Pumasok ako sa kotse at nagsuot ng seatbelt habang ginigising si Jherlyn na nasa driver's seat. Siya kasi ang nagmaneho kanina kaya siya nando’n. Hindi naman siguro gano’n kalalim ang tulog niya. "Uuwi na tayo? Ang aga pa, ah?" nagtataka niyang tanong habang sinusuklay ang buhok niya gamit ang mga daliri niya. "Iuwi mo na ako, Jhe," bulong ko na lang. Hindi ko pa alam kung narinig niya 'yon kasi halos pabulong na lang ang boses ko. Napansin ko na kinakatok ni Zage ang bintana pero hindi ko siya nilingon. Nakatulala lang ako sa harap at pakiramdam ko nawalan ako ng lakas. Nakuha na rin siguro ni Jherlyn ang gusto ko kaya pinaandar niya ang sasakyan paalis sa harap ng The Eve. Tahimik lang kaming dalawa habang nagmamaneho siya. Napapatingin siya sa akin minsan pero hindi na diya nag-abal

