"Sino’ng sumigaw?" natatarantang tanong ni Jherlyn na kagagaling lang sa banyo at nakapagbihis na. "’Y-yong kapatid ni Zage, pumasok," nauutal na sagot ko sa kanya. Bumalik naman si Zafhire at nahihiyang ngumiti matapos isara ang pintuan. "Ate, sorry. Sumunod pala sa akin si Kuya, tuloy nakita ka niyang naka-bra lang. Pero sabi naman niya wala lang ‘yon sa kanya kasi p-parang wala lang naman daw siyang nakita." Umikot ang mga mata ko. Alam ko ang nais iparating na Uzumonkey na ‘yon. Pinapamukha talaga sa akin, e! "Ang sarap sampalin niyang Kuya mo. Buwesit," inis na sabi ko habang nagbibihis sa harap nila. "I know right. Free to punch and kick his ass, Ate," sagot ni Zafhire at humagikhik. Bago kami lumabas ay sinabi niyang doon din siya raw pala siya matutulog sa kwarto na tinutuluy

