Athena
“Ano ka ba namang bata ka? bumangon ka na muna d'yan at kumain.Mag aalas singko na.Lipas na iyang gutom mo.Sabi ng kuya mo hindi mo daw kinain ang hinanda ko sayong pagkain kaninang umaga? aba'y bumango--
Natigil si nanay sa pag sesermon ng makapa nito ang leeg ko.
“Sus maryosep! may lagnat ka anak.Halika dadalhin kita sa hospital.”
She histerically said.
“Nay, ayos lang po.Wag naman po kayong o.a ayos lang talaga ako.Uminom na rin po ako ng paracetamol.At kumpara kanina na 38 celcius, ngayon po ay bumaba na sa 37.8 celcius.Wag ka mag alala nay.Nakakalimutan n'yo na ba? nurse ang anak n'yo?”
Nakangiting pagpapakalma ko dito. Ayaw kong makita na nag aalala ng ganito si nanay.
“Sigurado ka ba anak? sandali ikukuha kita ng fever patch sa baba.Ipagluluto na rin kita ng mainit na sabaw.May gusto ka bang kainin na iba? ipapabili ko sa tatay mo?”
“Nay, wag na po kayong mag alala.Ayos lang po ako dito.”
Mabining hinaplos ni nanay ang pisngi ko at inayos ang mga takas ng buhok.
“Sige anak.Mag pahinga ka na muna.Ako na ang tatawag sa hospital at ipapaalam ko sa kanila na hindi ka muna makakapasok ngayon.”
Tanging pag tango na lamang ang naitugon ko kay nanay.Nakaramdam ako ng kaginhawaan ng isarado nito ang pintuan.Tanging lampshade ang nag silbing liwanag sa kadilaman na bumalot sa apat na sulok ng aking kwarto.Idagdag mo pa iyong munting liwanag na nag mumula sa labas.Nag aagaw ang liwanag at dilim kasabay ng pag buhos ng ulan.Gusto kong humimbing at kalimutan ang sakit.
Nagising ako sa ingay ng alarm clock.It was eight in the evening.Nakatulog pala ako at hindi ko na off ang alarm clock.I used to wake up at this hour kasi may pasok ako.But in my case, malabo yun.Bumaba na ang lagnat ko pero ramdam ko pa rin ang sakit ng katawan ko.Nagising rin akong may cool fever na nakatapal sa noo ko.Hay, si nanay talaga.But i love how nanay takes care of me everytime na may sakit ako.It reminds of my old days.Yung tipong may sakit ka tapos ooferan ka ng mga paborito mong pagkain.Tapos parang magic yun.Kasi pakiramdam mo magaling ka na agad.Sana ganito rin kapag nasasaktan ang puso mo.Yung tipong pagkain lang ang katapat tapos parang magic.Biglang mawawala ang sakit.
“Mag mukbang kaya ako? hayys, ano ba yang naiisip mo Athena.”
Suway ko sa sarili.Muli kong ipinikit ang aking mga mata at binalot ang sarili ng kumot.Maya maya pa'y biglang nag ring ang cellphone ko.Napaigik pa ako ng mapilitang bumangon.Napangiti ako nang makita kong pangalan ng bestfriend ko ang lumabas doon.Dali akong humiga at pinindot ang green button sa screen ng aking cellphone.
“Beshyyyyy!”
Pasigaw na bungad nito sa akin.Parang kilig na kilig ito at bakas sa mukha niya ang kasiyahan.
“Ay ang ganda mo naman d'yan ngayon.Anong meron?”
Tanong ko.
“Beshy.”
Tinaas nito ang kamay at pinakita sa akin ang singsing sa kanyang daliri.Maging ang gown nito na puti.Halos lumuwa ang mga mata ko sa gulat.
“Beshy i'm married.”
“Anooo? t-teka, kailan pa? paano? at saan? b- bakit hindi ko yan alam?”
Gulat at sunod sunod na tanong ko.
“Mahabang istorya beshy eh.”
tinanggal ko ang taklob ng kumot sa aking katawan.
“Alam mo Rafaela baka mag friendship over na lang tayo.Isipin mo ako ang bestfriend mo pero di mo ako inimbitahan.Saka kanino ka ikinasal? my gaaad Rafa!”
Pagtatampo ko.Saglit itong natahimik.Tila may hinahanap sa likuran niya.Maraming tao roon na may kanya kanyang hawak na wine glass.May ilang waiter rin na dumadaan ngunit naagaw ang atensyon ko sa isang lalaking kilalang kilala ko ang pagmumukha.
“Asher? shocks..Kasal na kayo?”
Seryoso kaming nagtitigan.Maya maya pa'y sabay din kaming nagtitili.Pero yung kanya, pigil ang pag sigaw.
“Paanong nangyari yun? akala ko ba..”
“Akala ko rin.Di ko rin inaasahan na siya pala ang lalaking tinutukoy ni lolo.”
Hindi pa din ako makapaniwala.
“I didn't invite you coz i didn't want you to witness how miserable i would be on that wedding. but if only I knew that I was getting married to the person I love , sana pala pinasabay na kita kay Red.Sana narito ka rin ngayon.”
Nakagat ko ang ibabang labi nang mabanggit nito ang pangalan ni Red.
“Ano ka ba? ayos lang yun beshy.Naiintindihan ko.Ang importante, kasal ka na ngayon sa taong mahal na mahal mo.Masayang masaya ako para sayo Rafa.Pero ha, wag na wag ka lang mapaiyak ng lalaking yan o saktan man lang.Kung hindi makakatikim talaga sa akin ng mag asawang suntok yan.”
Sabay kaming nag tawanan.Pero saglit itong natigilan at kunot noo akong pinagmasdan.
“Teka beshy, ano yang nasa noo mo? my god! may sakit ka ba Athena?”
Bulalas niyang tanong.
“Ah, oo eh.Medyo nilalagnat ako at sinisipon.Pero ayos lang naman ako.Malayo to sa bituka.”
Biro ko.
“Nag pacheck up ka na ba? are you sure you're okay? wait i'll tell Axel na pagpahingahin ka muna ng isang linggo sa trabaho.”
“Uy beshy ano ka ba okay lang ako.Baka bukas magaling na ako.”
Parang wala itong naririnig at patuloy na hinahanap si Axel ngunit tila hindi niya ata ito makita.
“Ssh, you need to rest Athena.Wag mong isipin ang naiwan mong trabaho doon.Ako bahala.I'm sure Axel would agree too.”
“Pero beshy..”
Patuloy ito sa paghahanap kay Axel.Kung sino sino ring tao ang mga nahahagip ng camera.Halos gilid na nga lang ng mukha niya nakikita ko. Hanggang sa tila lumabas ito sa venue at tinungo ang garden.Ngunit tila hindi pa din nito nahanap si Axel.
“Beshy, ano ba okay lang.Wag ka na mag abala pa.Okay lang naman ako.”
Malalim itong bumuntong hininga na dinig na dinig ko pa sa kabilang linya.Muli nitong inayos ang cellphone at pinirme sa kanyang maganda at maamong mukha.
“Wag ka mag alala ako na mismo ang tatawag don para sa sick leave mo okay?”
Napangiti ako.Kahit kasi seryoso ang mukha nito ay nuknukan pa din siya ng ganda.
“Anong nginingiti ngiti mo d'yan ha?”
Nanghahaba ang nguso nito.
“Ang ganda ganda mo kasi Rafa.You're the most beautiful bride i've ever seen.I'm so happy for you.”
“Asus, nambola pa.Anyway thank you beshy.Alam mo narito pala si Red.Gusto mo makita? ayun siya sa pool side oh.”
Nataranta ako ng ilayo nito ang kuha ng camera sa kanyang mukha at nahagip non si Red na may hawak na wine glass sa di kalayuan.
“Beshy ano ka ba? ilayo mo nga yan nakakahiya.”
Huli na ng sabihin ko iyon.Dahil napalingon na rin ito sa amin.Naibaba nito ang wine glass na hawak at titig na titig sa cellphone na hawak ni Rafa.Mabilis din naman iyon inalis ni Rafa at ifinocus sa sarili.
“Oh sige na beshy.Mag pahinga ka na muna.Mag pagaling ka okay? don't worry i'll inform axel regarding with your sick leave.Uminom ka na ng gamot para di na lumala yang labnat mo.Este, lagnat.”
Nangingiti nitong sabi.Bumilis ang t***k ng puso ko ng mahagip sa camera na tila palapit si Red sa pwesto ni Rafa.I don't want him to see me in a situation like this.para ano? para pag tawanan at sumbatan niya na this is what i get for running away in the middle of the storm? hell no, mas gugustuhin ko naman na magkasakit kesa mamamatay sa labis na sakit ng puso habang pinagmamasdan sila ni Doc Carla na masayang magkasama.
“Ah beshy sige babye na!”
hindi ko na hinintay na makapag salita si Rafa dahil bago pa man makalapit sa kanya si Red ay pinindot ko na ang end call.Para akong tatakasan ng hininga.Paulit ulit kong sinasabi sa sarili kong magiging okay din ako pero iba pa rin talaga ang puso.Parang may sariling isip.Kusang titibok sa paraan na gusto niya at kusang nawawasak sa paraang hindi mo gusto.Kung natuturuan nga lang ito at nakokontrol baka pinatulan ko na si cha eun woo.Eme!
Hindi ko sinunod ang na-file na one week sick leave na sinabi ni Rafa.Two days lang after kong magkasakit ay nag duty na ulit ako.Para kasing mas magkakasakit ako pag nasa bahay lang at walang ginagawa.Kasama ko ngayong nag ra-rounds si Doc Jp.Bawat room na bibisitahin namin ay tinetake note ko ang mga instructions at oras na dapat mag administer ng gamot sa bawat pasyente.May mga oras din na pinapalitan ko ang dextrose ng iba at may oras din na chinecheck ko ang vitals nila.
Nang matapos sa pag Rounds si Doc Jp sa mga pasyente ay mabilis na din itong nag paalam dahil hinahabol nito nagaganap na meeting ngayon sa conference room.May isang oras na lang din natitira bago matapos ang duty ko.Pero bago iyon ay bibisitahin ko muna ang vip patient na nag undergo ng surgery last four days.
"Good morning, Mr.Miller. How are you feeling today after your surgery?"
Tanong ko. Mr. Miller is just thirty years old pero sumailalim na agad ito sa heart surgery.Base sa sinabi niya kay Doc, lagi siyang stress sa trabaho niya.Laging puyat at idagdag pa ang madalas na paninigarilyo.Hindi naging healthy ang life style niya na siyang nagdulot ng masamang epekto sa kalusugan niya.Balita sa buong department isa raw anak ng multi billionaire itong si Mr.Miller at siya lang naman ang nag iisang tagapagmana ng empire nila.Well for me, kung ako ang tatanungin.aanhin mo yung ganyang yaman kung may sakit ka naman.Kung ni pag pahinga ay madamot sayo.At lalong lalo na kung hindi ka naman masaya.Siguro okay na ako sa ganitong buhay.Hindi mahirap hindi rin mayaman.Sapat lang.Nakakatulog at nakakapag pahinga sa tamang oras.Although medyo di tugma ang tulog ko sa tamang oras dahil sa field of work ko, pero binabawi ko rin naman yun sa buong umaga.Kumbaga ang araw sa akin ay gabi at ang gabi naman sa akin ay araw.
“I'm still a little sore.But compared to yesterday i can say im much better now.Lalo na nakita ulit kita.Kung ganito lagi kagandang mukha ang bubungad sa akin sa umaga baka the next three days nag pupush up na ako.”
Medyo nahiya ako.Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko sa kanya.Kung kaya tanging tango at ngiti na lamang ang tinugon ko sa sinabi niya.
“That's good to hear sir. We'll continue to manage your pain with medication. Have you taken your pain medication this morning sir?"
I politely asked.
“Yes i have.”
Sagot niya habang nakangiti.Halata namang nagrerecover pa lang ito mula sa surgery dahil halos namamaos pa ang boses niya pero kung magyabang na mag pupush up wagas.
“Excellent. Ahm.. Sir i'm going to check your incision site is it okay?”
“Yes please.”
Sagot nito ng may mapaglarong ngiti.
Dahan dahan pa itong bumangon ngunit agad ko iyong inagapan.Mabilis ko itong inalalayan.
“Sir, sariwa pa ang sugat mo.Hindi makakabuti para sayo ang pwersahin ang sarili na makatayo.”
Hindi ko alam pero parang nainis ako.
Halos napayakap na ako sa kanya para lamang maingat siyang maalalayan pabalik sa pagkakahiga.
“Mas lalo ka pa lang gumaganda kapag nag susungit ka?”
Mariin akong napapikit.Halos magtama na ang hininga namin dahil sa lapit namin sa isa't isa.Mabilis akong nag iwas ng tingin habang inaayos ang unan nito
“Ganito ba talaga pag mayayaman required ang may saltik?”
Pabulong kong sabi but i got surprised.Tumawa ito ng malakas.
“Sir may nakakatawa po ba?”
Panay pa rin ang tawa nito ngunit mabilis nitong ininda ang kaliwang dibdib kung saan siya inoperahan.Agad ko itong chineck.
“The sight looks good.Pero kung di kayo titigil ng kakatawa d'yan, siguradong bubuka ang tahi niyan.We'll change the dressing.Kailangan ko rin pong mag sagawa ng skin test para malaman ko kung wala kayong allergy sa antibiotics na ituturok sainyo.Babalik po ako.Please do not do anything that can worsen your wounds.”
Mahinahon kong sabi.Pero ang pasyente na ito, parang sinasagad ang pasensya ko.Panay display ng dimple niya dahil sa kakangisi niya.I'm trying to be a professional nurse pero ang isang to parang batang binabaliwala ang mga binibilin ko.
“Sure.Basta ikaw ang babalik na nurse ko?”
Kung pwede lang akong magpakaunprofessional dito baka kanina pa nag 360 ang mga mata ko sa kanya.
“Yes sir.Just give me a minute po.”
Inasikaso ko ang pagkuha ng mga syringe at gamot sa pharmacy.Pero sinalubong ako ni Nurse jacky.Si Nurse jacky ay parang isang uod na binudburan ng asin.
“Girl ikaw pala yung na assigned na attending nurse ni Mr. Miller?”
Tanong nito.
“Ah? oo bakit mo natanong?”
“Ahhhhh! ang swerte mo girl.Kung ako yan gagawin ko ang lahat para lang mapansin niya at nang madiligan na tong perlas ng aking silanganan.”
“Sshhh! nurse jacky umayos ka nga! mamaya may makarinig sayo lalo na yung head nurse natin sige ka.”
Pagsuway ko dito na ikinatigil niya.Pero di pa rin ito natigil.Pagdating ko sa counter ng pharmacy iisa rin ang tanong nila at pinaguusapan.
“Ay naku! sige na magtrabaho na tayo.Tigilan ninyo yang kaharutan na yan.”
“Hay naku, ang pait mo te.Palibhasa wala kang jowa.”
Pang aalaska ni Lyca.Sabay abot sa tray ng mga kailangan kong gamot at gauze.Agad kong nilisan ang pharmacy dahil kailangan ng malinisan ang sugat ni Mr Miller.Habang naglalakad sa hallway ay saglit akong natigilan.Nagtama ang aming mga mata pero mabilis akong nag iwas ng tingin.May mga kasama ito at mukhang katatapos lang ng meeting nila mula sa conference room.I didn't even know he was here.Nilagpasan ko lamang ang mga ito at patay malisya na naglakad paalis since hindi rin naman kami nag pang abot dahil lumiko agad ako sa kabilang pasilyo.Napabuntong hininga na lamang ako.Ayaw ko munang magpadistract sa presensya niya.I need to focus on my work.