"Babalik ka bago mag Christmas Party?" tanong ko kay Zage habang kumakain kami. Tumango siya. "I'll be back in two days. Sabay na tayong pumunta sa school sa Monday, susunduin kita." Sa Monday na ang Christmas Party namin at excited na ako kasi malapit na ang Christmas Break. Ibig sabihin ay hindi ko na kailangang gumising ng umaga at maligo araw-araw kasi sa bahay lang naman ako tatambay. "Bakit ka nga pala uuwi?" tanong ko at napansin ko na natigilan siya. Uuwi kasi siya ngayon sa bahay nila kasi may kailangan daw siyang gawin. Dalawang araw siya do'n at makikita ko siya ulit sa Monday. "I... I need to talk with my Dad." Tumango ako at hindi na nagtanong. Syempre, Tatay niya 'yon! Ayaw ko nang makialam kasi nakakatakot. Baka pag-initan na naman ako ng Daddy niya at tuluyan na akong

