Chapter10

848 Words
Athena Saglit akong kumatok sa pintuan ng kwarto ni Mr.Miller at binuksan din ito. Naabutan kong may kinakausap itong lalaki n nakablack suit.Tantya ko ay nasa mid 40's ang lalaki.Mukhang serious matter ang pinaguusapan nila kaya gumilid muna ako pero pagkakita sa akin ni Mr. Miller ay bigla itong ngumiti at sumenyas sa lalaki.Agad namang tumango ang lalaki at nag paalam sa kanya.Agad kong inilapag ang tray na naglalaman ng mga syringe gamot at pangpalit ng dressing sa kanyang sugat.Pero bago iyon, kailangan ko munang tanggalin ang suot niyang dress.Sa totoo lang ay na o-awkward-an ako dahil bawat kilos ko yata ay nakasunod ang mga mata ng mokong na 'to.Tapos pag nahuli mo iiwas siya ng tingin.Magpapanggap na wala lang pero nangingiti. “I need to remove your--” Hahawakan ko palang ang suot nitong patient's gown pero umakto na itong parang may gagawin akong masama sa kanya. “I didn't know that you're so agressive miss beautiful.Wag ka na mag paalam.You can do whatever you want.Kahit mag sight seeing ka pa diyan ay ayos lang.” Saad niya.Napapikit na lang ako sa labis na pagtitimpi.Eh siraulo naman pala 'tong isang to eh.Ubod ng kayabangan.Oo gwapo siya at pwedeng best example ng bidang lalaki sa mga w*****d stories pero sorry siya.Si Cha eun woo nga inayawan ko.Siya pa kaya? Peke akong humalakhak habang dahan dahang tinatanggal ang gown niya. “He he he sir.Wag kayong mag alala.Wala akong interes at mas lalong wala akong balak na mag sight seeing dito tulad ng sinasabi ninyo.Ibababa lang natin ng konti tong nasa dibdib ninyo dahil kailangan natin palitan ng bagong dressing ang sugat ninyo.” Pagpapaliwanag ko.Pero tila baliwala lang iyon sa kanya. “Okay go on.” Sagot niya.Patuloy ako sa pagtatanggal ng gown niya.Bahagya ko itong tinagilid upang luwagan ang tali sa kanyang likuran.Nang matagumpay kong matanggal ang tali ay dahan dahan ko ulit itong inalalayang humiga.Dahan dahan kong ibinaba ang gown mula sa kanyang dibdib pero naagaw ng pagngisi ngisi niya ang atensyon ko.Nakapikit ito habang litaw na litaw ang magkabilaang dimple sa kanyang pisngi.Palihim na lang akong napairap sa kanya at nailing.Ganito talaga yata kapag kulang ka sa tulog buong buhay mo.Pati ata isip kulang kulang na char. Nang matapos sa paglilinis ay sinunod kong iadjust ang kanyang higaan dahil na rin sa kanyang request.Naupo na ako sa kanyang tabi at inabot ang kanyang braso.Nakafocus ang aking mga mata kung saan akong parte magpiprick test.Agad kong inabot ang lancet. “Miss beautiful can i ask you for a date after i recover?” Nanatiling naka hang ang kamay ko habang hawak ang syringe.Pinaningkitan ko ito ng mata at saka muling nag yuko at nag focus area na tutusukan ngunit mabilis itong umigik na tila nasasaktan. “Ah..ouch..ouch.” I chuckled. “Sir, umaaray ka na agad wala pa nga akong tinutusok.Saglit lang to sir.” Muli kong ipinusisyon ang karayom sa kanyang braso. “We-wait.Just answer yes or no.Can i ask you for a date?” Nauubos na ang pasensya ko nang balingan ito. “Sir, are you just doing this because you're afraid to injection? may just remind you Mr. Miller, nag undergo kayo ng heart surgery.Hindi lang basta tusok ang ginawa sa dibdib mo.Hiniwa yan gamit ang matalas na bagay.So why afraid over a small syringe? Wag ka mag alala.Mabilis lang 'to at hindi rin to masakit kasi parang kagat lang to ng dinosaur.” Titig na titig ito sa akin na tila ba tumatagos ang nga tingin niya sa nakaface mask kong mukha.But this time hindi siya nakangiti pero ang mga mata niya nag niningning. “Mag start na po ako mag inject just relax okay?” “Just answer yes or no.Can i ask you for a date?” He seriously asked.Matapos kong pahiran ng alcohol ang area ay itinutok ko na rin ang karayom pero bago iyon natatawa ko muna itong inalaska. “Tss, paano mo idedate ang isang tulad kong nurse kung sa maliit na karayom pa lamang ay ta--- oh my god!!!” Hindi ko na natapos ang sasabihin ko nang ang nakatutok pa lamang sana na karayom sa balat nito ay bigla nitong binaon sa kanyang balat habang hawak ang kamay ko.Halos manglaki ang mga mata ko sa gulat. “Here.” Wika niya habang nakahawak sa kamay ko. “Are you insane Mr.Miller?” Bulalas ko.Ngunit mabilis nitong nilapit ang kanyang mukha sa akin at walang ano ano ibinaba ang suot kong mask. “I'm not.Pero malapit na.And just to let you know, i'm not really afraid to any kinds of syringe.I'm just buying a time so i can be with you longer.Now tell me, can i ask you for a date miss beautiful?” Tulala ko lang itong tinitigan.His presence is too much for me.Ano pa kaya itong harap harapan niya akong niyayang mag date? “Ah, sir ano po kasi--” “She won't date you Mr. Miller.” Kapwa kami napalingon sa pamilyar na boses ng isang lalaki. “She won't go out with anyone.” He authoritatively said. “Red.” Bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD