CHAPTER 06

2499 Words
“It's better to be late than never.” Hindi ko alam kung saang lupalot ng mundo nakuha nitong si Zage ang kakapalan ng mukha niya. Nagyayabang ata ‘to kasi bukod sa sikat siya sa buong campus ay kilala rin daw ang pamilya niya. Malakas ang loob niyang sumagot kasi alam niyang may sasalo sa kanya. Pero dapat hindi ko na ‘yon pinapakialaman kasi makapal rin naman ang mukha ko. Bumalik ang tingin ko kay Zage na naglalakad papunta sa upuan niya. Agad ko ring pinagsisihan ang ginawa ko kasi nagtama ang mga mata naming dalawa na ikinangisi niya at bigla na lang nilabas mula sa bulsa niya ang cellphone ko at winagayway sa ere. Napapikit ako sa hiya. Gusto kong mag laho at the same time gusto ko ring sakalin si Zage. Kasi kung may natitira pa siyang kabutihan sa katawan niya ay hindi niya papakialaman ang cellphone ko lalo na kung alam niya ang salitang privacy. Iniisip ko pa lang na nabasa niya ang text ni Mitch ay parang ayaw ko na siyang makita kahit kaylan. Hindi malabong tinignan niya ‘yon kasi sa pagkakaalam ko, isang damuhong pakialamero 'yang si Zage. "Show some respect, Uzumaki. Hindi porke malaki na ang ambag ng magulang mo sa paaralang ito ay hindi ka na magrerespeto sa guro mo,” seryosong saway ni Sir Kalvo kay Zage pero parang wala lang 'yon sa kanya. Nagkibit balikat lang siya “You and Barusa are just the same. Always late and always giving me headache,” dagdag pa ni Sir na ikinairap ko na lang habang ang iba naming mga kaklase ay binigyan na ‘yon ng meaning kasi pinangunahan ni Jason. Lalo ko tuloy naramdaman ang masamang tingin sa’kin ni Criza. Hindi ko alam sa babaeng ‘to pero kinarir na ata ang pagiging ulol niya kay Uzumaki. Ilang minuto ring lumaklak si Sir bago nag umpisang mag pakopya sa amin sa notebook. Kanina pa ako nagrereklamo kasi ang sakit na sa kamay. Limang pages na rin  kasi ng notebook ko ang nagamit dahil sa dami ng pinakopya at back to back pa. Idagdag pang mabilis akong magsulat kaya mabilis lang din sumakit ang daliri ko. Nakahinga na lang ako nang maluwag nang matapos ako kaya pinacheck ko na ‘yon kay Sir. Wala naman siyang reklamo sa sinulat ko kasi maganda naman at malinis ang hand writing ko. Babalik na sana ako sa inuupuan ko pero bigla siyang nagsalita kaya bumalik ang tingin ko sa kanya. "Gisingin mo si Uzumaki,” aniya at tinuro si Zage. Nilingon ko ‘yon at napailing ako nang makita kong natutulog pala ang loko. "Ako po ang kausap mo, Sir?" paninigurado ko. "May iba pa bang tao sa harapan ko bukod sa iyo?" "Sabi ko nga," bulong ko. "Pero bakit ako, Sir?" Tanong ko ulit. Pinahalata ko talaga sa boses ko ang disgust kasi ayaw ko naman talaga. Madami naman kasing estudyante sa loob ng classroom, e, bakit ako pa. Pambihira naman. "E, sa ikaw ang unang nakatapos. Wala ka namang gagawin kaya gisingin mo na si Uzumaki." Kinalma ko ang sarili ko. Ayaw kong mag wala sa inis. Kung ito lang naman ang makukuha ko sa pagiging mabilis mag sulat sana binagalan ko na lang para hindi ako mapag-utusan. Legit ang inis lalo na kung ganito’t ayaw kong kausap si Uzumaki. Nagpapadyan kong pinuntahan si Zage na natutulog at ginagawang unan ang braso niya na nakapatong sa lamesa niya. Napansin nina Minho ang pag lapit ko kaya nginitian ko siya at sumenyas na inutusan ako ni Sir na gisingin si Zage kaya tumango na lang sila at bumalik sa ginagawa. Mabuti pa ang mga kaibigan nya, nag eeffort mag aral. Siya kahit isang letra sa notebook wala talaga. Ni-wala nga siyang notebook sa lamesa o kahit ballpen man lang. Pumunta lang ata ito rito para matulog at mang-inis. Tumingin muna ako sa paligid baka kasi nakakaagaw kami ng atensyon at pagchichismisan na naman. Mukhang busy naman ang lahat sa pagsusulat at nasa likod naman ang upuan ni Zage kaya hindi nila napapansin na nandito na ako sa likod. Tumikhim muna ako para ihanda ang boses bago ko tinapik ang balikat niya pero hindi man lang siya gumalaw. Huminga ako ng malalim at tinawag siya. "Hoy, Baks." Sinundok-sundot ko ang braso niya na naging effective naman kasi narinig ko ang mahina niyang daing. "Hmmm." "Gumising ka,” utos ko. “Mahiya ka naman, hoy. Pare-pareho lang tayong estudyante rito kaya umakto ka rin ng tama. Alam mo bang may sinusulat tayo? Masyado kang pa V.I.P," naiinis kong bulong. Lalo pa akong nainis kasi ang haba nan ang sinabi ko pero wala man lang siyang reaksyon. Nakayuko lang siya at parang wala nang balak na sumagot. Aalis na sana ako dahil akala ko hindi na siya magigising pero nagulat ako nang bigla siyang nag angat ng tingin at deretso pa ang tingin sa mga mata ko. "Polka dots, huh?" Napaisip ako. Bakit pa ako nabuhay sa mundong ito kung mamatay rin naman ako sa kahihiyan ng mongoloid na Japanese na ‘to? Yawaaaaaaaa! Namula ang pisnge ko sa kahihiyan. Kasabay din no’n ang unti-unting paglabas ng inis sa buong katawan ko. My gosh! How dare him! How dare him open my freaking phone! Taray ‘di ba? Englishera pala ako kapag naiinis. Handa na sana akong singhalan siya pero hinarang niya sa labi ko ang isa niyang daliri. Para siyang may powers kasi nang ginawa niya ‘yon ay hindi talaga ako nakagalaw sa gulat kasi hindi ko rin naman inaasahan na gagawin niya ‘yon. Ipagpapasalamat ko ba ginawa niya ‘yon kasi kung hindi ay magkakagulo na naman kaming dalawa sa harapan ng mga kaklase namin? Ay, ewan! "Na ah. Hindi mo naman siguro gustong mapahiya rito ‘di ba, Basura?" tanong niya na may nakakalokong ngiti sa mga labi. Gusto ko siyang sakmalin dahil minurder na naman niya ang apelyedo ko. Ang saya niya pa! Hindi ko matatanggap ang ganito! Hindi pwedeng ako lang ang nagdurusa. “Mag-uusap tayo mamaya sa likod ng building na 'to," matigas kong sabi. Pinakalma ko muna ang sarili ko dahil ayaw ko siyang patulan dito. Ayaw kong mapahiya sa iba. Huminga ako ng malalim at bumalik sa upuan ko. Mapapahiya lang ako kung papatulan ko siya kaya tahimik lang akong nakaupo sa upuan ko hanggang sa matapos ang klase ni Sir Kalvo. Ilang segundo lang din ang lumipas ay pumasok na rin si Miss Gemola at pabagsak na nilagay sa teachers table ang dala niyang mga gamit. Ibig sabihin… "Beast Mode si Ma'am," bulong ni Jason. Tahimik lang kaming lahat hanggang sa magsalita ang gurong wala sa mood na nasa harapan namin. "I am so disappointed in you, my dear students. Ang baba ng scores ninyo sa quiz natin kahapon! Didn't I tell you last Friday to study your lesson because we will be having our long quiz on Monday? Tapos wala pa ako noong Lunes kaya nabigyan pa kayo ng isa pang araw para mag-aral pero binigyan ninyo lang ako ng--" binagsak niya ang mga papel sa lamesa, "--fifteen over one hundred, seventeen over one hundred, and thirteen over one hundred?" Napahilot si Miss Gemola sa sentido niya dahil sa frustration. Inutusan niya ang class president namin na si Lailane para i-distribute ang mga papel pagkalipas ng ilang minuto niyang pagdadalamhati sa scores namin na pumanaw. Nagsimula na ring mag reklamo ang iba nang makita ang scores nila. Kinabahan tuloy ako, lagot talaga ako nito sa magulang ko pag bumagsak ako. Baka ang subject na ‘to pa ang magiging dahilan para hindi ako maka-graduate. "Patingin nga ng sa’yo, Bes." Hinablot ni Jason ang papel ko na kakabigay palang ni Lailane at ikinumpara sa papel niya. Pinanliitan ko naman siya ng mga mata. Hindi ko pa nga nakita ang score ko, e! “Nakakahiya naman sa’yo,” sarkastiko kong sabi. Bigla siyang napanguso. “Sana talaga nag tiyaga na lang ako kahapon mag hintay sa’yo habang nagsos-solve. Ang baba tuloy ng score ko. Twenty-five over one hundred lang," ungot niya. “Deserve,” sagot ko at hinablot ang test paper ko mula sa kanya. Fifty-three over one hundred. "Miss Barusa got the highest score, Fifty-three over one hundred. Mataas ang score niya pero hindi pa rin pasado." Napatingin silang lahat sa akin. Hindi siguro nila akalain na ang isang katulad ko ay may utak din naman kahit papaano. "And... Mr. Uzumaki got the lowest. Thirteen over one hundred." Kay Zage naman ngayon napunta ang mga tingin na kanina ay nasa akin. Nagkibit balikat lang ang lalaki. Walang pakialam kung bagsak man siya o hindi. Malaking bagay na ata sa kanya na makapagsulat at makasagot kahit thirteen lang ang tumama. Achievement ng isang Uzumaki na pinsan ni Naruto. “Zage Claws Uzumaki always got the lowest score in my subject, hindi ko alam sa iba kung gano’n din ba but I assume that he can't easily understand my lesson.” Nag-iwas ako ng tingin nang bigla na lang lumingon si Miss Gemola sa akin at tinignan ako sa mga mata. “Iry, I want you to be Zages tutor since you are the one who’s always---" "T-teka, teka lang po," putol ko sa sasabihin pa ni Miss Gemola dahil pakiramdam ko mawaawalan ako ng malay sa sinasabi niya ano mang oras. Tutor?! Jusko! Sumenyas naman siyang ipatuloy ko ang sasabihin kaya nagsalita na ako. “Tutor po? Ako?” paninigurado ko kasi baka mali lang ako nang pagkakarinig kasi masyado kong iniisip si Zage simula kagabi. Tumango naman ang guro namin kaya para akong nalantang gulay na bumuga ng hangin. “Ma’am naman—jusko. Bakit po ako? E, aso't pusa po kami niyan, e," turo ko pa kay Zage. “Saka Ma'am, hindi ninyo po ba nakikitang tamad lang po siya mag-aral kaya mababa po ang scores niya? Hindi po 'yon dahil sa hindi niya naiintindihan ang lesson ninyo, sadyang tamad po siya." Ungot ko. E, sa ayaw kong turuan 'yang damuhong 'yan! Ayaw na ayaw ko ngang makita ang pagmumukha niya tapos itututor ko pa? Duh. Naiinis na talaga ako. Pakiramdam ko puro sama ng loob lang makukuha ngayong buong taon. "Miss, kung mag iinarte lang naman si Iry why don't you choose me to be Zage's tutor na lang?" maarteng sabat ni Criza habang iniikot ang buhok niya sad ulo ng kanyang daliri. "Yeah," sang ayon ng mga alipores niya. Napairap ako. “For your information, hindi ako nag iinarte. Nakakahiya naman sa’yo,” pagtataray ko. “Oh, hindi ba talaga? If I know nagpapakipot ka lang para masabing hindi easy to get.” “Ay punyet*. Pigilan mo ako, Jason, napupuno na’ko sa pangit na babaeng ‘yan,” mahina kong sabi na tanging si Jason lang at ang ibang katabi namin ang nakarinig. “Abangan sa gate ‘yan mamaya,” sagot naman ng magaling kung kaibigan. "Quiet, both of you," saway ni Miss Gemola. “Ayaw ko ng tutor,” biglang pag salita ni Zage. “I don’t need one.” “Ako ang magde-decide. Makinig ka na lang dahil para naman ito sa ikakabuti ng grades mo,” matigas na sabi ng teacher namin na masama ang tingin kay Zage. Natahimik naman ang damuho at wala na ring sumabat sa amin kasi baka kapag lalo pa siyang nagalit ay bigla na lang kaming mag lo-long quiz. “Si Iry ang gusto kong mag tutor kay Zage kasi mas may alam siya, Criza. Gusto kong ipaalala sa’yo na isa ka rin sa mababa ang score kaya unahin mo ang sarili mo at hindi ang ibang tao.” Nakita ko sa gilid g mga mata ko ang mukha ng mga kaklase namin na parang natatawa. Pinipigilan lang nila sa takot na baka mahuli ni Ma’am at mas lalo itong magalit at mag buga ng apoy. Itinago pa ni Jason ang mukha niya sa loob ng bag ko para hindi makita ang ngisi niya. Napailing na lang ako. Hindi ako natutuwa! Kahit mababa ang nakuha naming scores, nirecord pa rin 'yon ni Ma’am. Nalaman ko ring pangalawa sa nakakuha ng mataas na score si Minho kaya natuwa ako kahit papaano. Feeling ko tuloy meant to be kami. Nang matapos ang klase, nag paalam ako kay Jason na pupunta muna ako sa likod ng building at mauna na siya sa cafeteria. Nagtaka siya kaya sinabi ko sa kanya na mag uusap kami ni Zage kaya bigla siyang tumili. "Para kayong mag jowa na patagong nagkikita dahil ayaw ninyong may makaalam ng relasyon ninyo," nakangisi niyang sabi. "Ha-ha. Tigilan mo ako,” walang emosyon kong sabi. “Napaka-arte mo rin. Sinusubo na sa’yo ang grasya tinatanggihan mo pa.” “Sinusubo pinagsasabi mo?” “Teh! Kung sa akin lang in-offer ang pagiging tutor ni Fafa Zage baka ako na ang pinakamasayang nilalang sa mundo ngayon! Sa dinamirami naming nag-aabang sa pila talagang ikaw pang hindi nakapila ang napili. Nakakaloka ka. May favoritism ata si Lord. Anak niya rin naman ako pero hindi pa sa akin binigay ang grasya,” rant niya at hinawi pa ang kanyang imaginary bangs. “Grasya ba ‘yon? Kamalasan siguro puwede pa,” sagot ko at umirap. “Hindi na talaga ako natutuwa.” “Nararamdaman ko na ang galit mo sa mundo. Sige na nga, pumunta ka na doon sa loveydabs mo para kayo ay makapag loving loving." Tinignan ko siya ng masama at tinutukan ng hawak kong signing pen. "Isaksak ko kaya ‘to sa ngala-ngala mo? Ano sa tingin mo, Jason?” Hindi na siya nagsalita pa at humarurot na lang nang takbo paalis sa harapan ko. Bumuga ako ng hangin at ginulo ang buhok ko sa sobrang bad trip ko ngayong araw. Hindi ba naisip ni Ma’am na matalino naman si Minho at bakit hindi na lang niya roon ipa-tutor si Zage? Higit sa lahat ay magkaibigan sila. Bakit ako pa, e, minsan lang naman ako tumatalino. Lakad takbo ang peg ko hanggang sa makarating ako sa likod ng building kung saan ko unang nakita si Zage at kung saan niya ako unang hinalikan. Oo, hindi ko ‘yon makakalimutan. Pinapangako ko sa sarili kong dadalhin ko hanggang sa kabilang buhay ang sama ng loob na ito. Umiling ako at tumingin sa paligid. “Walang hiya talaga 'yong kalaking 'yon, paghihintayin niya pa ako?" Pabagsak akong umupo sa bench na nasa ilalim ng puno. Hindi naman ako nabagot sa pag hintay dahil sa mga bulaklak sa paligid. Minsan lang may pumupunta rito kaya hindi marumi ang paligid at mukhang naaalagaan ng gardener. Tumingin ako sa relo ko. Nainis ako dahil 20 minutes na pala akong naghihintay at 10 minutes na lang mag uumpisa na ang susunod na klase. Napapikit ako sa inis. Nagugutom na ako! Wala atang plano magpakita ang lalaking ‘yon. Subukan niya lang talaga. Marami pa namang bato akong nakikita ngayon, baka ito ang gawin kong pandurog sa cellphone niya. "Tapos ka na bang patayin ako sa utak mo?"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD