"Anong ginagawa n’yo rito?" tanong ko nang makalapit si Zage at Zafhire. "Nilalayo ko si Kuya, nilalapa siya ng aso do’n sa cottage, e," sagot ni Zafhire na may kasabay pang galaw sa ulo na parang naiinis siya. Nilalapa ng aso? Si Criza ba ang ibig niyang sabihin? Natawa ako. "Gano’n? Baka may rabis na ‘yang Kuya mo," natatawang sabi ko kaya tuloy sinamaan ako ng tingin ni Zage. Tinaasan ko naman siya ng kilay. Anong akala niya matatakot ako? Nihindi na nga ako nahihiya kahit nakita niya akong naka-bra, e. Balat ko lang naman ang nakita niya at isa pa ay hindi ko sinadyang ipakita sa kanya ‘yon. "Wala akong rabis kasi hindi naman siya aso," ani Zage na sabay naming ikinairap ni Zafhire. "Don't tell me that you like that girl, Kuya? Mukha siyang goat na half aso at half horse," nandid

