Kinabukasan, maitim ang ilalim ng mga mata ko. Puyat ka ba naman? Kasalanan 'to ng unggoy na 'yon, e! Hays. Tinawagan at tinext ko na naman siya pero wala akong natanggap kahit isang reply. Maaga akong nag ayos ng sarili at tinawagan si Jason para mag pasama sa kanya doon sa tulay. "Ang weird niya talaga, bes. Hindi kaya may babae siya?" tanong ko habang nasa sasakyan kami. "Gaga. Isang araw ka lang namang hindi kinausap, may babae agad? Utak mo may plema." Inirapan niya ako. "E, kasi naman!" maktol ko. "Umuwi siya ‘di ba? Tapos ayaw sa akin ng Daddy niya kaya ipapakasal na lang siya sa iba." Hinila niya ang buhok ko. "Ilusyonada ka, girl. Hindi 'to libro o k-drama! Puwede ba, Iry." Napasabunot ako sa buhok ko dahil sa inis. "Bakit ba kasi siya weird? Hindi nagre-reply ng message at

