CHAPTER 88

1285 Words

Nang sumikat na ang araw, naglinis ako ng bahay at naglaba ng mga damit. Naglinis na rin ako ng kwarto ni Zage bago ako naligo at nagpaalam kay Nanay na aalis. "Pakikamusta na lang kami kay Emelie, 'nak. Pasensya na rin dahil hindi kami makakadalaw sa kanya," ani nanay habang nagtutupi ng mga damit. "Sige po. Mabilis lang naman po ako roon," sagot ko at lumabas na nang bahay. "Magandang Morning, Iry!" bati ni Kuya T at D nang makita nila ako. "Magandang Morning din po, mga Kuya!" Pinagbuksan ako ni Kuya Donny ng pinto bago siya dumeretso sa harap katabi ni Kuya Tonny. Sinabi ko sa kanila kung saan kami pupunta habang tine-text ko si Zage. 'Dadalaw ako kay Mommy. Morning!' Huminto sandali ang sasakyan sa isang tindahan. Bumili kami ng bulaklak at kandila na gagamitin ko mamaya. Malap

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD