ley. Wala na akong pakialam kung tawagin nila akong makapal ang mukha pero maganda talaga ako. Walang aangal dahil self support ‘to. Pero alam n’yo naman na sa buhay natin ay may mga insecure talaga. Hindi ma-accept ng iba na may mas maganda sa kanila kaya nagiging masama na ang ugali nila at nagiging feeler na sila. At isa riyan ang pinsan ko. Si Eury Ruiz. Feelingerang impakta! "Okay, Candidates! Five minutes left before we start our practice, please prepare," anunsyo ni Sir. Nasa gilid lang kaming dalawa ni Jason at inaayos niya ang pagkakasuot ko ng heels. Si Jherlyn

