"Get one and pass," huling sabi ng proctor namin bago tumahimik ang paligid dahil nagsimula na silang sagutin ang exam papers. Ako naman ay sandaling nagdasal pagkatapos ay tumingin rin ako kay Zage. Nagtama ang mga mata namin kaya tinaas ko ang kamay kong nakakuyom na parang sinasabi sa kanya na 'FIGHTING!' Inirapan niya lang ako kaya hindi ko mapigilan ang pag ungos. Walang hiyang lalaki 'to. Nagpuyat ako para turuan siya tapos iirapan niya lang ako? Nagsulat na ako ng pangalan at sinimulan na ang pagsagot ng mga tanong sa test paper ko. Hindi naman mahirap pero may ibang nakakalito at ang iba naman hindi ko matandaan na tinuro sa ‘min ni Ma’am. Siguro absent lang ako o lumilipad ang utak noong ni-lesson ‘to. Hindi rin nagtagal ay narating ko na ang huling bahagi ng test paper. Unan

