"Kapalit-palit ba ako, Jason?" Napairap si Jason sa tanong ko at tinignan pa ako mula ulo hanggang paa. Siguro naloloka na siya sa mukha ko. Paano ma naman kasi para akong dinumog ng mga manok dahil sa magulo kong buhok. Siguro tinatanong na niya sa sarili niya kung nagsusuklay pa ba ako. "Sinabi bang pinalitan ka? Sabi nagsawa lang pero hindi ka naman pinalitan. Utak mo may plema,” aniya at hinila pa ang buhok ko pero agad ring ngumiwi kasi nga magulo. Sinisiraan na niya ako malamang sa utak niya at sinasabing pangit ang feslak ko. “Maligo ka naman, Iry Ley. Nakakahiya kang bakla ka. Ang laki ng bahay niyo at hindi mabilang kung ilan ang banyo pero ikaw na may-ari hindi magawang maligo. Sarap mong itulak sa lawa!” Sumimangot ako at napapadyak. Hindi ko pinansin ang huli niyang sinabi

