Chapter 38

407 Words

Raven's "SIGURADO KA BANG 'di 'yan utang ang pinambayad mo apo?" paninigurado ng aking lola. Kanina pa ako binabaha ng tanong ng lola kung paano ako nakalikom ng halaga para maituloy ang surgery niya. Ilang buwan na ring namamalagi sa hospital ang lola, dahil sa breast cancer niya. Pagod na akong nakikita siyang nahihirapan. "Marami akong nahingan ng tulong, La. Alam mo 'yong social media? Nanghingi rin ako ng tulong para rito," wala akong magawa kung hindi magsinungaling. Ayoko nang dumagdag pa sa sakit na nararamdaman ni lola ngayon. Hindi ko man siya masasaktan sa pisikal na aspeto, alam kong masasaktan ang puso niya kapag malalaman niyang nakaw ang perang pinambayad ko para sa surgery niya. Baka isipin pa niyang bigo siyang palakihin ako nang tama. Ayoko ko n'on. "Siguraduhin m

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD