Chapter2

3058 Words
Maria Athena May kung anong ingay akong naririnig sa paligid ko.Dahan dahan kong minulat ang mga mata ko. “Nasaan ako?” Muli kong ipinikit ang aking mata.Pilit inaalala ang mga huling nangyari.Napabuntong hininga ako nang maaalala ko ang kaganapan kanina.Si Red,ako at yung magandang babae.Pilit akong bumangon at ibinaba ang aking mga paa sa sahig.Nasa clinic pala ako.Humakbang ako palabas sa pintuan.Hawak hawak ang stand na pinagsabitan ng aking dextrose.Hinanap ng mga mata ko kung saan nang gagaling ang mga boses na yon.For the second time.An unfamiliar pain strikes again.Paulit ulit nitong pinagagalitan ang magandang babae.Habang puno ng ingat niyang ginagamot ang gasgas sa mukha nito.Kung sa bagay, sino ba naman kaseng di mafafall sa ganda niya.She's a full grown woman.Very Sophisticated,maganda at halatang may sinabi sa buhay.Compared saken.Ano ba ko? a seventeen year old girl na wala pang napapatunayan. Dali akong pumihit pabalik sa kwartong pinang galingan ko.Doon ko nakita ang nurse. “nariyan ka pala.Halika mag pahinga ka pa.. “Pasensya na miss.Pero kailangan ko na pong umuwi.Sigurado nag aalala na si inay.” Mabilis kong tinanggal ang nakatusok na swero sa aking kamay.Nag mamadali kong kinuha ang bag ko at hindi na nag papigil pang umalis.Humabol pa nga ang nurse at may inaabot sa aking gamot.Pero hindi ko na yun pinagabalahan pang kunin.I'm tired.Hurt.Physically and emotionally.Nawalan na ako ng gana.All i want is to go home and feel my bed.Patakbo kong tinungo ang gate. “Athena!” Sigaw ng pamilyar na boses.Saglit akong napahinto.Pero masyadong mabigat ang araw na ito para harapin ko pa siya.Mas binilisan ko pa ang pag takbo ng hindi ito nililingon.Hindi nakaligtas sa aking pandinig ang makailang ulit na pag mumura nito.Alam ko na yung mga ganitong style niya.Papangaralan niya ko na parang isang bata tapos papauwiin.I don't understand why he can't see me as woman. “I said stop! can't you not be so stuborn?” Mas binilisan ko pa ang pag takbo.Bago ko pa matawid ang kalsada ay isang pamilyar na kotse ang biglang huminto sa aking harapan.It was josh. “Hey hop in.” Buong pag mamadali akong sumakay sa kotse at mabilis naman nito iyong pinaandar.Yakap yakap ko ang bag ko nang pasimple kong sinulyapan sa side mirror si Red.Nakapaywang ito.Habang ang isang kamay naman ay pabalang na ginulo ang buhok. “Hey, are you alright? your mom has been calling me since afternoon.Tanong sya ng tanong kung nasaan ka.Alam ko naman na dito lang ang punta mo.So i decided to go here.Mabuti na lang at naabutan kita.Something happened?” Sa dami ng tanong nito ni isa ay wala akong naisagot.Josh is my classmate.At hindi lingid sa kaalaman ko na may espesyal itong nararamdaman para sa akin.Pero maaga ko itong tinanggihan.Pero nag papasalamat ako na kahit basted siya saken patuloy pa rin ang pag kakaibigan namin. “Okay.. I won't ask any question anymore.Just take a rest.” Saglit nitong inihinto ang sasakyan.May kinuha itong maliit na blanket mula sa back seat.Ikinumot niya yun saken.Nakaramdam ako ng konting kaginhawaan.Sa totoo lang hanggang ngayon ay nahihilo pa rin ako.Dahan dahan nitong inadjust ang upuan para mas makahiga ako ng maayos.Ikinabit din nito ang seat belt saken.Sa sobrang lutang ko kase ay nawala na rin sa utak ko ang pagkabit ng seat belt. Halos mapatalon ako sa gulat nang may malakas na bumusina sa aming likuran.Saglit lamang itong nilingon ni joshsua.Kalaunan ay nag simula ulit nitong paandarin ang sasakyan.Siguro kase masyado na kaming nakaka abala sa daan.Hindi na ako nag abala pang gumalaw.Ipinikit ko na lang ang mga mata ko.The next thing i knew is that i'm already home.Ginigising na ako ni nanay at tatay.Nasa tapat na pala ako ng bahay.Hindi ko na namalayan.Nag pasalamat sina Nanay at Tatay sa pag hatid sa akin ni josh pauwi.Hindi rin ako nakarinig ng ano mang sermon mula kay nanay.Nakakapagtaka man pero di ko na inalam pa.Pagod ang puso't diwa ko.Bugbog din ang puso ko sa sakit na nararamdaman ko ngayon. Kinaumagahan may hindi inaasahang bisita ang magaling kong bestfriend.Dito kase sa amin nanunuluyan si Rafa.Masyado kasing masalimuot ang buhay nitong bff ko.But i'm happy na naririto siya.Para na din akong may ate.Etong si kuya kase puro lang naman lakwatsa ang alam gawin. kaya mas madalas ay ako lang sa bahay.Mayaman si Rafa.Sila ng mga kapatid niya.Kilala ang pamilya nila nag mamay-ari ng mga hotel and resorts.Kilala rin ang pamilya nila bilang nag mamay-ari ng largest land developer company sa buong pilipinas.Pero mag kaganun man, ang mga paa nila ay nananatiling nakababa sa lupa.Lalong lalo na ang bestfriend kong si Rafa.Hanggang ngayon nga ay di pa rin alam ni Rafa na deads na deads ako sa kapatid niya.Pag nalaman niya kase baka palayuin niya pa si Red.Mas over protective pa yata siya saken kesa sa mga kapatid niya. Sabado ngayon at wala namang pasok.Tanghali na ko nagising at panay na rin ang tawag ni nanay sa baba.Saglit kong sinilip ang oras sa cellphone ko.Alas nwebe na pala.Dali kong binuksan ang wifi ko.Sunod sunod ang tunog ng notification ko.Pero hindi ko muna yun tinignan.Nag tungo muna ako sa banyo para mag hilamos. Mabuti na lang at kahit papaano nag subside na ang mga pantal sa mukha at leeg ko.Naiwan na lang ang mga pulang marka.Saglit akong nag pahid pa ng cream at bago nag pasyang lumabas ng banyo.Gulat na gulat kong pinagmasdan si Rafa na hawak ang cellphone kong panay ang tunog ngayon.Salubong ang mga kilay nitong pinagmamasdan ang pangalang rumihistro doon. “Oy tinang.Bakit tumatawag sayo ang kapatid kong si Red?” Buong pag tatakang tanong nito na itinapat pa ang screen sa akin.Agad ko iyong inagaw at ibinababa. “Wala lang yan.May tinatanong kase saken si Red.Nag papatulong lang.” Pagdadahilan ko sabay talikod.Pero hindi pa rin ito nakonteto sa sagot ko at nasundan pa ng panibagong tanong. “At ano namang tulong ang hinihingi niya aber?” “Ah.. tungkol lang don sa order niyang chicken wings.Sira ata yung land line sa baba.Sige puntahan ko muna si Nanay para ipaluto sa kanya yung order ni Red.” “Ganun ba? sige.” Mukhang napaniwala ko naman ito.Mabilis akong nag tungo sa labas ng bahay.Agad kong chineck ang cellphone ko at nagulantang ako sa bilang ng missed calls ni Red. “Ano pa bang tinatawag tawag niya? di pa rin ba sya nakakamove on sa pag takas ko sa sermon niya kagabi? o baka naman di pa rin siya naniniwalang wala akong ginawang masama don sa babaeng kasama niya at hanggang ngayon pinagbibintangan niya pa rin ako?” Muling nag ring ang ang cellphone ko.Rumihistro roon ang pangalan ni Red.I massage my nape while staring at his name on my phone until it stop ringing.Papasok na ako sa loob ng gate nang may nag pop up na notification mula sa yoomessage ko. “I'm here.” Lumakas ang t***k ng puso ko.Agad siyang hinanap ng mga mata ko.Nang ibaling ko sa kanang bahagi ang aking pangingin ay naroon siya.Nakasandal ito sa kanyang itim na kotse at seryosong nakahalukipkip doon.Ang puso ko.Parang nag wawala sa bilis ng t***k na tila baga gustong mag hi hello agad sa kanya.He's wearing full sleeve round neck shirt na bahagyang itinaas hanggang siko.Mas lalong na depina ang muscles niya na kulang na lamang ay kumawala sa suot suot niyang damit.He's wearing black gold wrist watch and a black ray ban.He looks so expensive.Yung tipong mahihiya kang lumapit.I got intimidated by his looks.My mind says run away but only find out kusa ng nag lakad ang mga paa ko papunta sa kanya na akala mo may sariling buhay ang mga ito.Alam kong nakasimangot ito kahit na natatakpan ng kanyang itim na salamin ang mga mata.Eh paano salubong ang agad ang mga makakapal na kilay nito. “B-bakit ka napadaan? nasa loob si Rafaela gusto mong tawagin... “Get in” “H-ha? a-ano.. teka sandali.. “Maria Athena.I said get in..” “dug dug dug.. Yun lang ang naririnig kong tunog galing sa dibdib ko.Natulala ako.May kakaiba talagang init na lumulukob sa puso ko sa tuwing babanggitin niya ang pangalan ko. “Papasok ka ba o ako pa ang mag papasok sayo sa loob?” “H- ha? o-oo.” Tumaas ang kaliwang kilay nito. “Ah..ibig kong sabihin.Oo papasok na ko.” Halos malaglag ang panga ko sa mga pagkaing nakahain sa mesa.May alfredo pasta, vegetable salad, sausage and garlic rice.At may fresh mango juice pa.Nag pahabol pa ito ng sandamakmak na pastries na may iba't ibang flavors.Nakatitig lamang ito sa akin habang nakahalukipkip.Hindi niya naman sinabi sakin na dito ang punta namin.Dahil hindi naman siya nag sasalita kahit na makailang ulit na akong nag tanong.Kusa na lang akong nanahimik dahil pakiramdam ko susungitan niya lang ako pag nag attempt pa akong mangulit.Pagkahain ng mga pagkain sa harapan namin ay tanging sinabi niya lang saken ay “eat” Gusto ko tuloy tanungin kung bibitayin na ba ako bukas sa dami ng inorder niyang pagkain.As if naman kaya kong ubusin ang lahat ng 'to. Palipat lipat ang mga mata ko sa pagkain sa lamesa at sa kanya.Di ko kase malaman kung ano ang uunahin kong tikman kung pasta ba.Pastries, o sya? huuuuy char! inuna kong tikman ang alfredo pasta.Natigilan ako.Ang sarap.Sinunod ko naman tikman ang strawberry cream pastry.Napakasarap din nito.Napatigil ako sa pag subo ng pasta at tinitigan siya.Muli akong inangatan ng kilay nito. “What?” Masungit na tanong niya “Bakit mo ba ko dinala dito? saka bakit di ka kumakain?” “I'm still full.” Maikling tugon niya. “Huh? eh busog ka pa pala.So bakit mo ko niyaya dito?” Sumilay ang kakaibang ngiti sa mga labi ko. “Oyyyy, Red Francisco Lacsamana.Na miss mo ko noh..?” Nag iwas lang ito ng tingin at bumuntong hininga.Tulad ng dati, para talaga siyang bato.Wala kang makitang bakas ng emosyon.Para bang literal na mas malamig pa sa yelo. “So bakit nga kasi dinala mo ko dito? na mimiss mo nga ako? sabihin mo na kase. 'to naman.” Inalis nito ang mga kamay mula sa pagkakahalukipkip.Na para bang napatid ko yata ang pasensya niya. “You really wanna know?” “Yes” Nakangiti kong sagot. “I'm doing this..because i want to repay you for defending my girlfriend from those bullies.” Nalusaw bigla ang mga ngiting nakapaskil sa labi ko.Unti unti ring pumait ang panlasa ko. “G-girlfriend? teka anong sinasabi mo? diba wala ka namang girlfriend?sabi sa akin nila nic at axel single ka raw at... “I am taken now.” Napatayo ako.Diretsahan lang ako nitong tinitigan na akala mo wala lang yung nararamdaman ko para sa kanya. “Pero bakit ganun Red? bakit mo ko hinayaang habulin ng habulin ka.Bakit di mo sinabi sakin agad? bakit..ba...” “As i have said.. i'm already taken.Kaya simula ngayon, wag mo na kong pupuntahan pa sa klase o susundan pa.I don't wan't my girlfriend to be jealous.I don't want to hurt her feelings.So please, from now on.Stay away from me.” Parang sinuntok ang puso ko sa mga binitawan nitong mga salita.His words are like a daggers and he used them like a knives.Like he never wants you forget his words that cut you so deeply. I supressed my tears from falling.I will never let him see how im hurting. “Naupo akong muli at mahinahon itong nginitian.” “Naiintindihan ko.” Hindi na kami nagkibuan pa.Kahit na mapait na ang panlasa ko.Kahit naninigas na ang lalamunan ko sa pag pigil ng aking nararamdaman,pinilit ko pa ring ipakita dito na okay lang ako.Saglit itong nag paalam na lalabas nung tumunog ang cellphone niya.Doon na kumawala ng kusa ang mga luha na kanina ko pa pinipigil.Hindi na ako nag aksaya pa ng oras.Bawat minuto na dumadaan at ganito siya sakin kalapit pakiramdam ko ay dahan dahan ding titigil sa pagtibok ang puso ko.Nag mamadali akong pumara ng taxi.Kahit para akong tangang umiiyak sa loob ng taxi ay wala akong pakealam.May mga pagkakataon pa ngang napapatingin sakin ang taxi driver at aabutan ako ng tissue.Grabe.Ang sakit palang mag mahal. Ilang bwan na rin ang nakalipas pero ang dami ng nangyari.Halos apat na bwan na ring di pumupunta si Rafa dito sa bahay.Bukod kase sa nagkalabo sila ni Asher ay nasa hindi rin magandang kalagayan ang si Don Arman Lacsamana ngayon.Nalulungkot ako sa sitwasyon ngayon ng kaibigan ko.Si Red kaya kumusta na siya? aaminin ko.Kahit na walang namagitan sa amin ay labis pa rin ako nasaktan.Ewan ko ba.Siguro ganito talaga pag puppy love. Lumipas muli ang limang bwan.Kahit na hindi naging maganda ang naging ending ng pag uusap namin noon ay di ko pa ring maiwasang isipin kung kumusta ba siya? kumusta na ba silang magkakapatid? Isang beses kong nakausap si Rafa pero hindi na ulit yun nasundan pa.Sa tuwing na aatempt akong puntahan si Red sa university lagi kong dina-divert ang isipan ko sa araw na ipinagtabuyan niya ako.Noong araw na parang tila isa akong bata na binigyan niya lang ng lollipop saka sinabihan ng chupeee! shooo! layas! Sa ganong way, napigilan ko ang sarili ko.Iniisip ko kase na broken na nga ako, tapos wala pa akong pride. It was my 18th birthday noong dumating si Rafa sa bahay.Tuwang tuwa ako noon dahil dumating ang bestfriend ko sa mahalagang araw ng buhay ko.Hindi naman ganun kagarbo pero masasabi kong espesyal iyon dahil dumating din ang mga classmates ko noon para maki celebrate.Nirentahan pa nga nila Inay at Itay ang basketball court sa baranggay para lang maging komportable kami at ang mga kaklase ko.Isa si josh sa mga 18 roses ko pero maaga itong nag paabot ng mensahe na hindi ito makakadalo.Nakatanggap ako dalawang regalo na natitiyak kong mula sa kanya.Siya lang naman kase yung yayamanin sa aming mag kakaklase.Yung isang box ay nag lalaman pink shoes mula sa isang sikat na brandstore.Habang ang isa namang box ay nag lalaman ng mamahaling laptop na may markang mansanas mula sa sikat na sikat ring brand store.Sinubukan kong contakin si josh patungkol sa mga regalo niya dahil sa tingin ko ay sobra sobra naman yun. Pero out of coverage ang cellphone niya.Sinubukan ko na lang enjoyin ang araw na yun.Sumayaw, uminom, lahat ata ng mga kaklase ko ay nag enjoy din ng araw na yun.Doon ko din natanggap mula kay Rafa ang balitang lumipad na si Red papuntang America kasama ng kanilang lolo.Eto raw kasi ang nag boluntaryo sa mag kakapatid na mag asikaso sa kanyang lolo habang mina-manage ang hotel na matagal ng itinayo ng kanilang pamilya doon.Habang silang magkakapatid dito na naiwan ay ang siyang nag tutulong tulong para i-manage ang kumpanya ng kanilang pamilya.Aaminin ko nalungkot ako nung mga araw na yun.Pero pinilit ko na lang pag butihan ang aking pag aaral at doon ibinuhos ang buong atensyon ko. ***** “Nurse cho kanina pa ina-announce ang pangalan mo sa buong hospital through paging saang lupalop ng mundo ka ba nang galing?” Bulyaw sakin ng aming head nurse. “Po? pasensya na po.Galing po kase ako ng room 201.Medyo nahirapan po akong umalis dahil nag wawala si Mrs.Sacramento.Kaya nilibang ko muna siya sa pag gawa ng beads.” “That's why you deliberately ignored the call from the conference room? how unproffessional of you Ms.Cho.” “Conference room po? p-pero bakit po?” “Do i look like i know the answer? go find it out to yourself.” Halos lahat ng mga katrabaho ko ay nasa akin ang mga mata.May ibang nakikisimpatya.Habang ang iba naman ay makikitaan mo ng panghuhusga.Unang tungtong ko pa lang dito sa TMDH medyo mainit na sa akin ang head nurse.Well, halos lahat naman ata sinusungitan niya.Pero mas madalas lang talaga sakin. Bago ko buksan ang pintuan ng conference room, ay malalim muna akong humugot ng hangin.Ayon kay ma'am leilani, ako lang ang nag iisang pinapatawag doon.Naiiling pa nga itong nginisihan ako na para bang eto na ang huling araw ko sa hospital na ito. Napasinghap ako sa bumungad sa akin.It was Rafa, nicho, and axel sitting on a long table.May mga ngiting nakapaskil sa mga labi nila.Naunang tumayo si Rafa para salubungin ako at yakapin.After four years.Nagkita kita ulit kami.Aware din kasi ako na labas pasok lang silang mag kakapatid dito sa bansa.Hindi na rin kami nagkaroon pa ng contacts noon dahil siguro may kanya kanya na kaming pinagkakaabalahan sa buhay.Pero bakit dito sa hospital pa kami nagkita kita? “Finally beshy, i miss you so much.” Halos mapaluha ako.Namiss ko ang bestfriend ko. “Na miss din kita beshy.P-pero, anong ginagawa ninyo dito.Kayo ba ang nag patawag sakin dito sa conference room?” Biglang nag tawanan sila nicho at axel. Hindi man nila sabihin saken.Alam kong isa sa dalawang kumag na to ang nang trip saken.Pero naguguluhan pa din ako. “Pasensya ka na athena.Iyang si Axel ang may gawa.” Nang balingan ko si Axel ay panay ngisi na nito.Masama ko itong tinitigan.Kulang na lang ay batuhin ko ito ng suot kong sapatos ko. “Pero anong ibig sabihin nito? bakit kayo narito.” May pagtatakang tanong ko. “Alam mo ikaw it's been a long time pero engot ka pa rin.Obvious ba? malamang kami ang may-ari nitong hospital.” Mayabang na sabi nito.Di naman ako nagtaka kung sabihin nila na sila ang nag mamay -ari nitong ospital.Eh sa yaman ba naman nila di na imposible yun. “Nye nye nye! oh eh ano naman ngayon?” Napipikon kong sagot na sinabayan ko ng pag ikot ng mga mata.Nicho chuckled. “Chill Athena, hayaan mo na 'tong si axel.Na miss ka lang nitong asarin.” “At na miss ko rin siyang bugbugin.” Sagot ko na nagpangiwi sa mukha ni Axel. “Anyway, kumusta na Athena? you look good huh! you really grown up like a fine young lady.And you seems to be in trouble now.” Ngisi ni Nicholas na nag paconfuse sa akin. “Anong ibig mong sabihin Nicho?” Nang lingunin ko si Axel ay sumeryoso bigla ang mukha nito.Wala akong nakuhang sagot mula sa kanya.Bagkus, isang kakaibang ngiti lamang ang itinugon nito.Kakaiba rin ang naging tinginan nila ni Rafaela. “Ahm, Athena let's go? let's celebrate our comeback.Saan pa ba? edi sa favorite naming kainan.Sa tinang's chicken wings.” Masayang sabi ni Rafa.That's so strange.Pero isinangtabi ko na iyon.Dahil isa yata ito sa pinakamasayang araw ko.Ang muli kaming mag kasama sama ulit.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD