"Isang exam pa lang suko ka na? Tsk, tsk." Ilang beses akong nailing habang nakatingin kay Zage na parang lantang gulay at nakatulala pero agad rin siyang tumingin sa akin nang marinig ang sinabi ko. "What do you mean? Mayroon pa?" gulat niyang tanong. Napairap ako. "Anong tingin mo, isang subject lang mayroon tayo? Malamang mayroon pa!" "Anong klaseng eskwelahan 'to? Bakit ang daming exam?" hindi makapaniwala niyang tanong. Ako? Napanganga na lang ako. Hindi ba siya aware na marami naman talaga ang ini-exam? "Anong klaseng estudtante ka? Bakit wala kang alam?" hindi makapaniwalang tanong ko pabalik sa kanya pero nag-iwas lang siya ng tingin. Anong klaseng eskwelahan daw 'to, e, siya naman ang mas matagal nang nag-aaral dito at hindi ako. Siraulo talaga. Parang first time niya mag-exa

