"Ilugar niyo naman ‘yang paglalandian niyo, mahiya naman kayo. Respeto naman sa mga single!" sigaw ni Kevin isang hapon habang nasa field kami. P.E namin ngayon at pinaglaro kami ng badminton sa mainit na field. Tudo reklamo tuloy ang mga kaklase kong takot umitim. Ako naman ay namumula na dahil maputi ang balat ko at bawal pa kaming sumilong kahit hindi pa kami ang maglalaro. Kaloka. "Hindi kami naglalandian." Inirapan ko si Kevin. Inaayos lang naman ni Zage ang panyo sa likod ko at ang pagkakaipit ng buhok ko. "Jowain mo na kasi ako Fafa Kev," ani Jason at hinaplos pa ang balikat ni Kevin na agad rin namang lumayo at nagtago sa likod ni Minho. "Rape! Virgin pa ako!" Natawa kami sa sigaw niya. Ang iba naming kaklase nakatingin sa amin ng masama. Hindi pa sila nasanay na lagi naman na

