"Ngayon lang naman, e! Payagan mo na kasi ako, Dad. Christmas naman!" Hindi niya ako pinansin at patuloy lang siya sa pagbasa ng mga kung ano-ano sa laptop niya. Paskong-pasko tapos trabaho ang inaatupag. Kaya talaga siya yumayaman lalo, e. Lumubog kasi ang barko na naglalaman ng mga products ng kompanya kaya kailangan daw niyang magtrabaho. Pupunta sana kaming Laguna ngayon kaso hindi na yata matutuloy kasi busy naman siya. Hindi naman sa nagrereklamo ako. Naiintindihan ko naman. Kaya nga roon na lang muna ako kila Jason dahil pupuntahan namin si Pinky para mamasyal kaso ayaw naman nitong ama ko. Kung hindi lang sana kami nag-break ni Zage Claws 'nagsawa' Uzumaki, e ‘di sana nasa Palawan kami ngayon at nagsasaya! Punyetang plano, hanggang plano na lang. Drawing! Ayos naman dito sa ba

