Lumipas ang ilang linggo at ngayon birthday na ni Minho! Okay, hindi naman ako masyadong excited kasi sinabi sa akin ni Jason na hindi siya makakasama at ganoon din si Pinky. May family reunion kasi ang bakla tapos kailangan naman ni Pinky na bantayan ang kapatid niya sa hospital. Good thing is nandito pa rin si Jherlyn at sasama siya para raw hindi lang ako ang isang babae. Sabi kasi ni Larry sa akin na sa isang resort daw kami pupunta at doon gagawin ang birthday celebration ni Minho. Mga kaibigan lang niya ang pupunta kasi nasa Korea ang parents niya at minsan lang ito kung umuwi sa Pilipinas. "Nasa labas na ang van," anunsyo ni Zage at nauna nang lumabas bitbit ang bag niyang naglalaman ng gamit niya. Isang araw at isang gabi kasi kami roon kaya nagdala na ako ng maleta. Charot. Isang

