Anong selosa? Sino? Ako? Bakit? Gold ba siya? Duh! Bakit naman ako magseselos sa kanila? Walang kaselos-selos sa mukha ni Criza, uy! Ano bang mayroon siya? Hindi ako katulad niya na may ginagawa sa CR ng school. Isa rin itong si Zage Claws Uzumaki. Nagtataka tuloy ako kung malandi rin ba si Naruto at baka do’n nagmana si Zage sa kanya. Kumukulo ang dugo ko dahil sa kanilang dalawa. Sama ng loob ata makukuha ko rito, e. Sinipa ko ang tsinelas na nakita ko malapit sa dagat. Sorry na lang sa may-ari pero badtrip lang talaga ako ngayon. Hindi ako nag seselos, ah. Dzuh. Nagsinungaling ako kanina no’ng sinabi kong may kukunin ako sa loob para lang maka-alis ako do’n. Hindi naman siguro nila ako hahanapin kaya maglalakad na lang muna ako sa kung saan kahit masakit sa balat ang init ng sikat ng

