Umangat ulit ang ulo niya at nagkasalubong ang mga mata namin. Wala na siyang eye glasses ngayon at hindi na siya mukhang nerd. Sobrang layo ng ayos niya ngayon sa palagi naming nakikitang ayos niya at hindi ko mapigilang mapanganga at matulala sa kanya. Sobrang layo na niya sa Jherlyn na nakilala ko noon. ‘Yong Jherlyn na tinulungan ko kasi binu-bully ni Criza ay hindi na siya. Suot niya pa lang ngayon ay masasabi ko nang isa siyang matapang na babae na walang sinasanto. 'Yong mga mata niya na nakakatakot tignan. Kaya pala noong una niyang tinaanggal ang salamin niya sa contest noong Intrams ay may naramdaman akong kakaiba. Kakaiba nga siya dahil isa siyang agent. Halos hindi ko siya magawang tignan noon kasi nakakaramdam ako ng takot kapag wala ang salamin niya. "Ikaw 'yung sinasabi ni

