Athena
I sigh deeply as i stared at the screen of my phone.Nakailang send na rin ako ng messages sa kanya pero ni hi o hello wala man lang sagot.Wag niyang sabihing nagalit talaga siya nung inupuan ko yung likod niya kahapon? i hope not.Cause that's too shallow.
Nanghahaba ang nguso kong ibinalik sa bulsa ang phone ko.Natigilan ako nang makita ko ang nakatatandang anak ni Ma'am Mary.Agad ko itong nginitian at binati pero seryoso at saglit lang ako nitong tinapunan ng tingin at dirediretso na itong tumuloy sa room kung saan naroon ang pasyente.That's weird.Medyo nanibago ako kay Mr. Robert, usually kasi malayo pa ako nakangiti na agad yun sa akin.Pero di naman kasi pareparehas ang araw.May time na okay tayo at meron ding hindi.And i guess, hindi siya good mood ngayon.
Ipinagkibit balikat ko na lamang iyon at nag patuloy na sa pagmomonitor ng mga pasyente.
Nang matapos ako sa paglilibot sa bawat room ng mga pasyente ay agad ko ring ibinigay ang mga records kay Doc JP. Mag uumpisa na rin kasi itong mag rounds.Bago pumunta ng Cafeteria para mag break ay naisipan ko munang silipin si Ma'am Mary sa kanyang kwarto dahil anytime ay pwede na itong idischarge.At least makapagpaalam man lang ako.Papalapit pa lamang ako sa pintuan ng room 201 ay dinig ko na sa labas ang boses ng mag ina.Hindi ko naiintindihan ang pinaguusapan nila pero alam kong seryoso iyon kaya ang nakabitin kong kamay sa pintuan ay tuluyan kong ibinaba.Siguro babalik na lang ako mamaya.Mukhang mahala ang pinag uusapan nila ni Mr. Robert.
It's six in the morning.Kakatapos lang ng duty ko.Naglalakad na ako papuntang sakayan.Saglit akong napahinto nang maalala kong pupuntahan ko nga pala dapat si Ma'am mary.Pero dahil alanganin na at sobrang lakas din ng ulan, hindi na ako tumuloy pa.Siguro kung madidischarge na siya mamaya at di ko na maabutan ang pag alis niya, tatawag na lang ako kay sir Robert para kumustahin siya.
May ilang minuto na rin ang nakalipas pero di pa rin ako nakakahanap ng masasakyang taxi.Palakas rin ng palakas ang buhos ng ulan.Sabi sa balita ay may bagyo.Medyo baha na nga rin sa ilang lugar dito sa maynila.Medyo nilalamig na rin ako at itong payong ko konting hangin pa babaliktad na.Nabuhayan ako ng loob nang may paparating na taxi.Agad kong itinaas at winagayway ang kamay.Senyales ng pagpara dito pero parang hangin lang iyon na dumaan sa harap ko at nilagpasan ako.Kung minamalas ka nga naman talaga.Halos mapasigaw ako sa takot ng bahagyang dumagundong ang kulog at kidlat.Gumuhit ang matinding kaba sa aking dibdib kasabay ng pag ihip ng malakas na hangin.Akmang kukunin ko ang cellphone sa aking bag nang may malakas na bumusina sa aking harapan.Hindi ako maaaring magkamali.Sasakyan iyon ni Red.Biglang bumukas ang pintuan at iniluwa nun si Red na nagmamadaling tumakbo patungo sa akin.Bumungad ang matatalim nitong titig.
“What the f**k are you doing in here Athena? may bagyo ngayon.Don't you know how dangerous it is to stay outside? sumabay ka na sa akin.Ihahatid kita.”
He said with finality.
“Yes Master.”
Natigilan ito at nilingon ako.
“Damn it.”
He said.
Kahit mukha na akong basang sisiw ay nakuha ko pa ring kiligin.Napakagat ako sa aking labi habang inaalalayan niya papuntang sasakyan.Ipinagbukas ako nito ng pintuan sa backseat.Hindi maalis ang mga ngiti ko pero segundo lang ang tinagal nun nang mapagtanto ko na may ibang taong nakaupo malapit sa driver's seat.
Parang may kumurot sa puso ko nang lingunin ako ng babae sa harapan ng nakangiti habang inaabot ang tissue.
“Naku nurse Athena.Basang basa ka na.Hindi mo ba nabalitaan na may bagyo ngayon? sana tinext mo ako para naipagamit ko na lang sayo yung on call-room ko at di mo na muna kinailangan bumyahe pauwi.Mabuti na lang at naisip kong dito kami dumaan ni Red bago niya ako ihatid sa amin sa bulacan.”
Parang halos wala akong narinig sa mga sinasabi nito.Kinakain ako ng inggit at selos.At bakit kailangan niyang ihatid si Doc Carla sa bahay nila sa bulacan? kakapakilala ko pa lang sa kanila.Ano ganun na agad sila kaclose?
to the point na may paghatid pa sa bahay nila na kung tutuusin may kalayuan din dito at sa ganito pa talagang oras na bumabagyo?
Nag umpisang manginig ang labi ko.Sakto naman ding pagpasok ni Red ng sasakyan.
“Oh my gosh Francis basang basa ka na rin.”
Mabilis na pinunasan ni Doc Carla ang basang mukha ni Red.Mapait akong napangiti.Wow, ganun na agad sila kaclose.May nickname na siya agad kay Doc Carla.
Mariin kong kinagat ang labi at nag iwas ng tingin sa kanila.Noon pa lang gustong gusto ko ng maupo sa tabi niya sa tuwing ihahatid niya ako o susunduin.But he never allow me to seat there.Pero si Doc Carla kahit na kakikilala niya pa lang dito ay pinaupo niya na agad doon.Nagtama ang aming paningin.Puno ng sakit ko siyang pinagmasdan.Nag iwas lang ito ng tingin at sinimulan ng paandarin ang makina ng sasakyan.Pero hindi pa man kami tuluyang nakakalayo nang sinukbit ko ang aking bag.
“Pakihinto Red.Bababa ako.”
“What? and where are you going? ihahatid na kita sainyo.”
“Sabi ng bababa ako!”
Halos pasigaw kung utos dito.Natigilan silang dalawa.His jaw tightened.
“Pero Nurse Athena are you sure na okay ka dito malakas na din kasi ang ulan sa labas.”
May himig ng pag aalala sa tono ng boses nito pero kinain na ko ng sama ng loob at pagtatampo.Idagdag mo pa ang selos.Kaya bago pa man ako sumabog at ipagkalandakan ang inis at galit ko kay Red sa harap niya, nag desiyon na akong bumaba.Mas hindi ko kakayaning masaksihan ni Doc Carla ang pagseselos ko tapos sa bandang huli malalaman niyang wala naman pala akong karapatan makaramdam ng ano mang selos dahil hindi naman kami.
“Maria Athena.”
May diin at tila pagtitimpi nitong tawag sa akin.Pero wala akong pakialam kaya nang maramdaman kong hininto nito ang sasakyan ay agad kong tinulak ang pintuan .Hindi ko alam kung saan ako pupunta sa ganitong lagay ng panahon.Narinig ko pa ang pagbaba ni Red ng kanyang sasakyan pero tila umaayon sa akin ang pagkakataon.Dali dali kong binuksan ang pintuan ng taxi at padaskol na naupo roon.Ibinigay ko sa kanya ang address ng bahay.Hindi ko na nagawa pang lingunin si Red.Kusa ng lumandas ang masaganang luha mula sa aking mga mata.