CHAPTER 48

1100 Words

"Ngayon na lalabas ang result ng exam ‘di ba?" tanong sa ‘kin ni Zage sa huling araw ng exam namin. Tumango ako. "Oo mamaya. Sasabihin na ang scores." Tumango siya. Na-sense ko na kinakabahan siya kasi parang hindi siya mapakali at gumagalaw pa ang panga. "Sa tingin mo makakapasa ako?" wala sa sarili niyang tanong. Nagkibit balikat ako. "Malay ko ba, e, hindi ko naman alam ang sinagot mo do’n sa papel mo." Umirap na lang siya at hindi na ako pinansin. Lumabas na siya ng cafeteria at sumunod naman ako matapos kong magpaalam kay Pinky na tinutukso na naman ako sa unggoy na ‘to. Nang makabalik na ako sa room, agad kong napansin ang pag-irap sa ‘kin ni Criza dahil siguro alam niyang magkasunod lang kami ni Zage galing sa labas. Bahala siyang mainis, wala naman akong ginagawa sa kanya. L

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD