"Mommy, hindi ka ba nagalit noong nalaman mo na may ibang anak si Daddy?" Nakaupo kami ni Mommy sa isang bench habang pinapanood si Asclepius na kumakain. Maliit pa lang si Asclepius at isang linggo pa lang siya rito simula noong niregalo siya sa akin ni Dad. My mother smiled at me and kissed my forehead. Kahit araw-araw ko siyang nakikita, hindi ko maiwasang humanga sa magandang mukha ng Nanay ko. Sabi ng mga taong nakakakita sa amin, manang-mana raw ako sa kanya kasi nakuha ko ang kulay ng balat niya, ang magandang buhok, ang magandang hugis ng labi at ang ilong. Habang kay Daddy ko naman nakuha ang mga mata ko at ang ugali. "Nagalit," sagot niya at hinaplos ng marahan ang buhok ko na nakalugay. "Hindi ko kasi inasahan na may babae pala ang Daddy mo noon bago kami ikasal." "Pero baki

