Athena
Mula sa maamo at pilyong mukha ay tila mabilis na nag iba ang timpla ni Mr.Miller pagkakita kay Red.
“Red Francisco it's nice to see you.”
Bati ni Mr.Miller ngunit seryoso niya lamang itong tinitigan.
“Are you here to check on me? well don't worry. I'm very much satisfied with the service of your people here.Specially how this beautiful girl takes care of me.Right Athena?”
Sabi niya sabay kindat.Napalunok ako at mabilis na nag iwas ng tingin.Seryoso pa din ang mukha ni Red.Kumalabog ng malala ang dibdib ko nang balingan niya ako ng tingin.Pakiramdam ko ay may krimen akong nagawa sa paraan ng pagtitig niya.Mabilis akong dumistansya kay Mr. Miller at gumilid sa tabi.
Teka bakit ba ako kinakabahan? Una sa lahat wala naman akong ginagawang masama.
“Call her nurse cho.Not by her name.I'm fully aware what kind of person you are.”
Napaangat ako ng tingin.
“Not my hospital staff Mr. Miller. I'm sure you're not this too low para pumatol sa isang katulad niya.”
Bumagsak ang aking mga kamay.Tila binundol ng sakit ang aking dibdib sa mga binitawan niyang salita.Pinagmamasdan ang kanyang mukha na tila walang ano man emosyon ang naroon .Tunay bang isang kababaan ang pumatol sa isang tulad ko? pero bakit? kaya ba hindi niya ko magustuhan dahil nakakababang pumatol sa isang tulad ko? oo nga naman.Sino ba naman lalaking tulad niya na nasa mataas na lipunan ang papatol sa isang mahirap na tulad ko?
Sinikap kong hindi magpakita ng ano mang emosyon sa harapan niya.Kahit pa pakiramdam ko ay unti unting umaakyat ang sakit sa leeg ko mula sa aking dibdib.I even heard Mr. Miller chuckeled.
“Masyado ka naman atang harsh Red. A beautiful girl like her deserves all the love in this world.I guess you still haven't moved on from your ex.Celine right?”
Ang bilis ng pangyayari.Namalayan ko na lang na kinukwelyuhan na ni Red si Mr. Miller.So ganito pa rin siya ka apektado pagdating kay celine.Just like the old days.
“Don't you dare mention her name or else ipapatapon kita ngayon mismo sa labas ng hospital ko.”
Naikuyom ko ang mga kamay ko.Dali akong lumapit sa dalawa at pinaghiwalay ang mga ito.Di ko na rin alam kung saan ako kumuha ng lakas para itulak si Red palayo kay Mr. Miller.Bakas sa mukha ni Red ang gulat nang balingan ko ito ng tingin.I coldly stared at him na ikinataas ng kilay niya.
“I know you are my boss.But you shouldn't act like this.You are not supposed to hurt our patient just because of your personal issues.”
He smirked.His face darkened but i didn't let him say a word.
“Labas”
I said.He seems surprised.
“It is my duty to take good care of our patient.So please lumabas na kayo.”
Dali ko itong tinalikuran at mabilis na tinulungan si Mr.Miller na makahiga ng maayos.Chineck kong muli ang tahi sa kanyang dibdib at mabuti naman ay ayos iyon.Napabuntong hininga na lang ako ng marinig ko ang pagsarado nito ng pinto senyales na nakalabas na ito mula sa kwarto.
“You really amazed me athena.You got my attention now.”
Nakangisi nitong sabi habang nakapikit.Bakas sa mukha nito ang iniindang sakit mula sa kanyang sugat.
“I don't want any of your attention Mr. Miller.You seems good.Mag pahinga po kayo ng maayos.The doctor will check on you later.”
Agad akong nag lakad palabas ng kwarto.Pagkapasok sa cubicle ay doon na kusang lumandas ang luhang kanina ko pa pinipigilan.“Bakit ba ang sakit sakit mag mahal?”
Tahimik akong umiyak sa sulok at yumuko sa aking mga tuhod.
***
Chineck ko ang mukha ko sa salamin.Matapos kong ubusin lahat ng luha ko ay naghilamos agad ako.Life must go on kaya kahit na lip tint lang naman ang ginagamit ko sa araw araw ay napagamit na ko ngayon ng concealer.Ayaw ko naman may makahalatang umiyak ako.Nang makita kong fresh look na ulit ako ay agad na akong nag desisyon na lumabas.Pero di ko pa tuluyang nabubuksan ang pintuan nang bigla na lamang sumulpot sa harapan ko si Red at mabilis na nilock ang pinto.
“Nagkamali ka ata ng pinasukan sir. Girl's comfort room 'to.Sa kabila ang men's comfort room.Excuse me.”
kaswal na sabi ko sabay alis pero laking gulat ko ng biglang siilin ako nito ng halik.Ngunit malayo sa halik na pinapangarap ko.The way he kiss me is hurting me.He's kissing me roughly and it breaks my heart.
Mabilis ko itong itinulak palayo.
“Ano ba?”
Muli niya akong siniil ng halik.Halik na walang pag iingat at mapagparusa.
Muli ko itong tinulak and this time malakas ko itong nasampal.
“What the hell is your problem? this is what you want right? yung mapansin kita? kaya ba lumalapit ka kay Miller dahil gusto mong makuha ang atensyon ko? i didn't know you are this cheap.”
Muling nakatikim na malakas na sampal sa akin si Red.
“I guess ganito talaga kababa ang tingin mo sa akin.All these years i've been loving you and waiting for you to love me too.To the point na mukha na kong tanga kakahabol sayo.Yung tanggihan mo yung mga binibigay ko sayo, yung sungitan mo ko, at di pansinin okay lang ang lahat ng yun sa akin Red.But this one? treating me like a cheap woman is breaking me to the bone.Hindi pa ba sapat na ipagkalandakan mong kababaan ang pumatol sa isang tulad ko?”
Puno ng hinanakit kong sabi.Tila binuhusan ito ng malamig na tubig sa kanyang reaksyon.Napahilamos ito sa kanyang mukha at aktong lalapitan akong muli pero mabilis akong umatras.Natigilan ito.
“Look, i-i'm sorry i didn't mean to say that.”
“Bakit Red? dahil ba mahirap lang ako?”
Unti unting bumuhos ang luha ko.Ngunit hindi tunog ng pag tangis ang kumawala sa aking bibig ngunit halakhak na kalauna'y napalitan din ng sakit.
“Alam ko naman na langit ka lupa ako.Gusto ko naman talagang itigil ang kahibangan na to noo pa.Maniwala ka man sa hindi pero sa mga taong lumipas na wala ka pinilit talaga kitang kalimutan.”
Muli akong napangiti.
“Pero nung makita kita ulit, doon ko narealized hindi pala nawala ang pagmamahal ko sayo.Narito pa din.Sadyang pinilit ko lang pigilan para di ko maramdaman ang sakit.”
Agad akong nag pahid ng luha at malalim na nag buga ng hangin.
“Pero alam mo isa rin sa importanteng narealized ko ngayon, kapag pala hindi ka na masaya pwede ka ng huminto. Lalo't sobrang sakit na.Kung nagawa ko dati i'm sure magagawa ko ulit ngayon.Wag ka mag alala.From now on titigil na ako.Hindi mo na kailangang mairita mag tago o tumakbo sa tuwing darating ako.Kasi ititigil ko na.Ititigil ko na ang nararamdaman ko para sayo Red Francisco.”