"A-aray, ang hapdi," reklamo ko at napapikit nang mariin dahil sa hapdi na nararamdaman. "Okay, dadahan-dahanin ko," aniya. "Mahapdi pa rin! Kalahati lang kasi ipasok mo! Bakit kasi ang laki?!" Hinampas ko ang braso niya. "Walang maliit." "Hindi ba madulas?" "Madulas kaya nga ang hirap ipasok." "Tanggalin mo muna tapos ipasok mo ulit!" suggest ko. "Mahirap nga, baliw." Sinamaan ko siya ng tingin pero agad rin akong napapikit nang humapdi na naman. "Matigas ba?" tanong ko sa kanya. "Sobrang tigas." "Pag talaga ako namatay, mumultohin talaga kita," banta ko sa kanya. "You will not die, stupid girlfriend," sagot niya at bigla na lang sinagad ang pag pasok ng karayom sa balat at kuko ko. "Aray, ah!” "Ang OA mo lang," sabat niya at inirapan ako. Sumimangot ako at tinignan ang bal

