Chapter 1

1383 Words
Maria Athena Bad trip akong umuwi sa bahay.Padabog kong pang ihinagis ang school bag ko sa sofa at parang palakang humiga doon.Isang beses ko pang binuksan ang Yoomessage ko kung nag message man lang ba ito.Pero sa huli ay binalot pa rin ako ng lungkot. “Tss, wala man lang message.” Sa bagay sino ba ako para imessage nya? eh halos puro message ko nga lang ang nandidito.Panay lang seen niya.Never naman nag reply.Padapa kong pinag papadyak ang paa ko sa inis at inulubog ang mukha sa throw pillow.Ngunit agad ding inangat ang ulo na may kakaibang ngiti sa mga labi.Kapag naaalala ko kase na kinuha niya yung ice coffee na dala ko ay di ko maiwasang kiligin.Yun kase ang first time na tinanggap niya ang pagkaing binigay ko sa dami ng araw na nag offer ako sa kanya ng kung ano ano. “Ahhh.. Athena don't worry.That's a big progress.Pero teka, baka naman nauuhaw lang siya Athena? ay hindi.Nauuhaw man siya o hindi.Ang importante, tinanggap niya ang alok ko. Kung kanina ay nag papadyak ako sa inis.Iba naman ngayon.Dahil kiligness ang nag uumapaw sa aking precious body.Muling napa-angat ang aking ulo nang may kakaibang ngiti.Dampi sa labi ang isang daliri, napapaisip kung ano kaya ang susunod na ioofer ko sa kanya. “Baby red, what would you like to drink? cofee tea or me?” Tila isa akong uod na binudburan ng asin sa kilig. Kakatapos lang ng aming klase.Kaya inabangan ko kagad sina mama at papa para sabay na makapasok sa university na pinapasukan nina Red.Sa amin kase nakakontrata ang mga fried chicken na itinitinda sa loob ng cafeteria kaya malaya akong nakakapasok sa loob. “Oh saan ka pupuntang bata ka? dito ang daan papuntang cafeteria.” Sigaw ni nanay. “Mauna na po kayo nay.Dadaanan ko lang ang kaibagan ko.Uuwi rin ako mamaya.” Sigaw ko sabay kaway ng kamay at mabilis na tumakbo.Nakangiti kong pinagmamasdan ang pastry na binili ko sa isang shop.Yayain ko siyang mag miryenda kasama ko.Hindi maalis ang ngiti ko sa aking mga labi habang nag lalakad patungo sa class room ni Red.Nasa huling year na sya ng college samantalang ako ay nasa unang year pa lang ng college.Red is twenty two years old habang ako naman ay seventeen years old.Wala namang problema kung four years ang agwat saken ng future husband ko.Eh si pauline Luna nga at Vic sotto thirty years ata ang agwat.Huy assuming! Bigla akong napahinto sa pag lalakad.Agad hinanap ang pinang gagalingan ng ingay.Napakamot ako sa aking ulo.Ayoko naman sanang mangealam kaso parang di naman tama na pagkaisahan nila tao na wala namang kalaban laban.Agad kong inilapag ang paper bag na may lamang pastry. “Hay, dapat kay baby red to eh.Di bale, ooferan ko na lang siya ng water.” Agad kong tinanggal ang plastic na nakabalot sa straw.May pagmamadali ko iyong itinusok sa takip na plastic ng milk tea.Hinigop ko ito at sinigurong mapupuno ng tapioca pearl ang bibig ko.Saka ako yumuko sa likod ng halamanan at nag focus sa target.unang ihip ko sa straw ay sapul ang pag mumukha ng babaeng maarte. “Oh my Gosh ewww! what the heck is this?.. Bago pa ako nito makita ay sunod sunod ko ng pinatamaan ng tapioca pearl ang maarteng babae at ang mga alipores nito.Tawang tawa ako nang halos di nila malaman kung saan sila pupunta.Yung babaeng nakaluhod na kanina pa nila binubully ay nakatingin sakin ngayon.Kinindatan ko ito bilang pag bati.Muli kong sinubo ang straw.Pero natigilan ako ng wala ng lumabas na pearl don.Wala na pa lang laman ang bibig ko.Kaya muli kong ipinasok sa milk tea ang straw at humigop.Pero laking pag tataka ko ng wala na akong mahigop na tapioca pearl.Nang tignan ko ito ubos na pala.Wala na akong nakita mga itim kahit na ilang ulit ko itong halu-haluin. “Hay ubos na? ano ba yan.Sabi ko kay ate damihan yung pearl eh.A-a-aray ano ba?” “So it's you pala ha? ang kapal mo naman para batuhin kami ng mga bobba tea.Do you even know who i am?” Maarteng tanong nito.Habang ang isang kamay niya ay nakahawak sa uniform ko. “Cassey please wag nyo sya idamay.” “So kasabwat mo 'to? you're so cheap Celine.You hired this girl para batuhin kami ng bobba tea?” Natatawang sabi nung cassey. “Anong batuhin? wala akong binabato.Galing yan dito oh.” Sagot ko sabay demo ng pag higop sa milk tea at saktong sakto milagrong may isang piraso tapioca pearl akong nahigop.Inangat ko ang straw at itinutok iyon sa mukha niya.Sabay ngisi.Nanglaki ang mga mata nito.Pero bago pa ito makaiwas ay muling nasapol ang mukha nito. “Ewwww oh my gosh! yuuuuck!” Tawang tawa akong pinagmasdan itong nag tatalon at diring diri na nag papahid sa kanyang mukha. “Give me the wipes you stupid ass.” Sigaw nito sa kasama niya.Nag madali itong punasan ang mukha ng babae.Agad ko namang pinulot ang bag ko at paper bag na may lamang pastry.Paalis na ako ng may humila sa aking buhok.I found my self held by these two women. “You b***h!” Halos mabingi ata ang kaliwang tenga ko sa lakas ng sampal ni ate girl. “Bitiwan mo nga ako ano ba??.. “I am Cassey Gonsalez and no one dares to disrespect me here.” Kinuha nito ang boquet of flowers sa tabi ng babaeng binubully nila at nag mamadaling lumapit sa akin. “Aaaaaaaaaaahhhh... Sigaw ko ng ihampas nito iyon sa mukha ko.Kaliwa't kanan.Paulit ulit niya iyong ginawa.Halos mag kalat na nga ang mga petals non sa semento sa lakas ng pagkakahampas sa mukha ko. “Sinabi ng tama na eh sumosobra ka na Cassey..” Halos manglaki ang mata ko ng itulak nito yung Cassey. “You freak! matapang ka ng malandi ka ha? halika dito..” Halos masubsob ang babae ng itulak siya ni Cassey.Mabilis kong iwinasiwas ang aking braso dahilan para makawala ako sa mga alipores niya.Agad ko itong tinanong kung ayos lang ba ito. “oh gosh, tara na Cassey andyan na ang triplets.” Sigaw ng isa sa mga alipores at mabilis pa sa alas kwatrong nag takbuhan paalis. “Hoy bumalik kayo dito.” Sigaw ko.Ramdam ko na ang pangangati ng mukha ko.I have allergies in flowers.Nak ng teteng.Sa lahat lahat naman ng ihahampas sa mukha ko yung bulaklak pa.Muli akong nag yuko at pinagmasdan ang kamay nito na may gasgas. “I'm okay.Ikaw, yung mukha pulang pula na.” Nahigit ko ang aking hininga ng may malakas na bumangga sa akin dahilan para mag kalat ang mga pastry na binili ko.Natulala ako sa nakita. “What happened? who did this to you? are you alright?” Sunod sunod na tanong ni Red sa babae.Parang sinuntok ang puso ko.Tila may unti unting naipon na bato sa aking lalamunan.Bagsak ang mga balikat kong pinagmasdan si Red na tila walang ibang nakikita kundi ang babae sa harap niya.Natigilan ito ng makita ako. “You? did you do it? did you hurt her?” Pag bibintang nito sa akin. “Red no! wala siyang kasalanan.She helped me from those bullies.Are you alright?” Buti pa si Celine.Tinanong ako kung okay lang ako.Samantalang siya pinag bintangan agad ako.Unti unting bumalong ang luha mula sa aking mga mata.Nag pagpag ako ng kamay.Ramdam ko ang pag titig nito.Mabilis nitong inalalayang tumayo si celine. “Shit..” Dinig kong sabi nito at mabilis na tumulong sa akin sa pag dampot ng mga pastries na binili ko para sa kanya.He knew that it was for him.Sa araw araw ba naman na pinupuntahan ko siya dito at binibigyan ng kung ano ano.Mabilis kong tinabig ang kamay niya sa sobrang inis ko. Dinig ko ang pag bilis ng hininga nito. “Let's go to clinic.” Wika nito at hawak sa aking siko.Siguro kung sa ibang sitwasyon kikiligin pa ko eh.But this senario is different.I've witness him caring for other woman.Yeah that's too shallow but im deeply hurt.Anong magagawa ko? Parang wala akong naririnig na dinadampot ang natapon na mga tinapay sa daan. “f**k!” “Red, i think she's having an allergy reaction.Cassey hit her in her face with the boquet you gave me a while ago.” “Bullshit.” Huling dinig ko bago unti unting dumilim ang aking paligid.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD