"Gago ka ba?" Ilang araw akong naghintay sa kanya rito tapos 'I'm breaking up with you' ang isasalubong niya sa 'kin? Sinong matutuwa? "Baka nakakalimutan mong girlfriend mo ako, Zage. Wala akong oras makipagbiruan sa ‘yo kaya umayos ka. Siguro naman may karapatan akong malaman kung saan ka galing, ‘di ba? Ni isang tawag wala akong natanggap sa loob ng isang linggo at kung ako naman ang tatawag walang sumasagot. Buti buhay ka. Akala ko kasi namatay ka na," sarkastiko kong sabi pero sobrang lakas ng t***k ng puso ko. Natatakot ako sa susunod naming pag-uusapan. Gusto ko siyang lapitan at sampalin dahil sa ginawa niya. Wala naman akong problema kung hindi ko siya kasama sa loob ng isang linggo pero sana naman kausapin niya ako! Hindi 'yung naghihintay ako dito sa bahay na wala man lang na

