Minulat ko ang mga mata ko at nakita ko si Zage na naglalakad papunta sa gawi ko. Tumayo ako at hinarap siya.
“Wow, sa wakas. Mabuti’t naisipan mo pang pumunta, ano?” sarkasriko kong sabi.
“Muntikan nang hindi,” walang gana niyang sagot kaya mas lalo akong nakaramdam ng inis.
Tinapunan ko siya ng maliit na sanga ng puno na kanina ko pa hawak-hawak at pinaglalaruan. Hindi naman siya nag-react kasi hindi naman masakit ‘yon.
"Akin na ang cellphone ko." Nilahad ko ang palad ko sa harapan niya. Gusto ko nang umalis dito dahil nasasakal ako sa presensya niya at bago ko pa siya hambalusin sa inis.
“Nagmamadali? Give mine first,” aniya na may ngisi sa mga labi. Nag uumpisa na naman siyang asarin ako. Buwesit.
“Huwag ka ngang ngumisi,” naasar kong sabi.
“Who are you to tell me what to do?”
“And who are you para pakialaman ang cellphone ko?!”
“As far as I can remember, hindi ko kasalanan na napunta ‘to sa akin,” sagot niya at umupo sa bench habang pinapaikot sa daliri niya ang cellphone ko na parang bola ng basketball.
Pag 'yan talaga nahulog humanda siya sa'kin. Malala.
“Aba kahit na. Napansin mo naman siguro na hindi sa’yo pero binasa—” Napapikit ako. “—binasa mo pa rin.”
“By mistake,” pagtatama niya pa. “And it’s not my fault kung bakit ang cellphone mo ang hawak ko.”
"E, kasi nga, nagkapalit tayo ng cellphone kahapon sa klase ni Miss Gemola."
"Kinuha mo ang cellphone ko?"
I frowned. “Hindi ba kasasabi ko lang na nagkapalit nga? Bingi?! Bingi?!”
“Just stating the possibilities,” sagot niya na parang ikinatalino naman niya ang ganoong pag sagot. Naiirita lang ako lalo sa kanya.
“Kaya nga rin sinasabi ko na mali ka.”
“Gaya-gaya ka kasi ng brand ng cellphone.”
Tumaas ang kilay ko. "Feelengero!"
"Gwapo ako."
"Ambisyoso!"
"Gwa-po."
"Nangunguha ng hindi niya cellphone!"
"It’s you. Ikaw naunang lumabas kahapon sa ating dalawa, ‘di ba? E, di ikaw din ang unang kumuha sa’tin ng cellphone sa lamesa ni Maam,” bored niyang sagot at sumandal sa bench na inuupuan niya. “You even ‘bleh’ on me.”
"Mukha ka ba namang asong ulol kung makatitig ka sa papel mo."
"At least hindi ako ‘yong asong puminit ng panty mo."
Natahimik ako sandal at napamura sa utak ko. Puwede namang hindi na niya ‘yon banggitin pero ginawa niya pa rin. Ikamamatay ko talaga ng maaga ang highblood.
"Ang bastos ng bunganga mo!"
"Binuntis ka ba?"
"Ano?" naguguluhan kong tanong.
"Sabi mo bastos ang bunganga ko. Bakit, binuntis ka ba?" pang-aasar niya. Umawang ang labi ko dahil sa sinabi niya. Akma ko na siyang susuntukin pero bigla niyang hinarang ang kamay niya sa pagitan naming dalawa.
"Easy, Basura---"
"BARUSA kung ayaw mong sakalin kita," pagtatama ko at pinandilatan siya ng mga mata.
"Yeah right, Barusa. ‘Wag mo lang akong sipain o suntukin kung ayaw mong madagdagan ang atraso mo sakin," aniya.
Tumaas na naman ang kilay ko. "Ano namang atraso ko sa’yo? Ikaw nga itong nangingialam ng cellphone ng iba, e!"
"Kasalanan ko bang hindi mo nilagyan ng password ang cellphone mo? Stupid."
"Hindi ako stupid! Tamad lang!" Sinubukan kong hablutin ang cellphone ko pero tinago niya 'yon sa likod niya kaya hindi ko na inabot dahil tumatama ang hininga niya sa tainga ko. Ang awkward no’n.
“Oh ‘bat sa’kin ka mas galit ngayon? Hindi ba dapat sa sarili mo kasi katamaran mo naman ang dahilan kaya kinain ng aso ang panty mo
"G*go, hindi niya 'yon kinain, pinunit lang," pagtatama ko. "At puwede ba, tigilan mo na 'yong panty ko! Alam mo bang nakakahiya!?"
Tumawa siya bigla at parang pumalakpak ang mga halaman at ibon sa paligid dahil nagustuhan nila ang nangyayari. Tumikhim ako. Hindi ko na lang din itatanggi na gwapo naman talaga siya habang tumatawa. Ilang segundo akong natulala sa pagtawa niya pero umiwas agad ako ng tingin.
"Fine, I'll stop. Now, give me back my phone," aniya at sinubukang hablutin ang cellphone niya na nasa kamay ko pero tinaas ko ang kamay ko para hindi niya maabot since nakaupo siya.
Umatras ako palayo sa kanya nang tumayo siya at sinundan ako. Paatras akong naglalakad habang nakataas ang kamay na may hawak ng cellphone niya kaya hindi ko namalayan na may malaking ugat palang nakaharang sa likod ng paanan ko.
Sa sobrang gulat ay nanlaki ang mga mata ko nang dahan-dahan akong nawalan ng balanse na naging dahilan kaya natapon ko ang cellphone ni Zage sa ere. Nakita ko pa siyang tumatakbo palapit sa akin kaya napangiti ako.
Sasalohin ka niya, Iry. Sabi ng utak ko.
Napapikit ako dahil gusto kung ma-feel na saluin ng lalaki habang slow motion na natutumba katulad nang nakikita ko sa Korean drama. Pero ilang sigundo ang lumipas ay wala akong maramdamang kamay na humawak sa baywang ko o sa dulo lang man ng daliri ko hanggang sa naramdaman ko na lang na bumagsak ako sa lupa. Una pwet.
"Aray!"
Gusto kong maiyak dahil sa sakit. Parang nabali ata ang buto ko?!
"Ayos ka lang?" tanong ni Zage na nakatayo sa harapan ko. Inangat ko ang ulo ko para tignan siya ng masama.
"Sa tingin mo?! Maayos ba ako?! Bakit hindi mo ako sinalo?!" naiiyak kong sigaw habang hinihimas ang sumasakit kong puwetan. Punyet*, para akong pinalo ni Nanay.
"I didn't know. I just want to save my phone." Winagayway niya ang cellphone niya na lalong nagpadagdag sa inis ko.
Anak ng tinapa naman. Hindi ko alam kung papatayin ko ba ang lalaking ito o ililibing na lang siya ng buhay. Talagang inuna pa niya ang cellphone kaysa sa akin? Hah! Sino ba naman ako para iligtas ng lalaking ‘to. Kung siya lang din naman ang matutumba nunkang sasaluhin ko siya?! Ano siya gold?!
"Buwesit,” bulong ko.
Nag tsked siya at bumulong ng 'stupid' bago ako inalalayan tumayo at pinaupo sa bench. Tutulong na nga lang manlalait pa!
"Okay ka na ba?" walang gana niyang tanong.
"Wala kang karapatang malaman,” naiirita kong sagot. “Kasalanan mo to, e! Una, pinaghintay mo ako rito ng bente minutos kaya hindi na ako nakapag recess at gutom na gutom ako ngayon dahil sa’yo. At kasalanan mo rin kung bakit ang sakit ng pwet at paa ko, inuna mo pa ang cellphone mo!"
“FYI, mahal ang cellphone—”
“Tao ako! Bagay lang ‘yan!”
"Stop shouting. Bakit ka ba nagagalit? Kasalanan ko ba kung tanga ka? Atras ka ng atras, e, alam mo namang may sanga ro’n---"
"Hindi ko alam," nakataas kilay kong pagtatama.
"Whatever."
Umarte naman akong hinihilot ang ankle ko na sumasakt tapos ang isa kung kamay hinihimas ang tyan ko na parang nagugutom. Hindi naman ito literal na arte kasi totoo namang masakit talaga at nagugutom na talaga ako.
Mission: Pakonsensyahin si Zage.
"Nagugutom na ako. Hindi pa naman ako kumain kaninang umaga," bulong ko pero sinigurado kong maririnig niya 'yon. "Hindi rin ako makakalakad ng maayos papuntang Cafeteria."
Hindi ako sigurado sa ginagawa ko kasi alam kong walang kwenta itong si Zage pero baka lang naman mayroon siyang magandang ugali sa katawan kahit papaano at matulungan ako. Ilang segundo ang lumipas, narinig ko ang buntong hininga niya kaya lihim akong napangiti.
"What food do you want? Bibili ako sa Cafeteria."
Hindi ko alam kung ngingiti ako o ano kasi isa lang ang ibig sabihin no’n. Dahan-dahan akong nag angat ng tingin sa kanya. MISSION ACCOMPLISHED!
"Bilhan mo ako ng softdrink, nauuhaw ako," nakangisi kong sagot.
"Coke or lemon?" tanong niya.
Nag-isip ako sandal bago sumagot. "Coke.”
"Diet o Regular?" tanong niya ulit.
"Regular," sagot ko ulit.
"Bote o Can?"
Kumunot ang noo ko. "Bote malamang, bawal na ang can dito sa school ngayon kasi kung saan saan lang tinatapon ng mga estudyante ‘di ba?"
Tumawa lang siya. Inaasar niya ba ako? Dahil kung oo, naasar na nga ako!
"8 oz o letro?"
"Baliw ka ba? Walang letro dito. Tubig na nga lang!" naiinis kong sabi. Isa sa mission ko ang painisin siya pero baliktad naman ang nangyayari. Ano ba naman ‘to.
"Natural or Mineral?"
"Mineral."
"Malamig o Hindi?"
Seryoso? Saan niya ba nakuha ang mga kabaliwang 'to?
Sinamaan ko siya ng tingin. "Naiinis na talaga ako sa’yo Zage Claws. Hampasin kaya kita ng walis?"
"Tambo o Tingting?"
Binato ko siya ng sanga. "Hayop ka talaga!"
"Baka o Baboy?"
"Unggoy! Lumayas ka na nga!" Pagtataboy ko sa kanya pero hindi lang man siya gumalaw at nanatiling nakangisi at nagpipigil nang tawa habang nakatingin sa mukha kong namumula na sa galit.
"Ngayon na o Bukas pa?"
"O, sige try mong umuwi bukas at ‘wag kang aalis dito," sarkastiko kong sabi. "Malamang ngayon na!"
"Ihahatid mo 'ko o hindi?"
Napapikit ako sa inis. Kaunti na lang talaga, pagsisisihan niya talaga 'tong ginagawa niya sa’kin.
"Kita mong masakit ang paa ko, ‘di ba? Barilin kaya kita?!"
"Sa ulo o sa tyan?"
Last nalang, lagot ka talaga.
"PESTE!"
"Ipis o daga?"
Nandilim ang paningin ko. Mabilis akong tumayo at kahit masakit ang paa ko, sinipa ko ang bagay na nasa gitna ng hita niya.
"F---f*ck! Oh---sh*t." Hindi maipinta ang mukha niya dahil namimilipit siya sa sakit. Sapong-sapo niya pa ang 'bagay na 'yon' habang nagmumura ng walang katapusan.
Deserve!
Hindi na ako nagpaligoy-ligoy pa at hinablot ko ang cellphone ko na nasa bulsa ng uniform niya at kahit masakit sa paa, tumakbo ako palayo at iniwan siyang namimilipit sa sakit sa likod ng building kung saan nag-umpisa ang lahat.