Red's Pov
“Ito tignan mo.”
Abot nito sa isang lumang papel.Nagsalubong ang kilay ko nang buklatin ang nilalaman nito.It was an old sketch of a man wearing a black hat and black cloth covering his face where only his eyes and an x-shaped scar are visible.
Bahagya kong ibinababa ang papel.
“So?”
“That was my sketch i made when i was seven years old.”
Sumimsim ito ng kape at bahagyang napakagat ng labi.
“That was the sketch i made the night after my mom killed.Noong gabing narescue ako ng mga pulis, hawak hawak ko ang sketch book ko.Bawat detalye na natatandaan ko sa lalaking kumitil sa buhay ni mama ay iginuhit ko.Nangako akong hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nahahanap at napagbabayad sa ginawa niya sa mama ko.”
Her hands clenched.I could see the anger she was hidding in her eyes.
“I understand you Carla.But how can this simple drawing help the case?”
Tanong ko.Inabot ko ang mainit na kape at sumimsim.
“Ryan, show it.”
Saad ni Carla na ikinatigil ko.
Agad pinihit ng private investigator ang laptop na naglalaman ng kuha ng isang cctv footage malapit sa isang restaurant.Maya maya pa'y dumating ang sinasakyan naming kotse at magkasama kaming bumaba doon ni Carla.Natigilan ako nang may isang lalaking nakasumbrero ang lumitaw sa aming likuran.Tila pinagmamasdan kami mula sa malayo.
“Ryan pakizoom in mo sa mukha niya.”
Mabilis sinunod ni Ryan ang utos ni Carla.Halos mabitawan ko ang hawak kong baso nang mapagtanto ang isang bagay.Carla was right.Iisang tao lamang ang pumatay sa nanay at tatay namin.Batay ito sa tangkad,build ng katawan at ang nag iisang marka nito sa mukha.Noong una ay maraming beses ko ng tinanggihan ang mga tawag na natatanggap ko mula sa isang babaeng nag ngangalang Carla Marie Hijara pero nang magpunta dito si Athena at binanggit ang pangalan ng sinasabi niyang doctor ay natigilan ako.I got curious kung paanong nakapasok ito sa kumpanya ko at ano ang totoong motibo nito.I know she didn't choose to work in our hospital for nothing.Kaya nang makapag usap kami ay nalaman ko ang lahat.Ang ugnayan ng kanyang ina sa aking mga magulang.Mag kaibigan matalik ang aming mga nanay.Nabanggit din ni Carla na maging sa wedding ceremony ay naroon silang mag ina.Napatunayan niya iyon dahil sa mga lumang litrato nila noong mismong araw ng kasal nila mommy at daddy.Sa hindi maipaliwanag na dahilan, nang mag pakamatay si mommy ay doon sunod. sunod nangyari ang trahedya sa aming buhay.Pinatay ang daddy ng hindi nakikilalang lalaki.Makalipas ang ilang buwan ay nanay naman ni Carla ang pinatay ng isang hindi rin nakikilalang lalaki.Lumabas sa balita at sa mga diyaryo ang pagkamatay ng nag iisang anak ng business tycoon na si Don Arman Lacsamana.Ang aking lolo.Napag alaman kong ito ang dahilan kung bakit pilit nakikipag ugnayan noon pa man si Carla sa'kin.Dahil nais nitong makamit ang hustisya para sa kanyang ina.At para masagot din ang mga katanungan kung ano ang dahilan ng pag patay ng taong yun sa mga magulang namin.Pero iisa lang ang naiisip ko.Marahil ay may sikreto silang pilit pinag takpan noon.Sikretong unti unti kong tutuklasin.Para na rin sa ikatatahimik at kaligtasan ng pamilya ko.Dahil masyado ng nagiging delikado ang taong yun sa pamilya ko.Sigurado rin akong may kinalaman siya sa nangyaring aksidente kay nicholas.Kailangan kong malaman kung ano ang puno't dulo ng paghihiganti na ginagawa niya sa pamilya ko.At ngayon, maging si Carla ay dinadamay na nito sa pagiging malapit sa'kin kung kaya't minsan niya itong tinangkang dukutin.Inalerto ko ang mga tauhan ko para bantayan at pag igihin ang seguridad ni Carla.Hanggat maaari ay ayaw kong madamay pa ito dahil alam kong buong buhay niya ay nag dusa siya sa pagkawala ng kanyang ina.Pero tama siya.Hindi ko siya pwedeng ilabas sa usapan dahil hustisya para sa kanyang ina ang hinahabol niya.
Nasa kalagitnaan kami ng pag uusap nang tumunog ang cellphone ko.This time iba na namang numero ang rumihistro doon.Natigilan ako sa sinabi nito at agad kong naikuyom ang aking kamay ngunit pinilit kong kumalma.
Bago ako muling sumagot ay mabilis kong hinold ang kabilang linya.Gamit ang cellphone ni Ryan ay dali kong dinial ang cellphone number ni mang Ben at tinanong kung naihatid ba nito ang asawa ko sa bahay ng magulang niya at kinumpirma niya ngang inihatid niya ito roon.Dali kong kinontak ang ang ina ng aking asawa at tinanong kung naroon ito at sinabing natutulog na raw ito doon at hindi na nakauwi sa aming bahay.Agad akong nag pasalamat at daling binalikan ang tawag na nakahold.Halos murahin ako nito.At sinabing hawak niya ngayon ang asawa ko at kung hindi ako makikipag negosasyon sa kanya ay papatayin niya ito. Napangiti ako.
“Wala akong pakialam.Edi patayin mo yang sinasabi mong asawa ko.Tawagan mo na lang ako kapag may bangkay na.”
Saad ko sabay baba ng telepono.This bastard is trying to trick me.
“Anong sabi hawak niya si Athena? teka Red pa-paano kung nag sasabi siya ng totoo? paano kung delikado talaga ang buhay ng asawa mo?”
“That won't happen.Nasa bahay ng biyenan ko ang asawa ko.Besides,rumors are spreading na may asawa na ako.But never confirmed kung totoo o sino.Malamang nabasa niya sa kung saang news site o diyaryo yun kaya gumagawa siya ng kwento.Kaya nga ikaw ang pinuntirya niya nitong mga nakaraan dahil maaaring inakala niya na ikaw ang asawa ko.But that bastard is so stupid.Wala siyang kaalam alam na magkasama tayo ngayon.So from now on, don't do anything without my permission.And for Athena just continue ignoring her.Stop seeing and talking to her.Kahit pa mag pumilit siya.”
Saad ko.Muli itong napaupo.
“So how long will you keep it from her?”
“As long as i don't show it.Everything will go as planned. ”
Napabuntong hininga na lamang ito.