Itim. Itim na kwarto. 'Yon ang una kong nakita nang idilat ko ang mga mata ko. Akala ko nasa langit na ako pero hindi naman itim ang langit. ‘Wag naman sana 'to maging impyerno. Ayaw ko pang mamatay! Gusto ko pang magkaroon ng asawa’t mga anak! Pinikit ko sandali ang mga mata ko bago binuksan ulit para mawala ang pagiging blur no’n. Hindi naman ako nabigo dahil mas nakita ko na ng maayos kung nasaan ako ngayon. Malaking bahay pero madilim. Nasa gitna ako ng sala at naka-upo sa mamahaling couch at ang ilaw lang na nanggagaling sa chandelier ang nagbibigay liwanag sa paligid. Dim pa ang light no'n kaya medyo natatakot ako. "Pakawalan niyo ako! Tanggalin niyo ang tali sa kamay—ay wala palang tali. Swerte ko naman." Bakit ba ako nandito? Kidnap for ransom? Hindi naman ako mayaman at isang

