Napahinto siya sa paglalakad at gulat na tumingin sa akin dahil sa sinagot ko. Hindi ko tuloy napigilang matawa dahil sa reaksyon niya. "Charot lang! Gusto ko maging artist, kung hindi papalarin star na lang!" Pinitik niya ang noo ko. "Why do you keep on mentioning that word, sexy babe? Nanunood ka 'no?" Sinapak ko siya agad. "Idadamay mo pa ako sa bagay na ikaw ang gumagawa, e.” Nandidiri nga ako kapag nakakita ng mag jowang naghahalikan tapos sasabihin niya pang nanunood ako?! Ewan ko ba, pero kapag kami naman ang naghahalikan tuwang-tuwa ako. Ack! "Binabalik mo na naman 'yan, Iry Ley!" naiinis niyang sabi kaya tumakbo ako dahil alam kong kukurutin niya ang pisngi ko. Binati ko si Kuya Tonny bago ako pumasok sa gate. Iniwan ko na si Zage kaya mag-isa akong naglakad papunta sa buildi

