"Saan punta mo?" tanong ko kay Zage nang makita kong nagsusuot siya ng sapatos. Nasa tabi niya ang bag niya at unang beses kong nakita ngayon ‘yon na parang may laman. Teka, hindi naman siya papasok sa school 'no? Wala kaming pasok ngayon, e, ‘di ba siya nasabihan? "May laro kami ngayon," sagot niya at kinuha ang bag tapos nilagay sa kabilang balikat. "Saan?" "Mist High. Want to come?" Lumapad ang ngiti ko at tumango. Tumakbo ako agad sa kwarto at nagbihis since kanina pa ako nakaligo. Sabi naman niya hihintayin niya raw ako sa gate. Nagsuot ako ng fitted jeans at crop top, nakikita lang ang pusod ko kapag inaangat ko ang mga braso ko. Tinali ko na rin ang buhok ko at nagsuot ng sandals bago lumabas. "Bakit mayroon ka n’yan?" tanong niya nang makitang may malaking junkfood akong hawa

