Naguluhan yata siya sa sinabi ko dahil lalong kumunot ang noo niya pero hindi na ako nag-explain dahil agad akong tumakbo papunta sa restroom para tignan kung nando'n pa ang Teady Bear na binigay niya. Nanlumo ako nang makitang wala na ‘yon sa lavatory kung saan ko ‘yon nilapag kanina. "Nasa loob?" tanong ni Zage nang makalabas ako. Hindi naman kasi siya pumasok sa loob. Umiling ako ng marahan at bigla na lang napayuko. Nanginginig ang mga labi ko kaya kinagat ko ‘yon habang palihim na sinisisi ang sarili ko sa pagkawala ng bagay na ‘yon. Ang tanga ko! Sana hindi ko na lang dinala, ayon tuloy nawala na! "Hey, it's okay. Don't cry," ani Zage at niyakap ako upang aluhin. Hindi ko namalayan na umiiyak na pala ako dahil do’n. Yumakap rin ako sa kanya at doon umiyak sa leeg niya na parang ba

