CHAPTER 99

1878 Words

"You look panget, Athena." Napasimangot ako sa sinabi ni Pyr at binato siya ng unan. Hindi ako nagsalita at humiga ulit sa kama ko para ipikit na naman ang mga mata. Tanghali na at antok na antok pa rin ako pero ito siya ngayon at pinipilit akong bumangon. Ayan na naman ang conyo niyang pananalita na akala mo hindi sa Pilipinas ipinanganak. Minsan mas naiintindihan ko pa kung magko-korean na lang siya. "Athena!" saway niya sa akin nang makitang nakapikit na naman ako. "Tanghali na and hindi ka pa rin kumakain simula kagabi!" "Wala akong gana," mahina kong sagot. Totoo naman kasi. Hindi talaga ako nakakaramdam ng gutom at pagod lang ang nararamdaman ng katawan ko ngayon. Ramdam ko rin ang pagmaga ng mga mata ko dahil sa kaiiyak. "Hindi ka ba talaga makikinig sa 'kin?" seryoso ang boses

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD