"Bakit ngayon ka lang?!" naiinis kong tanong sa kanya habang ngumunguya ako ng apple. Sinabi ko na sa kanya kanina na may practice kami. Kanina ko pa siya hinihintay pero alas syete na siya dumating. Feeling VIP talaga. "What the--Kinain mo ang apple ko?" gulat na tanong niya na parang nakagawa ako ng napakalaking kasalanan. "Ano naman?" “That’s the last one! Get your own apple!" sigaw niya at inagaw ang apple na hawak ko at higit sa lahat ay nakagatan ko na. "May kagat na nga kukunin mo pa! Ang damot-damot mo!" "I don't give apples, Iry Ley. Get your own," ulit niya at hinugasan ang apple na kinagatan ko. Piste na feeling snow white ‘to. Naghintay pa ako ng kalahating oras dahil naligo at nagbihis pa siya. Kagagaling lang daw kasi niya sa practice kaya kailangan niyang maligo dahil

