Chapter13

1188 Words
“Grabe the best ka talaga kapatid.Salamat dito bunso.” Wika ni kuya habang bitbit ang mga pasalubong kong chocolates. “Naku siguradong sa girlfriend niya ang diretso ng kuya mo na 'yan.Hay, ikaw naman kasi anak napakarami mo namang pinamiling tsokolate roon.Hindi ba't ang pinunta mo doon ay bakasyon.Hindi ka na sana nag abala pa mamili ng mga ito.At itong damit magkano ba ito mura ba ito?” Napangiti na lamang ako habang pinagmamasdan si nanay. “Nay wag ninyo na po intindihin yung presyo.Wag po kayo mag alala mura lang yan.” “Anak maraming salamat dito sa polo na binili mo sa akin ha? hanep oh ang gwapo ng tatay mo.Pasado na ba mahal?” Tanong ni tatay kay nanay. “Ay sus oo naman mahal.Parang kang yung nasa koreanobelang karakter na lalaki sa t.v.” Saad ni nanay sabay hawak sa braso ni tatay.Unti unting nasuya ang aking mukha sa nakikita. “Aba sa gwapo ng asawa mong ito pwede pa tayong makabuo mahal.” Naningkit ang mga mata ni nanay at ngumiti na tila kinikilig.Marahan pang hinampas nito ang dibdib ni tatay. “Eww yuck.Sa tanda ninyong yan may balak pa kayong bumuo?” Natigilan ang dalawa at mabilis din namang ngumiti. “Aba, bakit hindi anak? kung saka sakaling masundan ka pa, anong gusto mong ipangalan natin sa bunso mong kapatid?” “Tay, nay, seryoso ba kayo?” Nanglalaki ang butas ng ilong kong pinagmamasdan ang mga magulang ko na animo'y teen ager pa kung mag harutan. “So ano ngang pangalan ang naiisip mo tinang?” Tanong ni tatay.Padabog kong binitiwan ang mga pinamili kong damit at namewang sa harapan nila. “Siguro magandang pangalan diyan sa mabubuo ninyo ANG HULING EL BIMBO.” “Huling el bimbo? bakit naman ganun ang pangalan nak?Ang weird.” Saad ni tatay. “Huling el bimbo.Dahil parehas na kayong mag memenopausal humirit pa kayo ng isa.” Mabilis akong tumalikod at umakyat papunta sa aking kwarto dinig ko ang halakhakan ng dalawa at ang sigaw ni tatay na biro lamang daw at ako pa rin ang nag iisa niyang bunsong prinsesa.Napangiti na lang ako at napailing.Alam ko namang biro lang nila yun.To be honest i really want to find a man who can love me like how my father loves my mom.Yung bang kahit tumanda na kayo kahit kumulubot na ang balat ninyo pero di pa din nag babago ang pagmamahal ninyo para sa isa't isa.Pero siguro nga sa panahon ngayon di ka na basta basta makakahanap ng ganun. Binuksan ko ang bintana ng aking kwarto at sumalubong sa akin ang malamig na hangin.It's been two weeks since nag leave ako sa trabaho.Pagkatapos kasi nung naging confrontation namin ni Red pakiramdam ko ay kailangan ko munang huminga.So inipon ko na lahat ng kakapalan ng pagmumukha ko at tinawagan ko si Axel at nakiusap na kung pwede gamitin ko na lahat ng leave na meron ako sa isang buong taon para mag bakasyon.Ikinuwento ko lahat ng nangyari kay Axel at inintindi niya ako ng walang halong panghuhusga.Sa dalawang linggong bakasyon ko sa japan ay masasabi kong kahit papaano nakalimot ako sa problema ko.Hindi nga lang ang puso ko.I guess it really takes a lot of time to move on. Naputol ang pagmumuni muni ko nang tumunog ang cellphone ko.Binuksan ko ang aking email at nakatanggap ako ng message regarding with our year end party tomorrow night.Napabuntong hininga ako.Saglit na tinitigan ang malambot na kama at di kalauna'y binagsak ko din ang katawan doon.Yakap ang malambot na unan na pansamantalang nagbibigay ng kaginhawaan sa aking katawan.Nag iisip.Handa na ba akong harapin siya ulit? siguro oo dahil nakapagdesisyon na akong kalimutan na lahat ng nararamdaman ko para sa kanya.Pero ang sabihin na makisama sa kanya ng normal na parang bang walang nangyari yun ata ang malabo.He's my first love and my first heartbreak.Kung may matitira mang connection sa amin iyon ay siya bilang boss ko at ako bilang isang empleyado niya. *** “Eto po ma'am ang mga pwede n'yong pag pilian.” Saad ng babae habang isa isang ipinapatong ang mga boxes sa maliit na babasaging mesa. “Kukunin ko tong itim miss.” Matamis na ngumiti ang babae at agad na kinuha ang item na pinili ko.Matapos kong makabili ng pang exchange gift at pang regalo sa mga co nurses ko para sa year end party ay siyang sakto namang nakaramdam na ako ng gutom.Pagkalabas ng department store ay nilibot ng mata ko mga kainan doon.Nag ningning ang mga mata ko nang masilayan ang paboritong kong fast food restaurant.Habang naglalakad papunta doon ay natigilan ako nang makita ko ang isang lalaking kumakaway sa akin. “Josh, ikaw pala.” Lumabi ito at lumapit sa akin. “You didn't message me when you filed for leave.Tapos nakabalik ka na pala hindi ko pa din alam.Dapat na ba akong mag tampo?” Napangiti ako. “Tss, sorry na.Biglaan eh.Hayaan mo babawi na lang ako.Libre kita ngayon.” Nakangiting turo ko sa fast food restaurant. “Sure, tara?” Agad nitong kinuha sa mga kamay ko ang mga pinamili ko. “Sus, kunwari ka pang nag tatampo.Style mo lang yan eh para malibre kita.” “Minsan mo lang naman ako malibre.So susulitin ko na.Sabihin nating pinagbigyan lang kita sa date na gusto mo.” “Ano? wow ang kapal ah.” Sabay pabirong kurot ko sa tagiliran nito.Natigilan kaming pareho nang mapagsino namin ang nasa harapan namin.Salubong ang mga kilay nito at seryosong nakatitig sa amin ni josh. “Good afternoon Mr. Lacsamana.” Magalang na pagbati ni josh. Naging awkward bigla ang paligid ng di man lang nito sagutin ang pagbati ni josh at direkta lamang na nakatitig sa'kin.Pakiramdam ko biglang naging awkward ang paligid. “Francis.” Nabaling ang tingin ko sa pamilyar na boses ng babaeng paparating.Matamis itong nakangiti sa akin. “Hey nurse Athena and nurse josh.You're here too?” Tanong ni Doc Carla na ginantihan ko lamang ng ngiti. “Oh, i'm so sorry francis if i'm late.I got stuck in a traffic.” Matamis na ngiti ni Doc Carla habang nakatitig kay Red.But despite of Doc Carla's presence his eyes still remained on me.Nakailang kurap si doc Carla na kapwa kami pinagbaling balingan ng tingin ni Red.Kalauna'y idinaan na lamang niya ito sa malakas na tawa na tila ba binabasag nito ang awkwardness na nangingibabaw sa'min.Agad akong nag iwas ng tingin at bumuntong hininga. “Nurse Athena and josh, are you on a date too?” Tanong ni Doc Carla.Mapait akong napangiti.So nag dedate na pala silang dalawa.Napakagat ako sa aking ibabang labi.Pero mabilis kong nilingon si josh sa aking tabi ng abutin nito ang aking kamay at marahan iyong pinisil. “Yes Doc Carla.Actually were planning to have lunch nang makalasubong namin kayo dito.” Saad ni josh. “Oh really? oh siya sige baka nakakaistorbo na kami sa date ninyong dalawa-- “Let's join them for lunch.” Naiwang nakanganga si Doc Carla. “F-francis wait.” Habol ni Doc Carla dito.Mariin akong napapikit sa inis. “Ano na naman bang trip niya?” Inis na bulong ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD